Sabi Nila - Pinoy Horror Flash Fiction

Paglilihi, Part I
“Hon, tingnan mo may bagong lilipat sa apartment ni Aling Tessie.”

Lumabas ang aking asawang si Lando sa aming balkonahe at sinilip ang isang jeep na nakaparada sa kalsada. Dalawang lalaki ang nagbababa ng ilang mga gamit at ipinapasok ang mga ito sa isa sa mga apartment units sa tapat n gaming bahay. Isang babae ang kausap ni Aling Tessie. Kung pagbabasihan ang laki ng tiyan ng babae, masasabing ito’y apat o limang buwan ng buntis.

“Oo nga ano,” sabi ni Lando. “Marami ba sila?”

“Hindi ko alam,” sagot ko. “Yung babae lang ang sakay nung jeep saka yung dalawang mamang nagbubuhat.”

Saglit pang pinagmasdan ni Lando ang mga kaganapan sa tapat ng aming bahay at pagkatapos ay tumalikod na at pumasok.

“Maliligo na muna ko, hon. Baka ma-late pa ako sa trabaho.”

“Sige.” Dahil wala naman akong trabaho, pinanood ko muna ang magiging bago naming kapitbahay. Kinilatis kong mabuti ang babaeng buntis. Bata pa ito, sa tingin ko ay hindi tatanda sa bente-singko. Maganda siya, maputi at mahaba ang tuwid na tuwid na buhok. Napansin ko na wala siyang suot na singsing sa kaliwang kamay.

Dalagang ina, naisip ko habang napapailing.

Pumasok na rin ako sa aming bahay. Marami pa akong gawaing-bahay na dapat tapusin. Magigising na rin ang aking apat na taong gulang na anak na si Emmy. Mahirap talagang maging isang maybahay.

“Julie!”

Napalingon ako sa aking likuran at nakita ang aking kumareng si Glenda na nagmamadaling naglalakad papalapit sa akin. Tumabi muna ako para hindi makaharang sa mga taong dumadaan. Hawak ko sa aking kaliwang kamay ang aking mga ipinamalengke habang sa kabila naman ay hawak ko sa kamay si Emmy.

“Ay naku mare,” excited na bati ni Glenda, “nakita mo na ba yung bagong umuupa kina aling Tessie?”

“Oo naman. Nakita ko nga kanina nung dumating.”

“Naku, kawawa naman ano. Sabi ni Aling Tessie, tinakbuhan daw nung lalaking nakabuntis sa kanya. Paano, may asawa pala yung lalaki.”

Bilib talaga ako sa aking kumare. Basta sa tsismis, hindi magpapahuli.

“Taga-Cavite daw ‘yon. Kaya napalipat dito, eh, dahil nagtatago. May kaya daw yung pamilya niya,” tuwang-tuwang pagbabalita ni Glenda sa akin.

“Naku, kawawa naman pala.”

“Mommy, uwi na tayo,” biglang sabi ni Emmy sabay hila sa kamay ko. “Pagod na ako.”

“Oh sige, baby. Uuwi na tayo.”

Nagpaalam na ako kay Glenda, na nangakong dadaan sa amin mamaya upang ikuwento ang iba pa niyang nalalaman tungkol sa bago naming kapitbahay.

Mabilis lumipas ang mga araw. Bagamat laman pa rin ng mga kuwentuhan, napahanga naman ang mga tao sa aming buntis na kapitbahay. Si Linda, na apat na buwang buntis, ay mabait at masayahin. Lagi niyang binabati ang mga taong nakakasalubong niya. Dahil likas na magalang, mabilis niyang nakapalagayang loob ang mga tao dito sa amin. Malakas ang loob niya at hindi nalulungkot kahit mag-isa lamang siya. Bagamat ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa ama ng kanyang dinadala, masaya naman siya kapag ang kanyang magiging anak ang pinag-uusapan. Tunay siyang nasasabik na makita at mayakap ang kanyang anak. Kahit nasa murang edad pa lamang, hindi siya natatakot harapin ang buhay ng isang ina.

Mahilig din siya sa mga bata. Natutuwa siyang panoorin ang mga batang naglalaro sa tapat ng kanyang apartment. Nakikisali siya sa malakas na kuwentuhan at tawanan ng mga bata. Minsan ay pinaghahanda pa niya ng merienda ang mga ito kapag hapon. Para sa mga nakatira sa aming baranggay, isang anghel si Linda.

Isang bata ang particular na nakakuha ng atensyon ni Linda. Ito ay si Maylin, ang apat na taong gulang na anak ni Glenda. Kitang-kita ang sobrang tuwa ni Linda sa tuwing makikita niya si Maylin. Gigil na gigil siya sa bata at laging pinipisil ang mabiloy nitong pisngi. Ngunit ang talagang nagustuhan ni Linda kay Maylin ay ang makinis at malaporselanang kutis nito.

“Wow! Ang ganda-ganda mo talaga. Ang puti-puti at ang kinis-kinis!” ang laging bati ni Linda sa bata.

“Naku mare,” nakangiting sabi ko kay Glenda isang araw habang pinagmamasdan namin si Linda kasama ni Maylin, “mukhang pinaglilihian ni Linda ang anak mo, ah.”

“Mabuti yan. Para maging kasing-ganda ng anak ko ang baby niya,” sagot ni Glenda sabay halakhak ng malakas.

Ngunit bigla ring nag-iba ang ihip ng hangin. Napansin ko, habang lumilipas ang araw, hindi na binabati ni Linda si Maylin. Ni hindi na nga siya lumalapit sa bata. Sa katunayan, tuwing nakikita niya ang anak ni Glenda, napansin kong bigla siyang napapasimangot na para bang naiinis.

Dahil medyo naging malapit na rin siya sa akin, pabiro ko siyang tinanong hinggil dito.

“Linda, hindi mo na ba pinaglilihian si Maylin?”

“Hah?” gulat niyang sabi.

“Hindi mo na kasi siya binabati.”

“Naku, nagkataon lang siguro,” nakangiti niyang sagot. “Marami rin kasi akong iniisip.”

Tinitigan ko ang masayang mukha ni Linda at napagdesisyunan kong imahinasyon ko lang ang napansin kong pagbabago sa kanya.

Isang masamang balita ang nakarating sa akin isang araw. Dinapuan daw ng isang sakit si Maylin na nagdudulot ng mga sugat sa kanyang katawan. Nang dumalaw ako sa hospital, nabigla ako sa aking nakita.

Sugat-sugat ang buong katawan ni Maylin. Parang nabibiyak ang kanyang balat na nagdudulot ng matinding pagdurugo. Halos hindi mo na siya makilala dahil pati ang kanyang mukha ay puno ng sugat.

“Diyos ko, mare! Ano na bang nangyari sa anak ko?” tangis ni Glenda ng makita ako. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Nangingig ang kanyang buong katawan dahil sa pag-iyak.

“Ano daw ba ang sabi ng mga doktor?” tanong ko sa kanya.

“Wala! Wala silang sinasabi!” galit na sigaw ni Glenda. “Wala silang alam. Hindi nila alam kung anong nangyayari sa anak ko!”

Wala akong nagawa kundi ang yakapin ang aking kaibigan. Ipinikit ko rin ang aking mga mata dahil hindi ko magawang tingnan ang nangyari sa kanyang anak na si Maylin.

Lumipas ang mga araw ngunit hindi pa rin malaman ng mga doktor ang dahilan ng sakit ni Maylin. Inilipat na siya sa ibang hospital ngunit wala pa ring makapagbigay ng lunas sa bata.

Ilang beses kong tinanong si Linda kung gusto niyang bisitahin si Maylin sa hospital ngunit sa tuwing gagawin ko iyon ay lagi siyang may dahilan kung bakit hindi siya makakapunta. Minsan ay nahihilo siya, minsan naman ay marami siyang kailangang tapusing gawain sa bahay. Kadalasan ay pagod siya. Minsan tuloy ay naiisip ko na talagang ayaw na niyang makita pa ang bata. Ngunit sigurado ako na nagkataon lamang ito dahil wala naman siyang dahilan para magalit kay Maylin.

Itutuloy…

Team Building
Excited ang buong Team “Aloha” sa kaniling nalalapit na team building.  Halos isang taon na rin kasi ng huli silang mag-out of town.  Ito rin kasi ang unang pagkakataon na makakapag-team building sila na kumpleto at kasama ang lahat.

“Hoy!  Overnight lang tayo doon hindi isang linggo!” sabi ng macho ngunit taklesang bading na si Leonardo ng makita ang dalawang naglalakihang bag ni Kim.

“Etchos!  Siyempre kailangan kumpleto ang gamit at accessories noh,” nakangiting sagot ng kikay na si Kim habang bitbit ang isang malaking bag habang ang isa naman ay suot-suot sa likuran.  “Tulungan mo nga ako rito.  Parang hindi ka naman gentleman niyan eh!”

“Talagang hindi!” ang tumatawang sabi ni Leonardo sabay talikod.

“Team Aloha, kumpleto na ba ang gamit ninyo?  After shift lalakad na tayo para hindi na tayo ma-traffic,” sabi ng team leader nilang si Anna.

“Yes, Boss!” sagot nilang lahat.

Kasalukuyan silang nasa pantry noon, nagmemeryenda habang iniintay ang simula ng kanilang shift.  Maaga silang nagdatingan, lahat ay nasasabik sa pagkakataon na makapagpahinga, makapag-relax, at kalimutan ang pagca-calls.

“Robbie, honey, dala mo ba yung trunks mo diyan para makita ko naman yang katawan mo,” pang-aasar ng madaldal na si Yesha.

“Maglalaway ka dahil T-Back ang isusuot ko!” sagot ni Robbie na hindi magpapatalo pagdating sa asaran.

Masayang tawanan ang pumuno sa pantry.

“Ilang oras nga pala ang biyahe papunta doon?” tanong ni Izza, ang pinakabata sa team.

“Mga two hours siguro kung hindi traffic,” sagot ni Kiss.  Siya kasi ang nakakaalam kung saan sa Batangas sila pupunta dahil siya ang nagset-up nito.

“Ikaw mommy, ano bang swimsuit mo diyan?” tanong ni Anna kay Mars, na siyang pinakamatanda sa team.

“Aba, two piece yata ang dala ko!” pagmamalaki ni Mars.

“Naku, di makikita namin ang mga stretch marks mo,” hirit ni Robbie.  Anim na kasi ang anak ni Mars.

Tawanan ulit ang lahat.  Ganito talaga ang Team Aloha.  Palaging nag-aasaran at nagkakasiyahan.

“Oy, malapit na tayo mag-time,” sabi ni Sam, ang pinaka-tenured sa team na pitong taon na sa call center na iyon.  “Baka ma-late tayo niyan.”

“Opo, ninuno,” pangbubuska ni Yesha.

Isa-isang nagtayuan ang Team Aloha para mag-log-in.  Dito napansin ni Sam si Jean na nakaupo sa isang table sa dulo ng pantry.  Nilapitan niya ito.

“Jean, andyan ka pala.  Bakit hindi ka doon naupo kasama namin?” tanong ni Sam.

“Hah?  Ah… eh… kadadating ko lang kasi eh,” sabi ng nauutal na si Jean.  Napansin ni Sam na balisa ni Jean.  Para bang kinakabahan.

“Okey ka lang ba, p’re?”

“O-Okey lang,” sagot ni Jean na nakatitig sa malayo.

Sinundan ni Sam ang tingin ni Jean at nakita niyang nakatingin ito sa lamesa kung saan nakaupo ang team nila kanina.  Pero wala ng tao ngayon doon.

“Anong tinitingnan mo diyan?” pang-uusisa ni Sam.

Halatang nagulat si Jean sa tanong ni Sam.  Nangingiting tiningnan ni Jean ang katrabaho.

“Wala.  Ano kasi…” sabi ni Jean ngunit bigla siyang natigilan, ang mga mata’y muling napako sa lamesa sa likod ni Sam.  Sa pagkakataong iyon ay nakita ni Sam ang takot sa mukha ni Jean.  Namumutla ang mukha at nanginginig ang katawan nito.

Biglang tumayo si Jean, na nakatitig pa rin sa lamesa.  Pagkatapos ay bigla itong tumalikod at mabilis na naglakad papalayo.

Naiwan ang nagtatakang si Sam.  Alam ng buong team na may pagka-weirdo si Jean.  Napakatahimik nito at hindi nakikihalubilo sa mga katrabaho.  Madalas ay nakikita nila itong nakatulala, nakatingin sa wala.  Noong una ay pinagtatawanan nila ang ka-teammate ngunit di kalaunan ay nasanay na rin sila sa ka-weirdohan nito.  Dahil dito ay binalewala na lang ni Sam ang nangyari at inisip na ito ay parte lang ng pagiging kakaiba ni Jean.

