Backmasking

Backmasking

ni Tristan Martin

 

“Ano na naman ‘yang pinapakinggan mo?” bulahaw ni nanay.

Lumingon ako sa may kusina at nakita siyang naghuhugas ng pinggan.

“Puro na lang ka-demonyohan ang pinakikinggan mo,” pagpapatuloy ni ermat, ang mga pinggan, baso, at mga kubyertos ay kumakalansing na parang mababasag na. “Lagi ka na lang nakahilata diyan. Sobrang batugan mo!”

Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga ko sa sofa. “‘Nay, hindi naman ka-demonyohan ‘tong pinakikinggan ko. Music ‘to. At saka, day off ko naman po, nagpapahinga lang ako.”

“Anong music?” sagot niya sabay harap sa akin. “Hindi ba’t rak’en’rol ‘yang pinakikinggan mo? Kanina pa nakukulili ang tainga ko sa ingay niyan, eh. Hindi ba’t sabi ni Pastor Rommy na Satanista ang mga rak’en’rol na ‘yan?”

                Napailing na lang ako sa sinabi ni inay. Tumayo ako at lumapit sa stereo sa ilalim ng TV at agad na pinindot ang stop button. Ini-eject ko ang cassette tape ng paborito kong bandang Eraserheads at agad na ibinalik ito sa plastic case, ang harapan nito ay may imahe ng isang jellyfish. Kakabili ko lang nito noong isang linggo at halos ito ang pinakikinggan ko araw-araw.

“Hindi ba’t kung anu-anong mensahe ang maririnig mo sa mga bandang ‘yan? Palibhasa hindi ka nakikinig kay Pastor kapag Linggo. May mga satanistang panalangin sa mga kantang ‘yan. May hidden messages kapag binaliktad mo ‘yan. ‘Yung back marking ba ‘yun?”

“Backmasking, inay,” sagot ko naman habang mabagal na naglalakad papunta sa aking kuwarto.

“Oo, ‘yun nga,” sabi niya habang tumatango-tango ang ulo, ang kanyang boses ay lalo pang lumalakas. “Naku, pinarinig sa amin ni Pastor ‘yang backmasking na ‘yan. Nakakakilabot. Biruin mo, kapag pinatugtog mo ‘yan ng pabaliktad, naku! Minumura ang Diyos!”

Ipagpatuloy ang pagbabasa

LIBRONG ITIM VOLUME 9 NOW OUT!

book00

LIBRONG ITIM VOLUME 9 IS NOW OUT! Naririto po ang ilan sa mga kwento ko ngayon ay nailimbag na sa isang libro. Mababasa niyo po ang TATLONG BAGONG-BAGONG MGA KWENTONG NAKAKATAKOT!

Kyaah, Pembarya
Sleep Paralysis sa Bus
Ang Guwardiya sa Dream Life Village

Kasama rin po sa koleksyon na ito ang pito sa mga akda ko:

Ang Babaeng Baliw
Ang Pagbubuntis ni Glendang Manananggal
Habilin
Bakit Tawa nang Tawa ang Bungisngis?
Huwag Kalimutang Isakay
Paulit-Ulit
Pakiabot ng Bayad

Mabibili niyo po ang aklat na ito sa pinakamalapit niyong Precious Pages Bookstore (http://phr.com.ph/stores/). Maaari rin po kayong makabili sa parating na MIBF.

Sana po ay suportahan ninyo ang aklat na ito katulad ng pagsuporta ninyo sa aking mga istorya.

Maraming, maraming salamat po!

