2013 Na!

Happy New Year! 2013 na pala. Ang bilis ng panahon, ano? Mukhang matagal-tagal na rin ng huling makapag-post ako. Huwag kayong mag-alala. Nagsusulat naman ako. Usually kasi sa papel ako nagsusulat. Kaso lang tinatamad na ako i-type at i-post. Pero di bale, tatapusin natin ang Black Towers. Meron pa rin akong ibang mga kuwento na ipopost na sana naman ay matakot kayo ngayong 2013.

Kaya’t bisita lang kayo. Huwag niyo ring kalimutang mag-post.

Maraming salamat sa inyong lahat at Happy and Prosperous New Year!