Naging mabilis ang paglipas ng oras para sa Team Aloha.  Pagdating ng alas-siyete ng umaga, sabay-sabay at nagmamadaling naglog-out ang buong team.  Mabilis silang nagtipon sa pantry, dala ang kanilang mga bag.

“Okay guys, parating na daw yung van natin.  Dun na natin antayin sa baba.  Puwede tayo magstop-over kapag may madaanan tayong fast-food para makapagbreakfast tayo,” sabi ni Anna.

“Ready ka na Jean?  Dala mo na ba ang lahat ng gamit mo?” tanong ni Sam.

“Ah, oo,” mahinang sagot nito.

“Buti naman at nakasama ka.  Minsan-minsan lang kasi tayo makapagteam building kaya dapat lahat kasama para masaya.”

Ngiti lang ang sinagot ni Jean kay Sam.

Mahaba ang biyahe nila papuntang Batangas.  Pagkatapos ang sandaling pagtigil sa isang fast-food restaurant para makapag-almusal ay nagpatuloy sila sa kanilang pagbiyahe.  Dahil sa mga pagod at puyat ang lahat, nakaramdam sila ng antok at nakatulog sa sasakyan.

Alas diyes na ng marating nila ang resort.  Nirentahan nila ang isang malaking bahay sa tabi ng dagat.  Maganda ang lugar.  Tahimik at malinis.  Mayroon ding isang malaking pool sa bakuran ng bahay.  Masayang pumasok sa bahay ang buong team.  Kanya-kanyang hanapan ng puwestong mauupuan.  May mga dumeretso sa CR para makapag-jingle.  Meron ding dumertso sa mga kuwarto, pumipili kung saan sila matutulog.

“Oy, huwag kayong mag-unahan.  Malaki ‘tong bahay na ‘to.  Kasyang-kasya tayong lahat,” sabi ni Kiss na siyang kumausap sa may-ari ng bahay.

“Buti nakuha natin ‘to ng mura.  Ang laki pala nito,” sabi ni Lawrence.

“Mabait naman yung may-ari kaya madaling pakiusapan,” nakangiting sagot ni Kiss.

Naging abala ang Team Aloha sa pag-aayos ng mga dala nilang gamit.  Sa isang kuwarto ay nagsama-sama ang mga lalake, at sa isang kuwarto naman ay magkakasama ang mga babae.  May aircon ang mga kuwarto kaya masayang nahiga muna sila para makapagpahinga.

“Ang ganda ng CR!  Meron pang bathtub!” masayang sabi ni Robbie.

“To naman, bathtub lang na-excite na.  May pool nga diyan saka ang laki-laki ng dagat,” pang-aasar ni Lawrence.

Dito ay napansin ni Sam si Jean na tahimik na nakaupo sa isang kama.  Nakatungo ito at parang may ginagawa.

“Jean, ang ganda nitong lugar ano,” bati ni Sam na pinipilit makapagsimula ng kuwentuhan.

“Ha?  O-Oo nga,” matipid na sagot ni Jean.

Pinagmasdan ni Sam ang katrabaho.  Nakatungo ito at nakapikit. Mahigpit na magkahawak ang mga kamay nito.  Para bang nagdadasal.

Hindi malaman ni Sam kung ano ang iisipin sa ka-teammate.  “Mabuti pa magbihis na tayo para makatalon na sa tubig.”

Sumang-ayon naman sa kanya ang mga kasama niya kaya mabilis silang nagbihis.  Paglabas ng kuwarto ay nakita nila sina Joan, Yesha, at Diane na palabas para mamalengke.  May malapit kasing palengke sa lugar na iyon kaya naisipan nilang doon na mamili kaysa sa magdala pa ng pagkaing lulutuin.  Nagprisinta naman si Lawrence na sumama para makatulong sa pagbubuhat.

Masaya ang buong araw nila.  Marami silang pagkaing niluto, iba’t ibang putahe.  Ilang case din ng beer ang binili nila.  Mayroon ding videoke kaya hindi natitigil ang kantahan at tawanan.  Kapag nakakaramdam na ng tama ang isa sa kanila ay agad itong tatalon sa pool para bumaba ang tama.  Hindi rin tumitigil ang tsismisan at asaran.

Sa gitna ng kasayahan ay hindi mapigilan ni Sam na mapansin ang mga kinikilos ni Jean.  Oo, bagamat hindi ito humihiwalay sa kanila, hindi rin naman ito nakikipagkuwentuhan sa kanila.  Tahimik lang itong nakaupo, ni hindi man lang tumikim ng beer.

Pagdating ng alas-dos ng madaling-araw, isa-isa ng pumasok sa kuwarto ang Team Aloha.  Nakaramdam na rin sila ng pagod at antok.  Ang iba naman ay talagang inabot na rin ng kalasingan.  Makalipas ang ilang minuto ay tulog na ang lahat.  Tahimik na ang buong bahay, wala ni isa mang bakas ng kasiyahan na pumuno dito ng ingay at tawanan.

Marami-rami ring nainom na beer si Sam kaya madali siyang nakatulog.  Ngunit wala pang isang oras ng bigla siyang maalimpungatan.  May narinig kasi siyang kung anong bagay.  Bagamat nakakaramdam ng sakit ng ulo ay pinilit niyang umupo.

“Huwag kayong lalapit.  Huwag niyo silang lalapitan!” isang boses na puno ng takot ang narinig ni Sam.  Iginala niya ang kanyang mata, pilit na inaaninag kung sino ang nagsalita sa gitna ng dilim.

“Lumayo kayo!” sabi ng boses na parang humihikbi.

Paglingon niya sa kanyang kaliwa ay nakita ni Sam ang isang taong nakaupo sa kama.  Bagamat may kadiliman ay alam niyang si Jean iyon.

“Jean, gabi na ba’t di ka pa natutulog?” ang sabi ni Sam na may halong pagkairita.

Parang hindi siya narinig ni Jean.  Nakaupo lang ito, kung saan-saan tumitingin.  Babaling siya sa kaliwa, pagkatapos ay mabilis na babaling sa kanan.

“Huwag sabi kayong lumapit!  Hindi ako natatakot sa inyo!” Lumalakas ang boses ni Jean.  Pakiwari ni Sam ay may halong takot sa boses nito.

“Jean, ano bang problema?” tanong ni Sam habang pinagmamasdan ang ibang mga katrabaho.  Tulog na tulog sila, walang kamalay-malay sa nangyayari.  Napakamot ng ulo si Sam sa pagkainis at pagkatapos ay tumayo at bumaba sa kama.  Dahan-dahan niyang nilapitan si Jean.

“Jean, matulog ka na!  Lasing ka lang ata…” sabi ni Sam sabay hawak sa balikat ni Jean.  Dito ay bigla siyang natigilan.  Hindi niya alam kung bakit pero para bang nakuryente siya.  Napapikit siya sa naramdamang sensasyon.

“Huwag!  Sabi ng huwag!”  Biglang napadilat siya sa narinig na sigaw.

“Hoy Jean!  Naka-drugs ka b…” hindi niya naituloy ang sasabihin.  Iginala niya ang kanyang nanlalaking mga mata.  Kung kani-kanina lang ay sila lang magkakatrabaho ang laman ng kuwartong ito, ngayon ay halos puno na ito ng tao!  Lahat sila ay nakatayo.  Lahat sila ay nakatungo.  At lahat sila ay dahan-dahang lumalapit kay Sam at Jean.

“Jean!  A-Ano ito!” pasigaw na tanong ni Sam.  Dama niya ang panghihina ng kanyang tuhod at napabagsak siya sa kama ni Jean.

“Nakikita mo sila?” tanong ni Jean na may halong takot at pagkamangha.

“A-Anong ginagawa nila dito?  Pa’no sila nakapasok dito?” ang tanong ni Sam na ngayo’y kinain na ng takot.  “Sino kayo?  Sino kayo!”

Hindi sumagot ang mga taong nakapalibot sa kanila.  Patuloy lang sila sa paglapit.  Gusto ni Sam sumigaw ngunit parang hindi siya makahinga.  Walang lumalabas na boses sa bibig niya.  Lalo pa siyang nasindak ng makitang hindi sumasayad sa lupa ang mga paa ng mga taong nasa harapan niya.

“M-Multo! Multo!” ang mahinang sigaw ni Sam.

“H-Hindi ko alam kung ano ang gusto nila!  Kanina ko pa sila nakikita! Pagdating pa lang natin dito!” sabi ng umiiyak na si Jean.

“Hindi totoo ito.  Nananaginip lang ako!” sabi ni Sam na nanginginig ang boses.  Patuloy lang ang paglapit sa kanila ng mga multo hanggang sa makita ni Sam na wala silang mga mukha.  Dito ay napasigaw siya ng malakas.

“Bitiwan mo ko!”  biglang pasigaw na sabi ni Jean, ngunit  hindi siya naintindihan ni Sam.  Tuliro na ang isip nito sa mga nakikita.  Sa sobrang takot niya ay hindi niya napansin na nakahawak pa rin ang kamay niya sa balikat ni Jean.

Biglang hinawakan ni Jean ang kamay ni Sam na nasa balikat niya sabay tulak sa katrabaho.  Malakas ang pagkakatulak niya kaya bumagsak si Sam sa lapag.  Tumama ang kanyang ulo sa batong sahig at napapikit siya sa sakit na naramdaman.  Hinawakan niya ang kanyang ulo at mabilis na dumilat.

Wala na ang mga multo.  Tanging siya, si Jean at ang kanyang mga tulog na kaibigan lamang ang laman ng kuwarto.  Tiningnan niya si Jean.  Nagtago na ito sa ilalim ng kanyang kumot, ngunit nakikita pa rin niya na nanginginig ito sa takot.  Sinubukan niyang tumayo ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo.  Biglang bumalik sa kanyang isipan ang mga nakita.  At dahil na rin sa pinaghalu-halong takot, pagot, at pagkalasing ay nawalan siya ng ulirat.

“Hoy, Sam.  Gising na!  Hoy Sam!”

Dahan-dahang ibinukas ni Sam ang kanyang mga mata.  Nasilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa mga bintana.  Tinakpan niya ang kanyang mga mata ng kamay at sinubukang tumayo.  Matinding sakit ang gumapang sa kanyang ulo.  Mabilis niyang hinawakan ang kumikirot na ulo at naramdamang mayroon siyang malaking bukol.

“Hahaha!  Sobrang lasing ka siguro!  Nahulog ka sa kama ng hindi mo naramdaman!”  malakas na pambubuska ni Robbie habang tumatawa.  Nagtawanan din ang mga kasama nila sa kuwarto na halatang kagigising din lang.

Inalala ni Sam kung ano ang nangyari.  Meron siyang nakakatakot na panaginip.  Mayroon daw mga multo sa kuwarto nila.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Sam.  Mabilis niyang nilingon ang kama ni Jean ngunit wala na ito.  Maayos na ang kubre-kama at nakatiklop na ang kumot.

“Si Jean?” tanong ni Sam.

“Naku, ang aga nagising.  Andun sa labas baka nag-aagahan na,” sagot ni Lawrence.

Paglabas ng kuwarto ay nakita niya si Jean, tahimik na nakaupo sa sofa sa sala.  Dahan-dahang lumapit si Sam kay Jean, at dito ay nagkatinginan sila.  Seryoso ang mga mata ni Jean, hindi kumukurap.

“Kagabi…” mahinang nasabi ni Sam.

Hindi sumagot si Jean, tinitigan lang si Sam.  Maya-mayang konti ay tumango ito.  Isang beses lang.  Pagkatapos ay tumungo siya at pinagmasdan ang mga paa.

Kung ganon, totoo palang nangyari ang lahat.  Hindi pala ako nananaginip noon!  Bumalik ang takot na naramdaman ni Sam kagabi.  Mabilis niyang iginala ang kanyang mata, inaasahang makakakita ng lumulutang na multo.  Ngunit tanging sila lang ng mga katrabaho niya ang laman ng bahay.

Tahimik ang lahat sa biyahe papauwi.  Ramdam pa nila ang pagod sa kanilang mga katawan.  Ilang beses ding sinilip ni Sam si Jean, ngunit tahimik lang ito sa kinauupuan.  Gusto niya itong kausapin.  Gusto niyang tanungin tungkol sa mga nangyari.  Ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan.

Pagbalik sa trabaho ay di inaasahang nakasabay ni Sam sa elevator si Jean.  Tahimik lang silang dalawa sa loob.  Hindi nagkikibuan.

Pasimpleng sinilip ni Sam ang katrabaho.  Nakapikit ito na para bang nagdadasal ng taimtim.  Biglang nakadama ng takot si Sam.

“Jean, huwag mong sabihing may…” tanong ni Sam ngunit hindi niya magawang ituloy.

Tumango lang si Jean ng mabilis.  Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay, nakabukas ang palad.

Tiningnan lang ito ni Sam.  Alam niya ang ibig sabihin ni Jean.

