Paglilihi, Final Part

Click here for Paglilihi, Part I.

Click here for Paglilihi, Part II.

Wala ako sa sarili habang ginagamot ng mga doktor at mga nurse ang aking anak sa emergency room. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Pilit akong kinakalma ni Lando ngunit hindi ko siya napapansin. Hindi ko maalis sa aking isipan ang duguang katawan ni Emmy.

Ilang minuto ang lumipas at lumapit sa amin ang isa sa mga doktor. Seryoso ang kanyang mukha na lalong bumuhay sa takot sa aking dibdib.

“Malayo po sa panganib ang inyong anak, pero…”

Biglang parang hindi ako makahinga.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

“Kailangan po siyang sumailalim sa operasyon para maalis ang mga bubog na nasa kanyang mga mata.”

“Diyos ko po!” naibulalas ko. “Anong mangyayari sa anak ko?”

“Gagawin po namin ang lahat para matanggal ang mga bubog sa mga mata ng inyong anak. Medyo maselan po ang operasyon. Ang ipagdasal na lang po natin, sana’y walang malubhang pinsala ang kanyang mga mata na maaaring magdulot ng pagkabulag.”

Para na rin akong pinatay ng doktor sa kanyang sinabi.

“Mabubulag ang aking anak!”

“Iyan po ang gusto nating maiwasan. Kaya nga po natin gustong maipasok na kaagad ang inyong anak sa operating room.”

Biglang nanghina ang aking tuhod. Buti na lang at nasa tabi ko lang si Lando at nasalo niya ako.

“Gawin niyo po ang lahat, dok,” pagmamakaawa ng aking asawa.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Paglilihi, Part II

Click here for Paglilihi, Part I.

Isang umaga, habang kasama ko si Linda na nagpapaaraw, bigla siyang may itinuro sa akin.

“Ate, yun ba yung anak ni Mang Kevin?”

Sinundan ko ang kamay niya at nakita ko ang isang malaking bata, si Peter. Nakatayo ito sa tapat ng kanilang bahay, naka-uniporme at naghihintay ng kanyang service.

“Ah, oo. Si Peter ‘yan.”

“Grabe. Ang cute-cute niya, ate! Ang lusog-lusog!” sabi ni Linda na para bang kinikilig.

“Oo nga. Ang lakas daw kasi niyang kumain,” sagot ko.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Simula noon, lagi na niyang binabati si Peter. Kadalasan pa nga ay sinasamahan niya ang bata tuwing umaga habang naghihintay ng sundo nito.

Subalit lumipas ang mga araw at hindi ko na nakikita si Linda na kasama si Peter. Lagi na lamang itong nasa loob ng kanyang bahay. Nang bumisita ako sa kanya para kamustahin, nakita ko na parang pagod na pagod siya at mukhang walang tulog.

“Linda, kamusta ka na?”
“Naku ate, thank you sa pagbisita,” sabi niya sabay ngiti. “Heto, medyo puyat. Naglilikot kasi si baby kapag gabi. Hindi tuloy ako makatulog.”

“Bakit kasi wala kang kasama rito? Okay lang ba sa parents mo na nag-iisa ka lang dito?”

“Naku, okay lang po ako. Kayang-kaya ko ito. Ilang buwan na rin lang naman at lalabas na si baby,” masayang sagot niya.

Nagpaalam na rin ako kaagad para siya makapagpahinga.

Kinagabihan, nagulat ako ng ibalita sa akin ni Lando na isinugod sa hospital si Peter.

Ipagpatuloy ang pagbabasa