Ang Pagbubuntis ni Glendang Manananggal

***Author’s Notes: Medyo PG po ang istoryang ito. Mayroon pong kaunting violence na maaaring hindi magandang basahin ng mga bata. Kung matanda ka na ay welcome na welcome kang basahin ito. Again, this is an original story of mine. BAWAL po ang pag-repost o paggamit ng kwentong ito ng walang paalam. Maraming Salamat po. Enjoy! – martincarneo***

“Maraming salamat po ulit at pinayagan niyo akong ma-interview kayo.”

     Nakaupo si Jenny Navarro sa isang malambot at komportableng upuan sa sala ng mag-asawang Tommy at Glenda. Malaki ang sala at maliwanag. Puting-puti ang mga pader at malalaki ang mga bintana, na natatakpan ng mga bulaklaking kurtina. Malamig ang simoy ng hangin kaya’t malamig kahit walang aircon o bentilador.

     Sa harapan ni Jenny ay magkatabing nakaupo ang mag-asawa sa sa isang mahabang sofa. Kung titingnan ay napakaperpekto ng mag-asawang ito, bagay na bagay sila sa isa’t isa. Magandang lalaki si Tommy at matangkad. Si Glenda naman ay napakaganda at napakaputi. Pareho silang trenta anyos, at parehong matagumpay sa kani-kanilang karera.

     Habang nakaupo ay panay ang himas ni Glenda sa kanyang may kalakihan ng tiyan. Gayundin naman si Tommy. Maya’t maya ay hinahawakan ang tiyan ng asawa na para bang sinusukat ito.

     “Naku, wala iyon,” matamis na sagot ni Glenda. “Tama lang yun kasi nahanap mo kami.”

Ipagpatuloy ang pagbabasa