Gusto mong kunin ko ang kamay mo?  Gusto mong makita ko ang nakikita mo? kinakabahang naisip ni Sam.  Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay para kunin ang kamay ni Jean.  Nakita niyang nanginginig ito.

Ano kaya ang makikita ko dito sa elevator?

Ilang pulgada na lang ang layo ng kanyang kamay sa kamay ni Jean ng biglang bumukas ang elevator.  Tinitigan ni Sam ang nakapikit pa ring si Jean. Makalipas ang ilang sandali, ibinaba ni Sam ang kanyang kamay sa kanyang gilid at mabilis na lumabas ng elevator.  Naiwan ang nakapikit na si Jean sa loob.

Kinabukasan, hindi na muling pumasok si Jean sa trabaho.

Bati, Final
Click here for Bati, Part I.

Click here for Bati, Part II.

Click here for Bati, Part III.

Ano ba itong ginagawa ko, tanong ni June sa sarili. Kasalukuyan siyang naglalakad sa loob ng subdivision nila Bella, pilit na inaalala kung saan nila nakita ni Alex ang matanda. Sa isip niya ay hindi pa rin niya naiintindihan ang nangyari sa kanyang anak. Hindi rin niya maintindihan kung ano ba talaga ang bati. Basta’t ang alam niya ay gagawin niya ang lahat upang gumaling ang anak.

Maaga siyang umalis sa ospital. Pinakiusapan niya si Bella na samahan muna si Alex. Mabilis namang pumayag ang kaibigan. Wala na rin naman siyang ibang mahihingan ng tulong dahil wala na siyang mga magulang at nag-iisa lamang siyang anak. Halos nasa probinsya naman lahat ng kanyang iba pang mga kamag-anak at karamihan ay hindi niya kilala.

Dahil tuliro na rin ang isip ay bahagyang nahirapan si June  na alalahanin kung saan sila dumaan ni Alex noong bumisita sila noong isang linggo lamang. Isang linggo pa lamang ngunit parang taon ang lumipas para sa kanya. Halos parang tumanda rin ang kanyang hitsura dahil sa sobrang pag-aalala at pag-iyak.

Sinubukan niyang magtanong-tanong sa ilang mga taong nakakasalubong niya. Palibhasa’y mayayaman ang mga nakatira dito, bibihira ang mga taong lumalabas o tumatambay. Ang ilan namang mga katulong o guwardiya na napagtatanungan niya ay hindi nakikilala ang matandang babaeng hinahanap niya.

Mag-aalas dos na ngunit hindi pa rin niya nakikita ang hinahanap. Sumasakit na ang kanyang ulo sa init at sa gutom. Hindi pa kasi siya nakakapananghali. Dito ay napagdesisyunan niyang bumalik na muna sa ospital. Maaari naman siyang bumalik mamayang hapon.

Mabilis na naglakad si June at tinahak ang daan pabalik sa gate ng subdivision. Dinudukot niya ang kanyang cellphone sa dalang bag ng bigla siyang matigilan. Sa gilid ng kanyang mata ay parang nakita niya ang isang matandang lumiko sa kanto sa kanyang kaliwa.

Hindi siya sigurado sa nakita ngunit agad siyang tumakbo patungo sa kanto. Hinihingal siyang lumiko at hinanap ang nakita. Sa isang kulay pulang gate ay nakita niya ang isang matandang babae na mabilis na pumasok. Hindi niya nakita ang mukha nito ngunit alam niya na nakita na niya ang kanina pa hinahanap.

Namukhaan niya ang puting daster na suot ng matanda. Ito rin ang daster na suot ng matanda ng una nila itong nakita!

Agad-agad niyang tinungo ang gate at nakitang naiwan itong nakabukas.

“Tao po. Tao po.”

Walang sumagot sa mga tawag ni June. Wala rin siyang makitang tao. Sa kanyang tingin, parang walang nakatira at abandonado ang bahay na ito. Ngunit sigurado siya na dito pumasok ang matanda.

Ilan minuto pa siyang tumawag, at ng wala pa ring sumagot ay naglakas loob na siyang pumasok. Malawak ang bakuran ng bahay, na parang isang malaking hardin. Ngunit halos walang nakatanim na halaman, bagkus ay puno ng damong ligaw ang paligid.

Nag-aalangan ngunit mabilis na tinungo ni June ang pinto ng malaking bahay.

“Tao po,” muling tawag ni June sabay katok sa kahoy na pinto. Nagulat siya ng bigla itong bumukas at bumulaga sa kanyang harapan ang matandang kanina pa hinahanap.

“M-Magandang hapon po,” nauutal na bati ni June.

Hindi sumagot ang matanda. Nakangiti lamang ito sa kanya.

“Ah… hindi ko po alam kung natatandaan ninyo ako,” pagpapatuloy ni June. “Napadaan po ako dito noon isang linggo kasama ng anak ko.”

Lalong lumawak ang ngiti ng matanda ngunit hindi pa rin ito nagsalita.

“Yung anak ko po, si Alex, anim na taong gulang po siya. Nakita po namin kayo…”

Biglang humalakhak ang matanda. “Ay oo! Paano ko ba naman makakalimutan ang ganoon kagandang bata.”

Gumaan ang pakiramdam ni June. Buti na lamang ay naaalala sila ng matanda. Ang kailangan na lamang niyang gawin ay ipaliwanag  ang nangyari.

“Halika,” sabi ng matanda, “pasok ka.”

Maganda at malinis ang loob ng bahay. Mga antigo rin ang mga gamit. Ngunit tahimik ang buong bahay at tanging mga yabag lamang ng kanilang mga paa ang maririnig.

“Kayo lang po ba ang nakatira dito?” tanong ni June.

“Ay oo. May mga sariling pamilya na kasi ang mga anak ko. Matagal na rin naman akong nabiyuda,” sagot ng matanda sabay tawa. “Halika, upo ka.”

Naupo si June sa isang malaki at malambot na sofa. Sa kanyang harapan naman ay naupo ang matanda at kinuha ang isang blusa na kanyang sinusulsi.

“Ano bang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ng matanda.

Huminga ng malalim si June. Kanina pa niya pinauulit-ulit sa kanyang isipan kung ano ang sasabihin kapag nakita na niya ang matandang babae.

“Hindi ko po alam kung maniniwala kayo sa sasabihin ko. Kung naaalala niyo po noong mapadaan kami dito, binati niyo po ang aking anak.”

“Ay oo,” singit ng matanda. “Ang batang parang isang anghel.”

“O-Opo. Yun nga po ang ipinunta ko dito.” Muling huminga ng malalim si June. “Bigla po kasing nagkasakit ang anak ko. Na-ospital po siya ngayon . Meron pong isang albularyo ang tumingin sa kanya at sinabing nabati raw po siya.”

“Ganoon ba?” tanong ng matanda.

Tumango si Alex. “At ang sabi po ng albularyo, kailangan daw pong mahanap ko ang nakabati kay Alex para po maalis ang bati.” Tinigitan ni June ang matanda ngunit walang anumang reaksyong mababasa sa mukha nito.

“Kaya po ako pumunta rito. Kung hindi po masyadong makakaabala sa inyo, baka pwede pong sumama kayo sa ospital para malawayan si Alex.”

“Ayoko nga!”

Parang nabingi si June sa sinabi ng matanda. “H-Ho?”

“Bakit ko naman lalawayan ang anak mo?” sagot ng matanda na nakatingin pa rin sa tinatahi. “Kaya ko nga siya binati. Dahil gusto ko siya. Napakaganda niyang bata. At mapapasakin na siya habang buhay!”

Biglang kinilabutan si June. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng matanda. Ibig bang sabihin nito ay sinadya niya ang nangyari kay Alex?

“A-Ano…”

“Akin na ang iyong munting anghel,” sabi ng matanda sabay halakhak.

Biglang nagdilim ang kanyang paningin. Naramdaman na lamang niya na tumayo siya at sinunggaban ang matanda.

“Hayop ka!” galit na sigaw ni June.

Bumagsak sila sa malamig na lapag. Nagsabunutan. Nagkalmutan. Parang mabangis na hayop si June na nakawala sa kanyang kulungan. Hindi niya na iniisip na isang matanda lamang ang kanyang kaharap.

Ang matanda naman, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ay ubod ng lakas. Nakangiti pa ito kahit na inaatake siya ni June.

“Wala ka nang magagawa,” masayang sabi ng matanda. “Sa akin na ang magandang si Alex.”

Sumigaw si June, sigaw ng isa na wala na sa katinuan. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang isang gunting. Agad niya itong dinampot at itinaas gamit ang dalawang kamay.

“Akin na ang anak mo!”

Ibinaba ni June ang dalawang kamay at itinarak ang gunting sa dibdib ng matanda. Inulit pa niya ito. Paulit-ulit.

Nang mahimasmasan ay binitiwan ni June ang gunting. Hindi niya alam kung nasaan siya. Hindi niya alam kung bakit naliligo siya sa dugo. Dahan-dahan siyang tumayo. Sa malayo ay may naririnig siyang tunog ng isang cellphone. Ilang minuto niyang iginala ang kanyang mga mata bago mapagtanto na nanggagaling ang tunog mula sa kanyang bag.

Nilapitan niya ito at kinuha ang cellphone. Si Bella ang tumatawag sa kanya.

“H-Hello?”

“June!” pasigaw na bati ni Bella. “Nasaan ka na ba?”

“H-Ha?”

“Si Alex! June, si Alex!”

Natauhan si June ng marinig ang pangalan ng anak. “A-Anong nangyari? Anong nangyari sa anak ko?

“Si Alex…”

Biglang nanghina ang tuhod ni June at napasalampak sa lapag. Nabitawan niya ang hawak na cellphone at pagkatapos ay napahagulgol.

“June? June, andyan ka pa ba? Si Alex…”

-End-

Bati, Part III
Click here for Bati, Part I

Click here for Bati, Part II

“Bakit ba nangyayari ito sa anak ko,” umiiyak na tanong ni June sa kaibigan. “Naging isang masamang ina ba ako?”

“Shht! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!” saway ni Bella.

“P-Pero bakit? Anong nangyayari kay Alex?”

Dito ay walang naisagot si Bella.

Halos magdadalawang linggo na silang nasa hospital ngunit hindi pa rin alam ng mga doktor ang nangyari kay Alex. Lahat sila ay nagtataka, halos kamutin na ang kanilang mga ulo, lahat walang maisagot sa mga tanong ni June. Katakot takot na examination at laboratory ang ganilang isinagawa ngunit lahat ng resulta ay bumalik na normal. Ngayon nga ay sinasabi nilang mayroong darating na espesyalita mula sa Amerika na nag-aral pa sa Europa. Sigurado sila na ang espesyalitang ito ang makakatukoy sa kalagayan ng bata.

Halos madurog ang puso ni June. Parang nauubusan na siya ng pag-asa ngunit ayaw niyang sumuko alang-alang sa kanyang anak. Kay Alex na umiikot ang kanyang buhay, kaya’t lahat ay handa niyang gawin para sa ikabubuti nito.

Kaya’t hindi na rin siya nagdalawang isip ng imungkahi ni Bella na ipatingin si Alex sa isang albularyo.

“Wala namang masama hindi ba?” nakangiting tanong ni Bella. “Tamang-tama! Mayroon akong kilala. Magaling ito at marami ng napagaling na mga kakaibang sakit.”

“S-Sigurado ka ba diyan, Bella? Baka naman perahan lang ako niyan.”

“Naku, huwag kang mag-alala,” sagot ni Bella sabay iling. “Sinasabi ko sa’yo, kung hindi alam ng mga doktor ay sakit ni Alex, sigurado alam ‘yan ni Mang Ben.”

“Mang Ben?”

Kinabukasan nga ay masayang dumating si Bella, may kasamang isang lalaki. May edad na ito, mataba, ang suot na puting T-Shirt ay halos mapunit na sa laki ng tiyan nito.

“June, eto nga pala si Mang Ben. Yung sinasabi kong albularyo.”

“Magandang umaga po, misis,” sagot ng lalaki. Ang boses nito ay may punto na pamilyar ngunit hindi matukoy ni June.

“Magandang araw ho.”

Agad na hinila ni Bella ang kamay ni Mang Ben at iginiya ito sa harap ng kama ni Alex.

“Heto ho yung anak ni June. Hindi ho malaman ng mga doktor kung ano ang nangyari sa kanya.”

Mula sa bulsa sa dibdib ng kanyang T-Shirt ay kinuha ni Mang Ben ang kanyang salamin sa mata.

“Eh, ano ho ba ang nangyari?” tanong ng matandang lalaki.

“Hindi rin po namin sigurado,” mahina at nanginginig ang boses na sagot ni June. “Sinundo ko lang po siya sa school tapos bigla na po siyang nagcollapse. Nangingisay ang katawan. Simula noon hindi pa siya nagigi-“

“Ay naku, misis!” napasigaw si Mang Ben.

