DALAWANG PANGUNGUSAP NA KATATAKUTAN PART II

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

“Patigilin mo nga ‘yang anak mo!” sigaw ni Edong sa asawa habang kumakain ng barbecue. Maya-maya lang ay hindi na niya naririnig ang palahaw dahil itinarak ng kanyang misis ang barbecue stick sa magkabilang tenga niya.

“Mamatay ka na!” palahaw ni Vilma sabay saksak sa nagwawalang sanggol sa kama. Tumawa lamang ang sanggol at sinakmal gamit ang matatalim nitong ngipin ang kanyang makasalanang ina na nagpalaglag sa kanya.


Simula noong bata pa ako hanggang ngayong may asawa’t anak na ako ay takot pa rin ako sa Lola ko lalo na kapag niyayakap at hinahalikan niya ako sa pisngi. Sanggol pa lang kasi ako ng namatay siya.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Natawa lang at hindi sinunod ni Kristine ang sinabi ng kanyang Lola na huwag matutulog ng basa ang buhok dahil mabubulag daw siya. Madaling araw ng maalimpungatan siya at nakita ang kanyang Lola na nakasampa sa kanya, hawak-hawak ang isang kutsilyo at akmang itatarak sa kanyang mata.

Nagising si Ella at nagulat ng makitang kumakatok ang kanyang boyfriend sa kanyang bintana. “Ella, itatanan na kita sa ayaw at gusto mo,” sigaw ng lalaking tatlong buwan ng patay.

“Sabi nila kanina ang init ko daw, ibig sabihin ba noon hot na ako?” post ng kapitbahay naming teenager na babae. Mula sa aking closet ay kinuha ko ang aking shotgun at tinungo ang bahay ng dalagita.

“Hi baby, pauwi na ako!” type ko sa aking cellphone sabay send. Agad namang tumunog ang cellphone ko at ng mabasa ko ang mensaheng “Hi baby, pauwi na ako!” ay naalala ko na single nga pala ako.

 

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)