Team Building

Excited ang buong Team “Aloha” sa kaniling nalalapit na team building.  Halos isang taon na rin kasi ng huli silang mag-out of town.  Ito rin kasi ang unang pagkakataon na makakapag-team building sila na kumpleto at kasama ang lahat.

“Hoy!  Overnight lang tayo doon hindi isang linggo!” sabi ng macho ngunit taklesang bading na si Leonardo ng makita ang dalawang naglalakihang bag ni Kim.

“Etchos!  Siyempre kailangan kumpleto ang gamit at accessories noh,” nakangiting sagot ng kikay na si Kim habang bitbit ang isang malaking bag habang ang isa naman ay suot-suot sa likuran.  “Tulungan mo nga ako rito.  Parang hindi ka naman gentleman niyan eh!”

“Talagang hindi!” ang tumatawang sabi ni Leonardo sabay talikod.

“Team Aloha, kumpleto na ba ang gamit ninyo?  After shift lalakad na tayo para hindi na tayo ma-traffic,” sabi ng team leader nilang si Anna.

“Yes, Boss!” sagot nilang lahat.

Kasalukuyan silang nasa pantry noon, nagmemeryenda habang iniintay ang simula ng kanilang shift.  Maaga silang nagdatingan, lahat ay nasasabik sa pagkakataon na makapagpahinga, makapag-relax, at kalimutan ang pagca-calls.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

“Robbie, honey, dala mo ba yung trunks mo diyan para makita ko naman yang katawan mo,” pang-aasar ng madaldal na si Yesha.

“Maglalaway ka dahil T-Back ang isusuot ko!” sagot ni Robbie na hindi magpapatalo pagdating sa asaran.

Masayang tawanan ang pumuno sa pantry.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Bati, Final

(Author’s Notes: Dahil sa maraming negative reactions dahil sa ending ng seryeng ito, napagdesisyon ko na ipost ang original ending na isinulat ko. Binago ko lamang ang ending at ginawang hanging para bahala na ang mga readers na isipin kung ano talaga ang nangyari. Para bang mala-Inception, hehehe. Pero, ngayon ay napag-isip isip ko na may punto naman ang mga taong nagsasabing bitin ang istorya. Kaya basahin ninyo sa baba ang original ending na naisip ko para sa kuwentong ito.)

 

Click here for Bati, Part I.

Click here for Bati, Part II.

Click here for Bati, Part III.

Ano ba itong ginagawa ko, tanong ni June sa sarili. Kasalukuyan siyang naglalakad sa loob ng subdivision nila Bella, pilit na inaalala kung saan nila nakita ni Alex ang matanda. Sa isip niya ay hindi pa rin niya naiintindihan ang nangyari sa kanyang anak. Hindi rin niya maintindihan kung ano ba talaga ang bati. Basta’t ang alam niya ay gagawin niya ang lahat upang gumaling ang anak.

Maaga siyang umalis sa ospital. Pinakiusapan niya si Bella na samahan muna si Alex. Mabilis namang pumayag ang kaibigan. Wala na rin naman siyang ibang mahihingan ng tulong dahil wala na siyang mga magulang at nag-iisa lamang siyang anak. Halos nasa probinsya naman lahat ng kanyang iba pang mga kamag-anak at karamihan ay hindi niya kilala.

Dahil tuliro na rin ang isip ay bahagyang nahirapan si June  na alalahanin kung saan sila dumaan ni Alex noong bumisita sila noong isang linggo lamang. Isang linggo pa lamang ngunit parang taon ang lumipas para sa kanya. Halos parang tumanda rin ang kanyang hitsura dahil sa sobrang pag-aalala at pag-iyak.

Sinubukan niyang magtanong-tanong sa ilang mga taong nakakasalubong niya. Palibhasa’y mayayaman ang mga nakatira dito, bibihira ang mga taong lumalabas o tumatambay. Ang ilan namang mga katulong o guwardiya na napagtatanungan niya ay hindi nakikilala ang matandang babaeng hinahanap niya.

Mag-aalas dos na ngunit hindi pa rin niya nakikita ang hinahanap. Sumasakit na ang kanyang ulo sa init at sa gutom. Hindi pa kasi siya nakakapananghali. Dito ay napagdesisyunan niyang bumalik na muna sa ospital. Maaari naman siyang bumalik mamayang hapon.

Mabilis na naglakad si June at tinahak ang daan pabalik sa gate ng subdivision. Dinudukot niya ang kanyang cellphone sa dalang bag ng bigla siyang matigilan. Sa gilid ng kanyang mata ay parang nakita niya ang isang matandang lumiko sa kanto sa kanyang kaliwa.

Ipagpatuloy ang pagbabasa