Nagulat ang dalawang babae sa matanda. Napahawak si June sa kanyang dibdib samantalang si Bella ay bahagyang napatalon.

“A-Ano hong problema?” tanong ni June.

“Ay, nabati ho ang anak niyo.”

“Nabati?” sabay na tanong ng dalawang babae.

“Ay, oo! Kitang-kita ko, oh!” sabay hawak ni Mang Ben sa noo ni Alex.

“Bati? Yun po ba yung sa mga pamahiin?” tanong ni June

“Ay, hindi lang iyon isang pamahiin. Totoo iyon,” nanlalaki ang mga matang sagot ni Mang Ben. “Meron po bang taong bumati sa inyong anak?”

Napaisip si June. Wala naman siyang maalalang bumati kay Alex maliban kay Bella.

“Wala ho akong maisip kundi si Bella lang.”

Tiningnan ni Mang Ben si Bella. “Mabuti pa’y lumapit ka rito at lawayan mo ang bata. I-krus mo sa kanyang noo.”

“O-Opo.” Agad na lumapit si Bella sa kama, dinilaan ang kanyang hintuturo ng kanang kamay at gumuhit ng isang krus sa noo ni Alex.

“Kung mayroon pa ho kayong naalalang nakabati sa inyong anak, palawayan niyo lang at sigurado gagaling na siya,” nakangiting sabi ni Mang Ben.

“P-Pero, ano ho ba talagang nangyari?” tanong ni June na lalong naguluhan.

Napabuntong hininga ang matanda. Tinanggal niya ang kanyang suot na salamin at pinunasan gamit ang laylayan ng kanyang damit.

“Alam niyo misis, mayroong kasing mga taong sensitibo sa iba’t ibang enerhiya: ispiritwal, elemental, at kung anu-ano pa. Lalung-lalo na ang mga bata. At kapag nasagap nila ang mga puwersang ito, tiyak na maapektuhan sila sa iba’t ibang paraan.

“Mayroong mga batang biglang natatakot, nag-iiiyak, at nagkakasakit. Depende sa enerhiyang nasagap nila kung paano sila maaapektuhan.”

“Eh, ano naman ho ang koneksyon niyan sa bati?” tanong ni June.

“Siyempre, kung may mga taong madaling makaramdam at makasagap ng iba’t ibang puwersa, mayroon din namang mga taong nagbibigay o naglalabas ng enerhiya. At ang mga taong ito, mas lumalakas ang inilalabas nilang enerhiya kapag nababalot sila ng matinding emosyon. Kapag nagagalit, malungkot, at masaya.

“Ang isang tao kapag natuwa sa isang bata, natural na babatiin niya ito. Pupurihin. Sa ganitong paraan nasasagap ng isang bata ang enerhiyang maaaring makasama sa kanya. At sa tingin ko, masyadong sensitibo ang anak niyo kaya ganito kagrabe ang naging epekto sa kanya.”

“Naku,” bulalas ni Bella, “nakakatakot naman iyan! Dapat parusahan ang mga taong ganyan.”

“Ay naku, huwag niyo sanang isipin na masama ang mga taong ito. Madalas ay hindi nila alam na naglalabas sila ng enerhiya na nakakaapekto sa iba. Hindi naman nila gustong may mangyaring masama sa iba, lalo na sa mga bata.”

Tinitigan ni June ang anak na hindi pa rin gumagalaw.

“Paano naman ho kami mabubuhay ng normal kung sensitibo pala ang anak ko?” alalang tanong ni June.

Napangiti ang matandang albularyo. “Ay misis, huwag kayong mag-alala! Meron po akong dalang pangontra.”

Dumukot si Mang Ben sa bulsa ng kanyang pantalon at may inilabas na isang pulang bagay na mukhang tusukan ng karayom. ”Basta’t ipa-pardible niyo lang sa damit ng inyong anak ang pangontrang ito kapag lalabas kayo, sigurado ligtas na siya sa mga puwersang makakasama sa kanya. Huwag kayong mag-alala, wala pong bayad yan. Donation lang po!”

Magdidilim na ng umalis si Bella kasama ang albularyo. Muli, naiwan si June at ang kanyang anak sa malamig na ospital. Wala na siyang mga magulang at wala rin naman siyang mga kapatid na maaaring dumamay sa kanya. Hindi rin niya alam kung saan makikita ang kanyang mga kamag-anak na matagal na niyang hindi nakikita.

Kailangan niyang maging malakas. Nag-iisa lamang siya at walang ibang masasandalan.

Mommy, narinig ni June ang boses ng anak sa kanyang isip.Kinuha niya ang kamay ni Alex at hinaplos sa kanyang mukha.

“Ayos ka lang ba, baby?”

Mommy! Mommy!

Muling tumulo ang luha ni June.

Mommy! The old lady!

Parang nakuryente si June sa naalala. Mayroong sinasabi si Alex bago ito mawalan ng malay. Tungkol sa isang matandang babae.

Ang gandang bata naman.

Dito ay bumalik ang lahat kay June. Papunta sila noon sa bahay ni Bella. Pagkatapos mayroong isang matandang babae. Nakatayo ito sa tabi ng daan. Binati nito ang kanyang anak.

“Kailangang mahanap ko ang matandang babaeng iyon!”

Bati, Part II
Click here for Bati, Part I.

Tahimik ang mga Grade I students habang kinokopya nila ang aralin na sinusulat ng kanilang teacher sa blackboard. Si Alex ay nakaupo sa bandang gitna ng klase, ang kanyang bag na de-gulong ay nakatabi sa kanyang gilid. Gamit ang kanyang paboritong lapis na kulay pink, mabilis niyang sinusulat ang mga salitang ingles na nasa blackboard. Paborito niya ang subject na English at siya ang nangunguna sa kanilang klase.

“Ang ganda mo talaga…”

Natigilan si Alex ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Dahan-dahan niyang inikot ang ang kanyang ulo para hanapin ang pinagmulan ng boses.

Wala siyang ibang nakita kundi ang kanyang mga kaklaseng nagsusulat at ang kanyang teacher. Bumalik siyang muli sa kanyang sinusulat.

“Para kang isang anghel…”

Nagulat muli si Alex at lumingon siya sa kanyang kaliwa. Napatingin siya sa kanyang bag.

Dahan-dahang bumubukas ang zipper nito. At ng bukas na bukas na ito ay biglang lumabas ang matandang babae.

“Shhh. Huwag kang maingay. Baka magalit si teacher,” nakangiting sabi ng matanda habang ang hintuturo nito ay nakadikit sa kanyang maitim na labi.

Napasigaw si Alex at napabalikwas sa kanyang upuan. Nawalan tuloy siya ng balanse at bumagsak sa lapag kasama ng kanyang desk.

Pinagtinginan siya ng kanyang mga kaklase na ang ilan ay napasigaw din sa pagkagulat.

“Alex, what’s wrong? Are you okay?” alalang tanong ng teacher sabay mabilis na lumapit sa kanya.

Napapikit si Alex ng siya ay bumagsak. Pagdilat niya ay agad niyang iginala ang kanyang mga mata sa buong classroom. Wala na ang matanda. Tinitigan niya ang kanyang bag. Bukas ang zipper nito.

“Tell me, baby. What happened back there?”

Dahan-dahang naglalakad papauwi sina June at si Alex. Hawak ni June ang nanlalamig na kamay ni Alex habang hila-hila niya sa kabilang kamay ang de-gulong na bag ng anak.

“Alex, c’mon. You can tell mommy,” nagmamakaawang sabi ni June.

Napahikbi si Alex, hindi makatingin sa kanyang ina.

“I told you. The old lady was there but you won’t believe me!” galit na sagot ni Alex.

“Naniniwala naman ako sa’yo, eh,” isang magaspang na boses ang sumagot.

Dahan-dahang nilingon ni Alex ang kanyang mommy ngunit laking takot niya sa kanyang nakita. Ang nakatayo sa tabi niya at ang may hawak-hawak sa kanyang kamay ay ang matandang babae.

Napasigaw sa takot si Alex. Bumagsak siya at nangisay.

“Oh my God! Alex! What’s wrong! Help!” sigaw ni June habang yakap-yakap ang anak.

Tahimik na umiiyak si June habang pinagmamasdan ang anak na nakaratay sa kama. Mabilis nilang naitakbo sa hospital si Alex at ngayon nga ay under observation pa siya. Ilang tests din ang ginawa ng mga doktor ngunit wala pang resulta ang mga ito. Wala pa ring malay si Alex.

Isang katok ang narinig mula sa pinto. Pagbukas nito ay pumasok si Bella.

“June! Diyos ko po! Pumunta kaagad ago ng marinig ko ang nangyari.” Mahigpit na nagyakapan ang magkaibigan. “Anong sabi ng mga doktor?”

“W-Wala pa. Wala pang resulta yung mga tests. Inaantay ko pang dumating ang doktor,” nanginginig ang boses na sagot ni June.

Sa pagkakataong iyon ay pumasok ang doktor kasama ng ilang nurse.

“Dok, kamusta ho ang anak ko?” mabilis na tanong ni June.

“Stable naman po ang vital signs niya. Wala naman po kaming nakikitang anumang sakit o diperensya sa kanya,” mahinahong tugon ng doktor.

“Mabuti naman po!” nakangiting sabi ni June. “Pero, bakit wala pa rin po siyang malay?”

“Hindi ko pa po masasagot yan kasi wala pa po sa akin ang lahat ng results ng mga lab niya. Gusto sanang itanong kung meron po bang epilepsy ang anak niyo? O kaya naman ay nagkaroon siya ng anumang head injury noong bata pa siya?”

Mabilis na umiling si June. “Wala po. Wala po. Bakit po dok?”

“Well, huwag po sana kayong mabibigla. Hindi pa naman po ito sigurado, pero ayon sa results ng EEG niya,” huminga ng malalim ang doktor, ”her brainwaves shows signs of comatose.”

Biglang nanghina ang tuhod ni June at para siyang babagsak. Buti na lang at naalalayan siya ni Bella.

“No! No! Hindi totoo yan!” sabi ng umiiyak na si June.

“Gaya nga ng sabi ko, hindi pa po tiyak yan. Kayat antayin po natin lahat ng resulta ng lab niya para matiyak kung ano talaga ang nangyari sa anak niyo.”

Tanging hagulgol lang ang naisagot ni June.

To be continued…

Bati, Part I
Sa isang village sa Quezon City ay masayang naglalakad sina June at ang kanyang anim na taong gulang na anak na si Alexandra. Hawak ni Alexandra sa kanyang kaliwang kamay ang kanyang favorite stuff toy hippopotamus na si Blue, habang ang kabilang kamay niya ay nakahawak sa kamay ng kanyang mommy June.

“Baby, good girl ka sa house ng Tita Bella mo ha. Huwag kalimutang mag-kiss,” nakangiting sabi ni June.

“Yes, Mommy. I won’t forget,” sagot ng bata.

Patuloy sila sa paglalakad sa malinis na kalsada. Mga mayayaman ang mga nakatira sa village na iyon kayat kahit saan mapatingin si June ay puro naglalakihang mga bahay ang kanyang nakikita. At napansin niya, kapag mas malaki ang bahay, mas malaki din ang gate. Ang ibang bahay nga ay hindi na makita kung ano ang hitsura dahil sa taas ng bakod.

Magkakaroon din ako ng bahay na ganyan, nasabi ni June sa sarili. Tiningnan niya si Alex at napangiti.

Tatlong taon na ang nakararaan ng iwanan sila ng tatay ni Alex. Hindi sila kasal, at bagamat lubos siyang nasaktan, hindi na rin siya naghabol. “May pride din naman ako,” ang sabi ni June noon. Ngunit ngayon ay hindi na sumasama ang kanyang loob kapag naaalala niya ang nakaraan. Ang tanging nasa isip na lamang niya ay ang hinaharap nila ng kanyang anak.

“Ang gandang bata naman!”

Sabay napalingon sina June at Alex sa direksyon ng pinagmulan ng boses. Nagulat sila ng makita ang isang matandang babae na nakatayo sa likod nila. Nakatingin ito kay Alex, nakangiti, kitang-kita ang gilagid nitong walang ngipin.

“Ah…” hindi malaman ni June kung paano sasagot. Naramdaman niya na lumapit sa kanya si Alex at humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay.

Tiningnan niyang mabuti ang matanda. Sa tantiya niya ay nasa mga otsenta na ito. Puting-puti ang kanyang manipis na buhok. Ang kanyang mukha ay kulukulubot at halos tuyot na ang balat nito. Nakasuot lamang siya ng puting daster at tsinelas.

“Parang anghel,” sabi ng matanda na lalo pang ngumiti.

Hindi mapigilan ni June na suklian ng ngiti ang babae. Bagamat matanda na kasi ay maamo naman ang mukha nito.

