Huwag Kalimutang Isakay – Now Published in Librong Itim Volume 9

***

This story is now published by Precious Pages as LIBRONG ITIM VOLUME 9. Get it now to read the full story and read more of my other horror stories! 😀

***

 

“Pare, pasabay ha,” nakangiting sabi ni Alberto sabay mabilis na sumakay sa harapan ng jeep ni Kris.

“O, pare. Wala ka bang biyahe?”

“Coding ako ngayon. Heto pupunta lang ako sa talyer ni Manny. Kukunin ko yung pina-vulcanize ko.”

Mag-aalas tres na ngunit tirik pa rin ang araw sa kalangitan. Dahil dito ay kakaunti lamang ang mga taong nasa labas. Kakaunti rin lamang ang pasahero ni Kris. Limang tao lamang ang nakasakay sa kanyang jeep na labing-dalawahan.

“Kamusta naman si Misis? Okay lang ba kayo dun sa tinitirhan niyo?” tanong ni Kris.

“Ayos naman, pare. Salamat sa’yo at nakalipat kami dito. Salamat din at nakakuha ako ng prangkisa dito.”

Ilang minutong kuwentuhan ang lumipas ng mapansin ni Alberto ang isang lalaking tumatalon-talon sa di kalayuan. Mahaba ang gulu-gulong buhok nito at marungis ang kasuotan. Ang kanyang mukha, mga braso, at mga binti at paa ay nangingitim sa dumi.

Isang taong grasa.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Migrasyon – Prologue

Note: Ito ang prologue ng isa sa mga sinusulat kong nobela na pinamagatang “Migrasyon” (ang dami kong sinusulat marami din ang hindi tapos, hehehe!). Tungkol ito sa isang bayan na kailangang maghanda dahil dadaanan sila ng migrasyon. Feedback naman para malaman ko kung itutuloy ko ba ito. Thanks sa pagbisita at pagbasa.

—————————————————————————————————

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Kayo’y nakikinig sa Radyooooo… Double Geeeee! Super Balita, Serbisyo Publiko!

     “Ang atin pong oras ay alas-sais trenta ng umaga.

     “Magandang umaga pong muli sa lahat ng nakikinig sa atin. Narito po ang inyong lingkod na si Mike de Castro, kasama si Ted Enriquez.”

     “Magandang umaga, Mike.”

     “Magandang umaga rin sa’yo, Ted.”

     “Naku, Mike. Mabuti pa’t magpasalamat muna tayo sa ating mga kababayan na walang-sawang nakikinig sa atin.”

     “Ay naku, tama ka diyan. Mga kababayan, number one po ulit ang Radyo Double G sa kalalabas lamang na Cruz-Nelson ratings, ano. Ayon sa survey na iyan ay 47 percent, inuulit ko po, 47 percent po ang listener share ng Radyo Double G.”

     “47 percent. Ang laki nun.”

     “Ang laki talaga, Ted. Halos kalahati ng mga Pilipino ay sa atin nakikinig.”

     “At Mike, hindi natin magagawa ‘yan kung wala ang masusugid nating mga tagapakinig.”

     “Ay, siyempre naman. Kaya’t mula po sa ikabuturan ng aming mga puso ay nagpapasalamat kami sa inyong lahat. Dito sa Radyo Double G, kayo ang boss namin.”

     Kayo’y nakikinig sa Radyooooo… Double Geeeee! Super Balita, Serbisyo Publiko!

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Black Towers – Under Temporary Hiatus

Paunawa: Ang Black Towers series ay pansamantalang under hiatus. Itutuloy ko rin ang istoryang ito sa lalong madaling panahon. Pansamantala ay magpo-post muna ako ng mga short stories na aking naisulat.

Patuloy na bisitahin ang blog na ito para sa mga kahindik-hindik na kuwentong katatakutan!