PUBLISHED – Librong Itim Volume 9

Magandang balita, mga mahal kong readers. After mahigit 10 taon na pagsusulat at pagshe-share ng mga kuwento ko sa blog na ito, nagkaroon din ako ng pagkakataon na mapublish ang mga akda ko. Sa ilalim po ng Librong Itim brand by Precious Pages, malapit na pong mabasa as a book ang pito sa mga istorya ko dito, sa LIBRONG ITIM VOLUME 9.

book00

Heto ang pito sa mga stories ko na kasama sa librong ito:

Ang Babaeng Baliw

Bakit Tawa nang Tawa ang Bungisngis

Huwag Kalimutang Isakay

Ang Pagbubuntis ni Glendang Manananggal

Ang Habilin

Pakiabot ng Bayad

Paulit-ulit

Kasama po ng pitong ito, mayroon pang TATLONG BAGONG-BAGONG KWENTO na hindi ko pa naipo-post dito. Tanging sa libro lamang po ninyo ito mababasa!

Sleep Paralysis sa Bus

Ang Guwardiya sa Dream Life Village

Kyaah! Pembarya!

 

Ang tatlong stories na ito ang ilan sa mga pinakanakakatakot at pinakapaborito ko sa mga short horror stories ko. Sana po ay magustuhan din po ninyo!

Sa mga readers ko po na regular na nagche-check ng blog na ito, sa mga nagcocomments sa mga istorya ko. maraming-maraming salamat po. Sana po ay suportahan ninyo ang aking first published book kung paano po ninyo sinuportahan ang blog kong ito. Pinapangako ko na patuloy akong magsusulat ng mga katatakutan para sa inyo!

Muli, maraming-maraming salamat po. Sabay-sabay po nating abangan ang nalalapit na release ng LIBRONG ITIM VOLUME 9.

ANG HABILIN AUDIO NARRATION by HILAKBOT TV!

Naririto na naman po ang isang kagila-gilalas, at kahindik-hindik na audio narration mula sa mga talentadong Pinoy Youtube channel na Hilakbot TV! Pakinggan niyo po ang isa sa mga istorya ko rito, Ang Habilin, na ngayon ay maipa-publish na po sa aklat na Librong Itim Volume 9!

Suportahan po natin ang Hilakbot TV at ang aking bagong published book! Go Pinoy Horror!

Huwag Mo Silang Hahanapin

Huwag Mo Silang Hahanapin

ni Tristan Martin

 

Mayroon akong third eye. Sige, tawanan niyo ako. Alam ko namang mahirap paniwalaan ito. Marami na ang nagsabing baka raw nababaliw lang ako. Na pawang nasa isipan ko lamang ang lahat ng mga nakikita ko, mga halusinasyon lamang. Mayroon din namang nagsasabi na sinasapian daw ako ng demonyo o ng isang masamang espirito. May nag-volunteer pa nga na ipagpe-pray over nila ako basta’t sumama lamang ako sa kanilang simbahan.

 

Hindi na ako nakikipagtalo kapag nabubuksan ang diskusyon tungkol sa aking third eye. Halos narinig ko na ang lahat ng mga paliwanag at teyorya tungkol sa mga taong nakakakita ng mga espirito. At, sa aking pagtanda, natanggap ko na rin na baka maaaring tama rin sila. Ayokong isipin na baliw ako ngunit marami na akong nakitang mga bagay na parang milagroso ngunit madaling naipaliwanag ng siyensya. Maaaring may diperensya nga ang utak ko, eh, ano naman ngayon? Natuto na akong mabuhay na nakakakita ng mga kaluluwa (o halusinasyon?) na naglalakad kasama ng mga buhay.

 

Isa sa mga dahilan kung bakit sa Black Towers ako kumuha ng unit ay dahil wala akong nararamdaman at nakikitang hindi normal. Sa lahat kasi ng mga condo na napuntahan ko, palagi akong may kakaibang nararanasan. Sa isang condo sa Makati, pagpasok ko pa lamang ay nakaramdam na kaagad ako ng panlalamig. Panlalamig na hindi dahil sa aircon, na hindi naman ganoon kalakas. Ito ang uri ng panlalamig na tagos hanggang buto. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla akong napatingala. At nagulat ako sa aking nakita (na hindi ko ipinahalata dahil nasanay na rin naman ako sa mga ganoong sitwasyon).

Ipagpatuloy ang pagbabasa