“Naku, salamat po,” magalang sa sabi ni June. “Baby, you’re beautiful daw, sabi ni lola. What are going to say?”

Halos nagtatago na si Alex sa likod ni June.

“Oh, bakit ka naman nagtatago diyan?” natatawang sabi ni June. “Alex, what are you going to say to lola?” madiing sabi ni June sabay tingin sa kanyang anak ng seryoso.

Dahan-dahan namang sumilip si Alex at tiningnan ang kanyang mommy, at pagkatapos ay tumingin sa matanda.

“T-Thank you,” mahinang sabi ng bata.

“Pasensya na ho kayo,” nahihiyang sabi ni June. “Talagang mahiyain lang talaga itong batang ito. Sige ho, mauna na ho kami.”

Sinundan lang sila ng tingin ng matanda habang naglalakad papalayo.

Tuwang-tuwa si Bella ng dumating si June at si Alex. Masaya niyang pinapasok ang kaibigan sa kanyang malaki at magandang bahay.

“Mare, ang ganda ng bahay mo! Asensado ka na talaga!” bulalas ni June ng nakaupo na sila sa sala.

“Ganyan talaga. Sabi ko kasi sa’yo, mag-asawa ka na rin ng Hapon. Tiyak gagaan ang buhay mo,” masayang sabi ni Bella. “Kung gusto mo, ihahanap pa kita!”

“Hoy ano ka ba naman!” natatawang sagot ni June sabay mahinang hinampas ang hita ng kaibigan. “Wala sa isip ko ‘yan. Sabi ko naman ‘di ba, si Alex muna ang priority ko.”

“Hay naku! Ikaw din baka tumanda kang dalaga.”

“Huwag naman!” biglang sabi ni June sabay katok sa kahoy na lamesa ng tatlong beses. “Bata pa naman ako, ano.”

Masayang nagtawanan ang magkaibigan habang enjoy na enjoy naman sa panonood ng cartoons si Alex sa malaking LCD TV ni Bella.

Gabi na ng makauwi sina June at Alex. Pagod na pagod ang bata kaya sa bus pa lang ay nakatulog na ito. Nang makarating sa bahay ay binuhat na lamang ni June ang anak papasok ng kuwarto nito. Dahan-dahan niya itong inihiga sa kama, binihisan at kinumutan.

“Good night, baby,” mahinang sabi ni June sabay halik sa noo ni Alex.

Binuksan niya ang lamp shade na nasa lamesa sa tabi ng kama ni Alex pagkatapos ay pinatay ang ilaw. Dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto ng anak at nagtungo sa banyo para mag-shower. Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa kanyang kuwarto para magpahinga.

Madaling-araw ng magising si Alex. Naramdaman niya kasing wala sa tabi niya ang kanyang paboritong stuffed toy.

“Blue?” mahinang sabi niya habang kinukusot ang mga mata.

Dahan-dahan siyang umupo at tiningnan ang kanyang kama ngunit hindi niya makita ang kanyang stuffed toy. Iginala niya ang kanyang mata sa kanyang kuwarto. Nang mapatingin siya sa lapag ay doon niya nakita si Blue.

“Blue, you fell down again?” mahinang sabi ni Alex habang dahan-dahang lumapit sa dulo ng kanyang kama. Yumuko siya at pilit na inabot ng kanyang kamay ang stuffed toy na nasa lapag.

“Ang ganda mo talaga…”

Mabilis na napalingon si Alex sa kanyang likuran, kung saan nanggaling ang boses.

Ang matandang nakita nila sa kalsada ay gumagapang papaakyat ng kama niya!

“Ang ganda-ganda mong bata…” magaspang ang boses na sabi ng matanda sabay abot ng kanyang kulu-kulubot na kamay sa paa ni Alex.

Malalim ang tulog ni June ngunit agad siyang napabalikwas ng marinig ang matinis ng sigaw ng kanyang anak. Mabilis siyang bumaba ng kama at halos magkandarapa papunta sa kuwarto ni Alex.

“Alex! What’s wrong, baby?” tarantang tanong ni June pagkabukas niya ng pinto ng kuwarto.

Sa loob ay nakita niya si Alex na nakahiga sa lapag, sumisigaw, umiiyak. Mabilis siyang lumapit sa anak at niyakap ito.

“What happened, baby?”

“T-The … the …” hindi makapagsalita si Alex. Nanginginig ang buong katawan nito.

“It’s alright, baby. Mommy’s here.” Hinimas ni June ang likod ni Alex at pinunas ang kanyang luha. Pagkatapos ay tiningnan niya ang anak sa mata. “Tell me, baby. What happened?”

“T-There’s an old lady on my bed,” humihikbing sabi ni Alex.

Mabilis na tiningnan ni June ang kama ni Alex ngunit wala siyang nakitang kakaiba dito.

“Oh, don’t worry, baby. It’s just a bad dream.” Muling niyakap ni June ang anak. Dahan-dahan siyang tumayo at binuhat si Alex. “Don’t cry, baby. You can sleep with mommy tonight.” Muling bumalik sa kanyang kuwarto si June kasama ang anak at magkatabi silang natulog.

(To be continued…)

TL Leo
“What the hell is this?!” nang-gagalaiting tanong ni Leo kay Liza. Kasalukuyan silang nag-usap sa station ni Leo na nasa bandang dulo ng call center floor. Hawak-hawak niya ang QA report ni Liza habang galit na pinandidilatan niya ang babae na nakatungo lang at hindi makasagot.

Kilala si Leo bilang isang mahigpit na Team Leader. Palibhasa number one ang team niya sa rankings kaya kamay na bakal ang gamit niya sa pagpapalakad ng team. Mabilis siyang magalit at palamura. Kaunting pagkakamali lang at siguradong makakatikim ka sa kanya. Halos walang nagtatagal na CSR sa kanya at hindi rin naman siya nagdadalawang-isip na magsipa ng empleyado. Sa katunayan ay kilala siya sa tawag na Terminator.

Marami ng nagreklamo laban sa kanya pero sadyang malakas siya sa management. Ano nga naman ba ang laban ng isang hamak na CSR sa isang Team Leader? Sabi nga, madaling palitan ang mga CSR.

“I’m asking you a question! What the hell is this? 66% QA? My God! What were you thinking?!”

Hindi makakibo si Liza. Hindi niya alam ang sasabihin sa TL. Inaamin naman niya na nagkamali siya. Marahil dahil sa newly grad lang siya at wala pang ganoong kaalaman sa mundo ng call center.

“I – I’m sorry,” mahinang sagot ni Liza na pinipigilan ang pagtulo ng luha.

“Sorry? I don’t need your sorry! What I need from you is a 100% QA everytime!” Dinig na dinig ang boses ni Leo sa buong floor ngunit walang pumapansin sa kanya. Sanay na kasi sila sa ganitong eksena.

Mahinang hikbi lang ang sagot ni Liza.

“Are you crying?” tanong ni Leo. “If you want to cry, do it at home! We don’t need crybabies here!”

Madaling pinunasan si Liza ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.

“Listen, this team is the best. And if you want to be a part of this team, to be regularized, then you have to give your best. I don’t need excuses. I need results. Okay?” galit na sabi ni Leo.

“Y – yes, I understand,” sagot ni Liza na nanginginig ang boses.

“I hope you do.  Coz this will be your last chance,” sabi ni Leo sabay harap sa kanyang computer. Tumayo ng dahan-dahan si Liza at nakatungong naglakad patungo sa CR. Doon ay umiyak siya sa loob ng labinlimang minuto.

Mabilis na lumipas ang isang linggo at muling nagharap si Leo at Liza. Kinakabahan si Liza dahil walang kibo ang TL niya at nakatitig lang sa kanya. Lumipas ang ilang minuto bago nagsalita si Leo.

“How do you think you did last week?” tanong niya kay Liza.

Tinitigang mabuti ni Liza ang kanyang TL, pilit na binabasa ang mukha nito. “W – well, I’m not sure but I did my best.”

Mula sa isang folder sa kanya lamesa ay kinuha ni Leo ang isang pirasong papel at inabot ito kay Liza.

Tiningnan ni Liza ang papel. Ang QA report niya.

“I – I got a 96%!” Napangiti si Liza. Mataas na ang QA na iyon at isang maliit na pagkakamali lang ang nagawa niya. Isang pagkakamaling madaling itama.  Nakahinga siya ng maluwag.

“That’s not enough,” kalmadong sabi ni Leo. Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Liza. Hindi niya sigurado kung tama ang narinig niya na sinabi ng kanyang TL.

“I – I’m sorry,” mahinang sabi ni Liza.

“I said that’s not enough!” biglang sigaw ni Leo. “I didn’t ask you to give me a 96%! I specifically told you to give me a 100% QA! Not 95! Not 99. I need 100%!”

Hindi makapaniwala si Liza sa narinig. Parang sampal sa mukha niya ang sinabi ng TL.

“B – but, it was just a minor mistake. For sure I’ll get a hundred next week!” halos nagmamakaawang sabi ni Liza.

“It’s a little late for that.” Muling kumuha ng papel si Leo sa folder. “This is your termination paper. I’m sorry but you don’t have what it takes.”

Sa sinabi ng TL ay hindi na napigilan ni Liza ang mapaiyak. Bumalik sa ala-ala ang lahat ng hirap niya sa training, at ang lahat ng masasakit na salitang natanggap niya mula sa TL.

“Boss… Boss, please, I need this job…” hindi niya maituloy ang sasabihin. Walang tigil ang pagtulo ng kanyang luha.

Umiling lang si Leo. Hindi niya matingnan ang kausap. Para siyang nandidiri dito.

“You’re the only one to blame. How many times have I told you that you need to get 100% QA everytime? How many times have I told you that you won’t be regularized if you keep screwing up? I don’t need your excuses.”

Hindi na makapagsalita si Liza. Lalong lumalakas ang paghagulgol niya. Pinagtitinginan na sila ng mga CSR na nagca-calls malapit sa kanila.

“Stop crying!” sabi ng naiiritang si Leo. “Don’t make a scene here! Crying won’t change a thing anyway! It would be easier for the both of us if you just sign these goddamn papers!” Halos ihagis ni Leo kay Liza ang termination paper nito.

Ilang minutong walang kibo si Liza, tinititigan lang ang papel sa harap nito. Pagkatapos ay biglang tiningnan ng matalim ang TL.

“What? Do you have a problem?” mayabang na tanong ni Leo.

“Yes! You!” pagalit na sagot ni Liza. Padabog niyang binuksan ang dalang bag at kumuha ng ballpen. Mabilis niyang pinirmahan ang termination paper at pagkatapos ay tumayo at galit na naglakad palayo.

“Don’t give me that attitude!” pahabol na sigaw ni Leo.

“Dude, mukhang may pinaiyak ka na naman ah.”

Tumalikod si Leo at nakita niya si Vince, isa ring Team Leader.

“Nakita mo yun? Siya pa ang galit!” nanggigigil sa sabi ni Leo.

“Relax lang. Kaya dumadami ang wrinkles mo, eh,” sabi ni Vince na natatawa lang.

Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa trabaho na si Leo. Wala kasi siyang pamilya kaya bahay at trabaho lang ang buhay niya. Bago pa man dumating ang mga agents niya ay makikita na siyang nakaupo sa kanyang station, abala sa pag reply sa mga email at pagbabasa ng mga memo.

Naistorbo lang siya ng maramdamang may taong nakatayo sa likuran niya. Mabilis siyang lumingon at nagulat ng makita si Liza.

“Oh! What are you doing here?” pagalit na tanong ni Leo upang itago ang kanyang pagkagulat.

Hindi sumagot si Liza. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya.

“Do you need something?”

Hindi kumibo ang babae. Walang mabasang anumang emosyon sa mukha nito.

“C’mon! I don’t have all day!” Patayo na si Leo ngunit natigilan siya ng makitang ngumiti si Liza. Hindi alam ni Leo kung bakit ngunit bigla siyang nakaramdam ng takot.

“W–What!” pasigaw na tanong ni Leo ngunit dinig sa kanyang boses ang kaba.

Patuloy lang si Liza sa pagngiti sa kanya. Lumipas ang ilang minuto na wala silang kibuan, pagkatapos ay dahan-dahang lumakad papalayo si Liza. Sinundan lang ni Leo ng tingin ang babae.

“Hey! What are you looking at?”

Nagulat si Leo sa boses na narinig. Nilingon niya ang pinanggalingan nito at nakita niya si Vince.

“Are you alright?” tanong ni Vince ng makita ang maputlang mukha ni Leo.

Huminga muna ng malalim si Leo bago sumagot. “I–I’m fine. It’s nothing.” Muli niyang hinarap ang kanyang computer at pilit na kinalma ang kanyang magulong isipan.

“I heard about one of your CSRs. I’m so sorry about what happened. It must be really hard for you,” malumanay na sabi ni Vince.

