BLACK TOWERS – Chapter 3 – CCTV

Chapter 3

CCTV

November 2009

Ipinikit ni Angelo ang mga mata at marahang minasahe ang magkabilang sentido gamit ang hinlalaki at hintuturo ng kanang kamay. Sa kanyang kaliwang kamay ay hawak niya ang isang two-way radio.

     “Say again, Control?”

     Inilapit ni Angelo sa bibig ang hawak-hawak at pinindot ang buton para makapagsalita.

     “Na-check mo niyo na ba yung parking sa B2?” tanong niya sabay dilat. Sa kanyang harapan ay napakaraming TV monitors ang nakasabit sa dilaw na pader. Bawat isa ay nagpapakita ng iba’t ibang bahagi at lugar sa Black Towers. Nakatuon ang kanyang pansin sa monitor na nasa dulong kaliwa sa pinaka-ibabang hanay. Nakasulat dito ang numerong “1”. Sa monitor, nakaupo ang isang guwarding nakasuot ng barong sa isang brown na desk. Halatang sa isang sulok ng silid na iyon nakalagay ang CCTV dahil kitang-kita ang buong silid.

     “Affirmative yan, sir,” sagot ng kausap niya.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

     Inilapag niya ang two-way radio sa lamesa at sumandal sa inuupuang reclining chair. Sinilip niya ang digital na orasan na nakasabit sa pader.

     7:00 PM

     Dalawang oras na lamang ay uuwi na rin siya. Pang-walong araw na niyang diretsong pasok ito sapagkat kinakailangang may pumalit sa kanyang kasamahan na dalawang araw ng wala. Ngunit bukas ay makakapagday-off na rin siya.

Kinusot niya ang dalawang mata, na kanina pa naluluha. Tiyak rin niya na namumula na ang mga ito. Pagkatapos ay nag-inat-inat siya na sinabayan pa ng malakas na paghikab.

Muli niyang ibinalik ang pansin sa mga monitors sa kanyang harapan.

Sa isa sa mga monitors makikita ang Olympic-sized, indoor swimming pool kung saan ilang pamilya ang masayang nagtatampisaw sa tubig. Sa isa naman ay makikita ang isang lalaking naka-amerikana na tahimik na nakatayo sa loob ng elevator. Ngunit karamihan ay ipinapakita ang mga pasilyo sa iba’t ibang palapag ng gusali.

Isang monitor, ang monitor number 3, ang nakakuha ng atensiyon ni Angelo. Makikita rito ang front entrance ng Black Towers. Sa monitor, isang lalaki nakasando at shorts ang mabilis na pumasok. Madungis ang lalake, parang isang taong grasa. Sa tabi ng salaming pintuan ay nakatayo ang isang guwardiyang nakabarong at nakamasid sa labas. Hindi nito pinansin ang lalaking pumasok. Tuluy-tuloy lamang ang lalaki hanggang sa mawala sa camera.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Ipagpatuloy ang pagbabasa

BLACK TOWERS – A Novel

Hi pips! Hindi ko pala nalagyan ng introduction itong sinusulat kong nobela. Ang pamagat nito ay Black Towers. Sana magustuhan niyo!

Ito nga pala ang blurb:

 

“Gusto mo bang magka-condo? Tiyak sasabihin mong oo. Mayaman man o pangkaraniwang tao ay nais matikman ang tinatawag na ‘Condo Living’. Ngunit, sinong mag-aakala na kahit pala ang mga sumakabilang-buhay na ay mahahalina at nanaising mamuhay sa mga condominium? Oo. Sa katunayan, hayan na sila, isa-isa ng lumilipat sa pinakabagong condo sa siyudad.

 

Halika na sa Black Towers…”