“Who? Liza? It’s nothing. She got exactly what she deserves!” may kayabangang sagot ni Leo.

“What! How could you say that?” hindi maalis ni Vince ang galit sa kanyang boses.

Nilingon ni Leo ang kanyang kausap, nagtataka sa reaksyon nito.

“What’s the problem? You know how I work. If someone fails to meet my standards, then I have no reservations in kicking them out. And that’s exactly what happened with Liza!” galit na sabi ni Leo.

“Oh I’m not talking about that,” sabi ni Vince ngunit bigla siyang natigilan na para bang may biglang naisip. “Oh my God, no one told you yet!” Nakita ni Leo na biglang napalitan ang galit sa mukha ni Vince ng pag-aalala at, bagamat hindi siya sigurado, ng awa.

“What? No one told me about what?”

Hindi matingnan ni Vince sa mata si Leo. Halatang nagda-dalawang isip siya kung sasabihin ba ang nalalaman sa katrabaho.

“C’mon Vince, tell me!” halos sumigaw na si Leo sa galit.

“Well, I don’t want to be the one to tell you this, but I guess I have no choice.” Huminga ng malalim si Vince at pagkatapos at tinitigan sa mata si Leo. “Liza committed suicide last night.”

Parang tumigil ang oras sa narinig ni Leo. Pati paghinga niya ay natigil dahil sa sinabi ni Vince. Sinubukan niyang magsalita ngunit parang natuyo ang kanyang lalamunan at bumigat ang kanyang dila.

“They found her body in her room. She hanged herself,” patuloy na kwento ni Vince ngunit hindi siya narinig ni Leo. Bumalik kasi sa isipan niya ang nangyari kanina. Nakita niya si Liza. Nginitian siya nito.

“Hey, are you alright?” may pag-aalalang tanong ni Vince.

Parang nagising si Leo ng marinig si Vince. Tinitigan niya ang kausap, hindi malaman kung ikukuwento ang nangyari kanina.

“Y – yeah. I’m fine. I just need to sit down,” mahinang sabi ni Leo sabay pabagsak na naupo sa kanyang station.

“Relax ka lang, pare,” sabi ni Vince. “It wasn’t your fault.” Tiningnan niya si Leo na halatang nanghina sa balita, pagkatapos ay dahan-dahang lumakad palayo.

Naiwan si Leo na nag-iisa, malalim ang iniisip. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Paanong nagpakamatay si Liza ganong nakita niya ito kani-kanina lang? Isa ba itong biro? Kung ganoon ay hindi magandang biro ito. Marahil ay pakana lang iyon ni Vince dahil–

Naputol ang kanyang pag-iisip ng may narinig siyang tawa mula sa ilalim ng kanyang lamesa. Dahan-dahan siyang tumungo at halos napasigaw siya ng makita na may taong nakaupo sa ilalim nito. Mabilis siyang napabalikwas at tumayo sa kanyang upuan. Hindi niya maalis ang kanyang nanlalaking mga mata sa taong nasa ilalim ng table niya.

Si Liza ito. Bagama’t hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ng mahabang buhok, sigurado siya na si Liza ang nasa ilalim ng table niya. Patuloy lang ito sa pagtawa. Halos nanginginig ang buong katawan nito sa kakatawa.

“What the hell is this? Is this some kind of a joke!” naiiyak na sabi ni Leo.

Biglang tumigil sa pagtawa si Liza. Pagkatapos ay dahan-dahang itinaas ang dalawang kamay sa mukha at hinawi ang kanyang buhok.

Tumambad kay Leo ang walang buhay na mukha ni Liza. Nangangasul ang mukha nito at lawit pa ang dila. Kita rin ang marka ng lubid sa leeg nito. Tanging ang mga mata lamang niya ang may buhay. Punong-puno ito ng galit.

Tumakbo si Leo. Matinding takot ang bumalot sa kanya, takot na noon lamang niya naramdaman. Tumakbo siya ng tumakbo at ng makita niyang bukas ang elevator ay mabilis siyang sumakay dito. Pagkabukas ng elevator sa ground floor ay muli siyang tumakbo. Tumigil lang siya ng makalabas na ng building.

Hingal na hingal siya at basing-basa ng pawis. Iginala niya ang kanyang paningin habang hinahabol ang kanyang hininga. Pilit niyang ni-relax ang nanginginig na kamay at pagkatapos ay dinukot ang yosi na nasa bulsa. Pagkasindi ay naramdaman niya ang pagkalma ng kanyang katawan. Mabilis niyang inubos ang sigarilyo at pagkatapos ay nag sindi pa ng isa. Pagkaubos ay muli siyang bumalik sa loob ng building.

Sa 11th floor, nakasalubong ni Leo si Vince paglabas niya sa elevator.

“Pare, okay ka na ba?” tanong ni Vince.

“O–Oo, pare. I just went down for a smoke.” Biglang may naisip si Leo. “Vince, samahan mo naman ako sandali. I’ll just get something from my station.”

“Sure.”

Sabay silang pumasok sa call center floor. Walang kibong tinungo ni Leo ang kanyang station habang nakasunod sa kanya si Vince. Pag dating doon ay natigilan si Leo.

Nasa ilalim pa rin ng lamesa niya si Liza.

“No… No…” mahinang nasabi ni Leo. Napahakbang siya paatras ngunit nabangga siya kay Vince na nasa likod lang niya.

“What’s wrong, pare?” gulat na tanong ni Vince.

“P–Pare, can you see something under my station?” halos nagmamakaawang tanong ni Leo kay Vince.

Tiningnan mabuti ni Leo ang mukha ng katrabaho, pilit na binabasa ang reaksyon nito. Ngunit walang anumang reaksyon sa mukha ni Vince.

“What am I suppose to look for?” tanong ni Vince. Napanganga lang si Leo sa sinabi ni Vince.

He can’t see her. I’m the only one who can see her! naisip ni Leo.

Muli niyang tiningnan ang ilalim ng kanyang lamesa.

Nandoon pa rin si Liza. Tumatawa ulit ito.  Mabilis na tumalikod si Leo.

“What’s wrong pare?” muling tanong ni Vince.

Matagal nag-isip si Leo bago sumagot.

“You know, I’m suddenly not feeling well.”

“Hey, you better take the day off,” sagot ni Vince. “Don’t worry, I’ll tell Boss Alan that you went home when he gets here.”

Mabilis na bumaba ng building si Leo.

Kinabukasan, hindi nakapasok si Leo. Hindi rin siya nakapasok sa sumunod na araw. Nagkulong lang siya buong araw sa kanyang kwarto, ilang beses din siyang tinawagan ni Vince ngunit hindi niya sinasagot ang kanyang telepono.

Sa ikatlong araw ay nakita ni Vince si Leo sa ground floor ng building nila, papasok ng elevator. Madali niya itong hinabol at binati.

“Pare, anong nangyari sayo? Are you okay now?”

“Yes, pare. I’m perfectly fine. Na-stress lang siguro ako sa trabaho. Tapos nalaman ko pa yung nangyari kay Liza.” Nakangiting sabi ni Leo.

Pagdating sa taas ay dumiretso kaagad si Leo sa kanyang station. Excited na siyang bumalik sa trabaho. Kung anuman ang nangyari sa kanya noong isang araw ay kinalimutan na niya. Sigurado siya na imahinasyon lang niya ang lahat. At ngayon na nakapahinga na siya ay babalik na sa normal ang lahat.

Nasa ilalim pa rin ng lamesa niya si Liza. Tumatawa pa rin ito.

Mabilis na tumalikod si Leo. Tinungo niya ang elevator at pinindot ang down button. Pagbukas ng elevator ay mabilis siyang pumasok sa loob. Pasara na ang pintuan ng makita siya ni Vince.

“Where are you going, pare?”

Hindi na siya narinig ni Leo. Nagsara na ang elevator. Ngunit bago ito tuluyang magsara, nakita ni Vince na mayroong isang babaeng nakatayo sa likuran ni Leo. Babaeng abot tenga ang ngiti.

Si Liza.

Station 10566
Maraming nagsasabi na may nagpapakita raw na multo dito sa call center na pinapasukan ko.  Isang babae na nakikitang nakaupo sa station 10566, na nasa pinakadulo ng call center floor.  Tatlong station lang ang nasa dulong iyon at ang station 10566 ang nasa gitna.

Halos walang agent na nagca-calls sa station na iyon.  Bagama’t hindi lahat ay naniniwala na may nagpapakitang multo doon, malimit namang nagdadahilan ang mga gumagamit ng station na iyon na palagi raw itong nasisira o kaya naman ay sobrang lamig doon.

Kahit ang mga janitors ay natatakot sa station 10566.  Kapag maglilinis sila doon ay palagi silang magkakasama.  Walang naglilinis sa lugar na iyon ng nag-iisa.

Apat na taon na akong natatrabaho sa kompanya namin pero isang beses ko pa lang nasusubukang magcalls sa dulong bahaging iyon ng call center.  At para sa akin, sapat na ang isang beses.

Ilang buwan pa lang ako noon ng marinig ko ang kuwento tungkol sa station 10566.  Ikinuwento sa akin ito ni James, kasamahan ko sa trabaho, habang nagyoyosi kami pagkatapos mag-lunch.

“Pare naman, sa modernong panahon ba nating ito ay naniniwala ka pa sa multo?” natatawang sabi ko.

“Hindi naman sa ganoon.  Pero marami na ang nakakita dun sa babae.  Minsan daw nakaupo.  Minsan nakatayo.  Minsan umiiyak.  Minsan…”

“Ikaw, nakita mo na ba yung babae?” putol ko sa kanya.

“Hindi,” mabilis naman niyang sagot.

Natawa lang ako sa sinabi niya.

“Saka, bakit naman may magmumulto doon?  May namatay ba doon?” may paghalong pagbibiro kong tanong.

Tiningnan lang niya ako ng seryoso.  Hindi ko alam kung paano babasahin ang mukha niya.

“O, bakit natahimik ka yata?” tanong ko.  “Huwag mong sabihing…”

Huminga siya ng malalim.

“Noong bago pa lang ako dito, may narinig akong kuwento.  Yung babae daw na nagmumulto ay namatay sa station na iyon habang nagca-calls.  Ayon sa kuwento, nagpaalam daw yung babae sa Team Leader niya kung pwede siyang umuwi dahil sumasakit ang ulo niya.  Hindi pumayag yung TL kaya napilitan siyang bumalik sa pagca-calls.  Maya-maya, bigla na lang daw bumagsak yung babae.  Tirik ang mata at nangingisay.  Patay na siya ng dumating sa ospital.  May pumutok daw na ugat sa ulo niya at dumugo ang utak kaya sumasakit ang ulo niya.”

Wala akong masabi sa kuwento niya.  Hindi maalis sa isipan ko ang mukha ng isang babaeng, bagamat namimilipit sa sakit, ay pinipilit pa ring mag-calls.  Isang babaeng walang kamalay-malay na dumudugo na pala ang kanyang utak.

Kinilabutan ako sa naisip.  Tiningnan ko si James.  Tulad ko, natahimik din siya.  Sigurado, parehas kami ng iniisip.

“Naku,” sabi ko, “imbento mo lang yata yan eh.  Tinatakot mo lang yata ako eh.”

Hindi niya ako pinansin.  Humithit siya sa kanyang sigarilyo at dahan-dahang ibinuga ang usok.

“Sabi ko nga kuwento lang yun.  Sinubukan ko ngang maghanap ng balita tungkol dun pero wala akong makita.  Kahit sa internet walang napabalitang ganoon.  Sabi naman nila, binayaran daw ng malaki ang pamilya ng babae para hindi na magsalita.  Masisira kasi ang reputasyon ng kompanya kapag lumabas pa ang pangyayaring iyon.”

“O kaya naman ay talagang walang nangyaring ganoon,” mabilis kong idinugtong.

Napangiti lang siya sa sinabi ko.  “O sige na nga, panalo ka na.  Mabuti pa umakyat na tayo baka ma-late pa tayo,” sabi niya sabay tapon ng sigarilyo sa basurahan.

Makalipas ang ilang linggo, habang papasok ako sa trabaho ay nagkaroon ng isang banggaan ang isang jeep at isang van.  Dahil dito ay muntik na akong ma-late.  Buti na lang at nakahanap ng shortcut ang taxi na sinasakyan ko.  Madali ako sa pag-akyat ng building at pagkapunch-in ay agad akong naglog-in sa unang station na nakita ko.  Humihingal pa ako ng pumasok ang una kong tawag.  Buti na lang at walang tao sa katabi kong station at walang nakakita sa pawisan kong mukha.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng ginaw.  Naisip ko na malakas siguro ang aircon.  Dali-dali kong sinuot ang aking jacket ngunit dama ko pa rin ang lamig.  Nakaramdam tuloy ako ng antok.  Dahil madalang naman ang pasok ng calls, pumikit muna ako.  Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.  Nagulat ako ng bigla akong maalimpungatan.  Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog pero sa palagay ko ay medyo matagal dahil namamanhid na ang mga binti ko.  Meron na ding taong nagca-calls sa katabing station ko.  Isang babae.

“Thank you for calling!  Good bye,” narinig kong sabi ng babae.  Masaya ang tono ng boses niya.  Sinilip ko ang mukha niya pero hindi ko ito makita dahil nakatungo siya at nakaharang ang kanyang mahabang buhok.

May sinusulat ata.  O baka naman nagte-text, nakangiti kong naisip.

Ipipikit ko sanang muli ang aking mga mata ng napansin kong may kung anong kulay pulang pumatak sa keyboard ng babaeng katabi ko.  Pinagmasdan ko itong mabuti, hindi masiguro kung ano at saan galing iyon.

Parang dugo.

Tatayo sana ako ng may isa na namang patak ang tumulo sa keyboard niya, at sa pagkakataong ito ay nasisiguro kong galing ito sa kanyang mukha.

Plak.  Plak.  Plak. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng pulang likido mula sa mukha ng babae hanggang halos kulay pula na ang kanyang keyboard.  Dito ay mabilis akong napatayo, hindi maalis ang aking mga mata sa nakikita.

“Miss…” sabi ko ngunit hindi ko naituloy dahil biglang tumawa ang babae.  Mahina lang, halatang pinipigilan.  Nagulat ako at napahakbang ng paatras.

“Miss…” sinubukan ko ulit magsalita ngunit tawa lang ulit ang sagot ng babae.  Pero sa pagkakataong ito ay parang hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at tuluyan ng humalakhak ng humalakhak ng ubod lakas.  Umaalog ang buo niyang katawan dahil sa sobrang katatawa.

Matinding takot ang naramdaman ko.  Gusto kong tumakbo pero hindi ako makakilos.  Naninigas ang buong katawan ko.  Tinangka kong sumigaw ngunit mahihinang ungol lamang ang lumabas sa aking bibig.  Pinikit ko ang aking mga mata, umaasang guni-guni lang ang lahat ng iyon.  Ngunit pagdilat ko ay naroroon pa rin ang babae, na ngayon ay dahan-dahang tumatayo sa kanyang kinauupuan.  Hindi ko alam kung bakit pero alam ko ang susunod niyang gagawin.  Haharap siya sa akin.  Ipapakita niya ang kanyang nagdudugong mukha.

Sa takot ay nakahanap ako ng lakas.  Naigalaw ko ang aking katawan at tumakbo ako ng tumakbo.  Hindi ko alam kung saan ako pupunta.  Ang tanging alam ko lang ay dapat makalayo ako sa babaeng iyon.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.  Ang tanging naaalala ko na lamang ay inaalog ni James ang balikat ko.  Tinatanong niya kung ano ang nangyayari sa akin.  Nagmasid ako sa paligid, kinikilala kung nasaan ako.  Nagulat ako ng makitang nasa kalsada na pala ako.  Nakalabas ako ng building ng hindi ko namalayan!  Tiningnan ko si James, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

“…ka lang ba?  Ba’t ang putla-putla ng mukha mo?  Saan ka ba papunta?” sunod-sunod na tanong niya sa akin, ngunit tanging titig lang ang naisagot ko.

Muli kong iginala ang aking mga mata sa paligid.  Dis-oras na ng gabi pero maliwanag pa dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga nagtataasang building, sa mga nagkalat na taxi, at sa nagdaramihang mga street lights.

“May babae…” sinimulan ko ngunit ngayong napapalibutan ako ng ingay at liwanag, parang isang malaking kalokohan kung ikukuwento ko sa kanya ang aking nakita.  Baka isipin niya ay nababaliw na ako.  Nakatingin lang sa akin si James, naghihintay.

“W-Wala,” ang tanging nasabi ko.

“Anong wala!  Kani-kanina lang eh para kang hinahabol ng ‘sanlibong aswang.  Saka, di ba may shift ka ngayon?  Baka ma-job abandonment ka niyan!

Naalala ko bigla na may trabaho nga pala ako.  Pati headset ko ay hindi ko na napansin na naiwanan ko pala ng tumakbo ako.

“Ayos lang ako,” mahinang sagot ko.

“Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?  Baka may sakit ka?” may halong inis na tanong sa akin ni James.

“Wala.  Mabuti pa umakyat na tayo,” yaya ko sa kanya.

Pagkaakyat ay nagpasama ako kay James sa station kung saan ako nag-calls.  Kung saan ko naiwan ang aking headset.  Pagdating doon ay wala na ang babae.  Malinis din ang station, wala ni isa mang patak ng dugo sa keyboard.  Wala na din ang headset ko.  Nang ituro ko kay James kung saan ako nag-calls kanina ay natahimik siya.  Tinitigan niya akong mabuti.

“Sigurado ka bang dito ka nag-calls kanina?” tanong niya sa akin.  Napansin ko na nagbago ang tono ng kanyang pagsasalita.

“Oo naman,” sagot ko.  “Bakit…?”

Bago ko pa man maituloy ang tanong ko ay napansin ko ang station number na nakapaskil kung saan nakaupo ang babae kanina.

10566.

Nagkatinginan kami ni James.  Bakas sa namumutla niyang mukha ang takot.

“M-Mabuti pa lumipat ka na lang sa ibang station,” mabilis niyang sinabi.

Dali-dali kaming umalis sa lugar na iyon, naghanap ng lugar kung saan maraming tao.  Nakahinga lang kami ng maluwag ng nasa pantry na kami.  Umupo kami sa tapat ng TV, kung saan ipinapalabas ang isang lumang pelikula.

“I-report mo na lang na nawawala yung headset mo.  Baka may nakapulot nun,” sabi niya sa akin bagamat hindi iyon ang sinasabi ng kanyang mukha.  Alam kong pareho kami ng iniisip.  Alam namin kung sino ang kumuha ng headset ko.

Mabilis namang napalitan ang nawawala kong headset, na hindi na nakita pa.  Hindi na ako nag-calls sa station na iyon.  Hindi ko na din nakita pa ang babae.

Ngunit sa pagtulog ko ay palagi ko siyang nakikita.  Sa mga panaginip ko ay laging nandoon siya, nakaupo sa station 10566.  Tawa siya ng tawa, at pagkatapos ay dahan-dahang tatayo, haharap sa akin para ipakita ang kanyang mukha.  Ngunit sa panaginip ko ay hindi ako makatakbo.  Hindi ako makatakas.  Wala akong magawa kundi pagmasdan ang duguang mukha ng babae.  Titig na titig sa akin ang kanyang mapupulang mata.  Kahit ang kanyang mga ngipin ay kulay pula na sa dugo.  Pagkatapos ay itataas niya ang kanyang kanang kamay at makikita kong hawak-hawak niya ang aking headset.  Inaabot niya ito sa akin.  Hinahamon akong kunin ito sa kanya.  Pinapangakong ibibigay niya ito sa akin basta’t lumapit lang ako.

Sa panaginip kong ito, bago ako magising ng sumisigaw, ay hahakbang ako papalapit sa kanya.

Ang Lalaki sa Elevator
Malamig ang simoy ng hangin sa labas.  Tumatagos hanggang sa buto ni Erika ang lamig kahit na may suot pa siyang makapal na jacket.  Lalo siyang nakadama ng pagkaantok dahil sa lamig.  Tumingala siya, naghanap ng bituin sa kalangitan, ngunit wala siyang nakita ni isa.  Alas tres na ng madaling araw pero marami pa ring tao ang naglalakad sa kalsada dito sa Makati.  Karamihan ay mga teenagers at young adults.  Mga call center agents.

Tiningnan niya kung anong oras na sa suot na relo.  May sampung minuto pa siya bago matapos ang kanyang break.  Humithit siya sa dala-dalang sigarilyo, malalim, umaasang mapapawi ng yosi ang lamig na nadarama.  Dahan-dahan niyang ibinuga ang usok na nasa baga na para bang ninanamnam.  Pagkatapos ay dali-dali niyang itinapon ang sigarilyo sa basurahan.  Mabilis siyang naglakad patungo sa elevator at pinindot ang Up Button.  Bumukas naman kaagad ang isa sa mga elevators.  Pumasok siya at pagkasarado ng mga pinto ay naramdaman niya ang dahan-dahang pag-akyat nito.  Medyo mataas ang palapag kung saan nagtatrabaho si Erika, isang call center na nasa 22nd floor.

Habang paakyat ay naalala niya ang dalawang taong gulang na anak na iniiwan niya sa kanyang ina tuwing pumapasok.

Mahirap talagang maging isang single mom, naisip niya at napabuntong-hininga na lang.  Buti na lang at nakapasok ako sa call center kung hindi…

Naramdaman niya ang pagbagal ng elevator.  Napatingin siya sa display at nakita niyang tumigil ito sa 14th floor.  Pagbukas ng pinto ay natigilan siya ng bumulaga sa kanya ang kadiliman.  Walang ni isa mang bukas na ilaw sa floor na iyon at ang tanging liwanag lamang ay ang liwanag na nagmumula sa loob ng elevator.

Nakinig siya, nakiramdam kung may tao.  Hindi niya sigurado kung anong kompanya ang umuukupa sa floor na ito.

Hindi naman siguro bakante ang floor na ito.

Bigla tuloy niyang naalala ang kuwento ng isa sa kanyang mga katrabaho.  Kalimitan, walang 13th floor sa mga building dahil ang paniniwala ay malas daw ito.  Ang ginagawa ng mga developers ay nilalaktawan ang 13th floor at deretso na kaagad sa 14th floor.  Ang ebidensya ay makikita sa mga elevator.  Walang button para sa 13th floor.  Pagkatapos ng 12th floor ay 14th floor na kaagad.  Pero kung bibilangin mo ang mga palapag mula sa ibaba, ang 14th floor talaga ang tunay na 13th floor.

Kahit palitan nila ng pangalan, 13th floor pa rin ang floor na ito, naisip niya.

Habang tinitingnan ni Erika ang madilim na palapag ay hindi niya maiwasang makaramdam ng takot.  Walang kaingay-ingay sa palapag na ito.  Naghintay pa siya ng ilang segundo at pagkatapos ay itinaas niya ang kamay para pindutin ang Close button.

“Sandali!” isang boses ang narining niyang sumigaw.  Boses ng isang lalake.

Nagulat si Erika sa narinig.  Nagsimulang sumara ang pinto ng elevator kaya’t pinindot niya ang Open Button.  Muling bumukas ang pinto at isang lalake ang mabilis na pumasok sa loob.  Dumeretso ito sa likuran ng elevator ng walang kibo.

Ni hindi man lang nag-thank you, naiinis na nasabi ni Erika sa sarili.

Sumara na ang pinto at nagpatuloy ang mabagal na pag-akyat ng elevator.

Tahimik na tahimik sa loob.  Walang ibang marinig si Erika kundi ang makina ng elevator.  Pa-simple niyang sinilip ang lalake sa likuran niya.  Nagulat siya dahil nakatalikod ito sa kanya.  Hindi pala ito humarap sa pinto ng pumasok sa elevator.  Noon din lang niya napansin na hindi pumindot ng floor ang lalake.

Aakyat din ba ‘to sa 22nd floor?

Pinagmasdan niyang mabuti ang nakatalikod na lalake.  Maayos naman ang itsura nito.  Nakasuot ng asul ng polo at itim na slacks.  Makintab din ang balat na sapatos nito.

Nag-overtime siguro ‘to kaya siya na lang ang natirang tao sa 14th floor, naisip niya.

Napailing si Erika, hindi mapigilang mapangiti ng maalala ang naramdamang takot kanina ng huminto ang elevator sa 14th floor.  Tatalikuran na sana niya ang lalake ng napansin niya ang kanang kamay nito.  Mayroong kung anong bagay itong mahigpit na hinahawakan.  Sa katunayan ay nanginginig ang kamao nito dahil sa higpit ng pagkakahawak sa bagay na iyon.  Pilit inaninag ni Erika kung ano ang nasa kamay nito at nagulat siya ng makitang dumudugo ang kamay ng lalake.  Lalo pa siyang nagulat ng sumipol ang lalake ng isang kanta.  Isang kanta na bagamat masaya, ay nakapagpatayo ng mga balahibo niya.  Mabilis siyang tumalikod at humarap sa pinto ng elevator habang ang lalake ay patuloy lang sa pagsipol.

Hindi niya alam kung bakit pero pinagpapawisan siya ng malamig.  Pakiramdam niya ay lumiliit ang elevator at nahihirapan siyang huminga.  Matinis ang tunog ng ginagawang pagsipol ng lalake sa likod niya, na para bang lalong bumibilis at lumalakas.  Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo.  Pakiramdam niya ay masusuka siya.  Pakiramdam  niya ay babagsak siya.  Pakiramdam niya ay…

Ting! Matinis na tunog ng elevator na nagbukas sa 22nd floor.  Nanghihina man ang tuhod ay nagmamadaling lumabas si Erika.  Agad-agad ay bumuti ang pakiramdam niya.  Nawala ang panghihina at pagkahilo.  Kasabay nito ay agad-agad ding tumigil ang malakas na pagsipol. Dito ay natigilan si Erika.  Dama niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.  Dahan-dahan siyang umikot sa pinagkakatayuan.  Dahan-dahang humarap sa nakabukas na elevator kung saan siya nakasakay kani-kanina lamang.

Hindi siya makapaniwala sa nakita.

Walang tao sa loob ng elevator.  Napako ang tingin niya sa lugar na kinatatayuan ng lalakeng nakasabay niya.  Isang lalakeng biglang naglahong parang bula.

Gusto niyang sumigaw.  Gusto niyang umiyak.  Ngunit wala siyang nagawa kundi pagmasdan ang elevator habang dahan-dahang sumasara ang pinto nito.

40 Days
DAY 1

Halos lumuwa ang mga mata ni Eric ng makita si Joel sa kanyang kuwarto. Kagabi lang kasi ay iniwanan niya ang walang buhay na katawan ng lalake sa isang madilim na bukirin sa Cavite ngunit ngayon ay nakatayo na ito sa kanyang harapan. Ang puting polo at pantalong maong na suot nito kahapon , ngayon ay punit-punit at kulay pula na sa dugo.

“Hindi!” bulalas ni Eric. “Patay ka na!”

Dahan-dahang humakbang papalapit si Joel. Parang hirap itong maglakad, ang buong katawan ay  naninigas.

Hindi alam ni Eric kung namamalikmata lamang siya o talagang nasa harap niya ang multo ni Joel. Napapikit na lamang tuloy siya sa takot.

Lumipas ang ilang minuto. Nang manatiling tahimik ang kanyang buong kuwarto , dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata.

Wala na si Joel.

Bagamat pagod sa malayong biyahe ay mabilis na lumabas si Eric ng bahay at kumaripas ng takbo papalayo.

DAY 3

Nagpalaboy-laboy si Eric sa maliliwanag at matataong lugar. Hindi niya pa rin kasi maipaliwanag kung ano ang nakita niya noong isang araw. Imahinasyon ba lamang niya iyon, o totoong nagpakita sa kanya si Joel? Dahil sa linya ng kanyang hanapbuhay, hindi siya naniniwala sa mga multo at sa mga kababalaghan. Ni hindi na nga siya natatakot pumatay at makakita ng bangkay.

Ngunit ibang usapan na kung nakatayo ang bangkay at galit na galit na nakatingin sa iyo.

Kinilabutan si Eric ng maalala ang hitsura ni Joel.

“Eric!”

Isang galit na boses ang tumawag sa lalaki. Mabilis niyang nilingon ang direksyon na pinanggalingan ng boses. Nagulat siya sa kanyang nakita.

Si Joel.

Nakatayo ito sa tabi ng isang poste, nakangiti sa kanya. Mukhang hindi siya nakikita ng ibang tao dahil padaan-daan lang ang mga ito sa harap ng bangkay na si Joel.

Gusto sumigaw ni Eric ngunit alam niya na baka pag-isipan siya ng masama ng mga tao sa paligid. Sa halip ay muli na lamang siyang kumaripas ng takbo, hindi alam kung saan pupunta.

DAY 6

Dahil na rin sa pagod, napilitang umuwi si Eric sa bahay na kanyang tinutuluyan. Dahan-dahan siyang pumasok, nagmamasid. Halos isang oras din siyang nakiramdam bago siya makahinga ng maluwag. Dali-dali siyang pumasok ng banyo at naligo. Pagkatapos ay agad siyang nagbihis at nakatulog sa kanyang maliit na kama.

DAY 7

Nagising na lamang si Eric ng maramdamang may sumasakal sa kanya. Dahil sa hindi makahinga, bigla niyang idinilat ang kanyang mga mata.

Sa kanyang ibabaw ay nakaupo si Joel. Nakangiti ang lalake habang pinipiga ng malalamig nitong mga kamay ang kanyang leeg. Bagamat parang mawawalan na ng malay ay pinilit ni Eric makawala sa bangkay.  Ibinuhos niya ang kanyang buong lakas at tinulak si Joel palayo. Nang bumagsak ito sa sahig ay mabilis siyang tumayo. Lalabas na sana siya ng lingunin niya si Joel.

Wala na ito sa sahig, para bang bulang naglaho.

Day 15

Muling nagpalaboy-laboy si Eric sa kalsada, sinisiguradong lagi siyang napapalibutan ng mga tao. Kapag umaga ay tumatambay siya sa mga parke at mga mall at kapag gabi naman ay nakikiumpok siya sa mga grupo ng mga pulubi. Bagamat parang isang masamang panaginip lamang ang nangyari sa kanya noong isang araw, natatakot pa rin siya na baka maulit na naman ito.

Nang maubos ang dalang pera sa bulsa, napagdesisyunan ni Eric na oras na para bisitahin si Lawrencio para makapaningil. Sa isang condominium sa Makati naninirahan ang mayamang druglord.

“Kaibigang Eric, kamusta na? Bakit parang ang dungis ng hitsura mo?” tanong ni Lawrencio.

“Hindi tayo magkaibigan. Nandito lang ako para maningil sa pinatrabaho mo.”

“Maningil?” gulat na tanong ni Lawrencio. “Para saan?”

Nag-init ang ulo ni Eric sa sinabi ng lalaki. “Para sa pinatrabaho mo sa akin! Si Joel!”

Umiling lang ang kausap. “Ano naman ang pruweba mo na nagawa mo na nga ang trabaho? Nasaan ang katawan ni Joel?”

“Iniwan ko sa Cavite,” sagot ni Eric.

“Oh, bakit hanggang ngayon hindi pa siya natatagpuan.”

Hindi nakasagot si Eric.

“Kapag natagpuan na ang bangkay ng kabit ng asawa ko, saka tayo mag-usap,” sabi ng druglord sabay talikod.

Sasabat pa sana si Eric ngunit agad siyang hinawakan ng dalawang naglalakihang guwardiya at hinatid palabas.

Day 22

Madilim ang buong paligid at tanging isang maliit na flashlight lamang ang dala ni Eric. Binalikan niya ang bakanteng lupa kung saan niya itinapon ang bangkay ni Joel. Nagtataka rin kasi siya kung bakit hindi pa ito natatagpuan.

Agad niyang natunton kung saan ang eksaktong lugar na pinag-iwanan niya ng katawan ngunit nabigla siya sa kanyang nakita.

“Anong…”

Nagkalat ang tuyong dugo sa damuhan ngunit wala ang katawan ni Joel. Iginala ni Eric ang kanyang flashlight sa paligid at nakita niyang may bakas ng dugo na papalayo sa kanya. Dahan-dahan niya itong sinundan, hindi maintindihan ang mga nangyayari. Ilang metro din ang nalakad niya ng biglang mawala ang bakas ng dugo.  Nagpaikot-ikot siya ngunit wala na siyang nakita pang ibang bakas.

“Ako ba ang hinahanap mo?”

Mabilis na nilingon ni Eric ang nagsalita. Halos tumigil ang puso niya ng makita si Joel sa liwanag ng kanyang flashlight.

Kumaripas siya ng takbo. Sa pagmamadali ay nabitawan na niya ang hawak na flashlight ngunit hindi niya alintana ito. Tumakbo lang siya ng tumakbo hanggang marating ang isang kalsada. Tumigil siya ng makitang may paparating na isang jeep. Pinara niya ito, halos nagsisigaw na. Agad siyang sumakay at ng muling umandar ang jeep, nilingon niya ang bukirin at nakita si Joel, nakatayo at sinusundan siya ng tingin.

Day 32

Halos mabaliw na si Eric. Kahit saan siya mapunta, kahit maraming tao, kahit umaga, nakikita niya si Joel. Ngunit hindi ito nakikita ng ibang tao, tanging siya lamang. Lagi itong nakatingin sa kanya, pinagtatawanan siya at nililibak. Ilang beses din siyang pinagbantaang papatayin nito.

Hanggang mapadpad siya sa Quiapo. Doon ay nakita niya ang isang karatula ng isang albularyo. Agad siyang lumapit at nakita ang isang matandang lalaki.

“Tay, kayo po ba ang albularyo?”

Dahan-dahan siyang nilingon ng matanda at tumango.

“May itatanong po sana ako?”

Ngumiti ang matanda. “Binabagabag ka ng isang ispirutu.”

Nagulat si Eric sa sinabi ng albularyo. “Tama po. Ano po ba ang dapat kong gawin?”

“Magdasal ka lang, iho. Alam mo, ang mga kaluluwa kasi ay maaaring manatili dito sa lupa apatnapung araw pagkatapos nilang mamatay. Maaari nilang bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay at gawin ang mga hindi nila natapos gawin.”

Nagsindi ng sigarilyo ang matanda at humithit. “Pagkatapos ng apatnapung araw, pupunta na ang kaluluwa sa dapat niyang kahantungan.”

Hindi maintindihan ni Eric ang sinabi ng matanda. “Apatnapung araw? Paano nangyari yun?”

Dahan-dahang ibinuga ng albularyo ang usok sa baga.

“Sabi kasi nila, ng mabuhay muli si Hesus ay apatnapung araw siyang nanatili dito sa lupa. Pagkatapos noon ay umakyat na siya sa langit.”

“Ibig po bang sabihin,” tanong ni Eric, “pagkatapos ng apatnapung araw ay aalis na ang kaluluwa ng namatay?”

Tumango ang matanda sa tanong ng lalaki.

“Salamat po, ‘tay.”

Day 39

Apatnapung araw.

Isang araw na lamang ay mawawala na ang kaluluwa ni Joel. Babalik na rin ang buhay ni Eric sa normal. Bagamat patuloy pa rin sa pagpapakita sa kanya si Joel, hindi na siya gaanong natatakot dahil alam niyang hindi siya masasaktan nito.

“Pinatay mo ako!”

Nagulat si Eric ng lumitaw sa harapan niya ang multo.

“Hindi ako natatakot sa iyo,” sigaw niya sabay tawa. “Bukas wala ka na!”

Dahil hindi nagpakita ng takot, dahan-dahang nawala si Joel. Nagpatuloy lang sa pagtawa si Eric.

Day 40

Tumatakbo si Eric sa kahabaan ng EDSA. Takot na takot siya. Hindi niya maintindihan kung ano ang mga nangyayari. Nagyoyosi lamang siya kani-kanina ng biglang may humampas sa kanyang ulo. Paglingon niya ay nakita niya si Joel, may hawak na isang kahoy na pamalo.

“Paanong… hindi! Isang multo ka lang!”

Humakbang papalapit sa kanya si Joel, itinaas ang kahoy na hawak.

Dito ay tumakbo na si Eric. Naramdaman niya na tumutulo ang kanyang dugo mula sa sugat sa kanyang ulo.

“Ano ba!” sigaw ng isang lalaking nabangga ni Eric.

“Hindi mo ako matatakasan!” Lumingon si Eric at nakita si Joel, nasa likod lamang niya, lumulutang.

Dito ay naramdaman ni Eric ang malamig na kamay ng multo. Hinawakan siya nito sa balikat at malakas na itinulak.

Parang bumagal ang pagdaloy ng oras. Naramdaman ni Eric na dahan-dahang bumabagsak ang kanyang katawan. Ipinihit niya ang kanyang ulo at nakita si Joel, masayang nakatingin sa kanya. Hindi niya tuloy namalayan ang isang malaking bus na mabilis na tumatakbo sa kahabaan ng EDSA. Hindi niya naramdaman ng sumalpok ito sa kanyang malambot na katawan. Hindi niya naramdaman ng magkabali-bali ang kanyang mga buto. Hindi niya naramdaman ng sumabog ang kanyang dugo sa kalsada.

“Bigla na lang tumawid. Hindi ko nakita,” narinig ni Eric. Wala na siyang makita, madilim na ang lahat. Naririnig niya pa ang mga taong alam niyang nakapalibot sa kanya ngunit ito rin ay dahan-dahang humihina.

Ngunit bago siya tuluyang mawala sa kadiliman, isang boses ang narinig niya.

“Sabi sa iyo, papatayin kita eh.”

Day 1

Kakaiba ang pakiramdam ni Eric. Nahihirapan pa siyang gumalaw dahil hindi pa siya sanay sa kanyang katawang kaluluwa. Ngunit maganda ang kanyang pakiramdam. Mayroon siyang gustong bisitahin.

“Lawrencio, hintayin mo lang ako,” sabi niya sabay ngiti, “buti na lang may apatnapung araw ako.”