Anak Daw ng Mangkukulam – Kwentong Katatakutan True Horror Stories Animation Episode 2

Narito na po ang Episode 2 ng ating Animated True Horror Stories series na Kwentong Katatakutan.

“Anak Daw ng Mangkukulam”

Ano ang gagawin mo kung may narinig kang mga bulung-bulungan na anak daw ng isang mangkukulam ang iyong kaklase. Maniniwala ka ba? Matatakot? O ipagwawalang-bahala lamang ito? Narito ang karanasan ni Horror_Enthusiast_93 noong grade six pa lamang siya tungkol sa kanyang kaklase na nabansagang anak ng isang mangkukulam…

Sana po ay mapanood niyo!

SABI NILA EPISODE 4 NOW UPLOADED!

Uploaded na po sa Youtube ang episode 4 ng ating horror animation series na Sabi Nila – Pinoy Horror Stories. Muli, meron po itong dalawang kwento:

Side A – Tulog Na, Baby…

Side B – Matanda na si Inay

Sana po ay mapanood ninyo at ma-share sa inyong mga kaibigan at mga kapamilya. Maraming salamat po!!!

Sabi Nila Animated Horror

Magandang araw po! Sa mga masugid na tagabasa ng mga kwento ko sa blog na ito, meron na po kayong bagong susubaybayan. Gumawa po ako ng animated horror series na pinamagatang “Sabi Nila – Pinoy Horror Stories”. Pwede niyo na pong mapanood sa Youtube ang episode 1. Sana po ay magustuhan ninyo kahit baguhan lang ako sa pagdrawing at animation (mouse lang pangdrawing ko). Saka hindi po kagandahan ang boses ko, ahahaha!

Narito po ang link sa episode 1. Sana po ay makasubscribe din po kayo bilang pagpapakita ng suporta. Maraming salamat po!

Sabi Nila – Pinoy Horror Animation

Magandang araw po sa inyong lahat. Hindi niyo po alam, matagal ko nang binabalak na gumawa ng isang horror animation channel sa Youtube. Isa iyon sa mga goals at pangarap ko. At ikinagagalak kong sabihin na malapit na po itong matupad. Sana po ay abangan ninyo ang mga kuwentong katatakutan na galing sa aking malikot na imahinasyon bilang animation. Pinaghirapan ko po ito dahil ako rin po ang nag-drawing, nag-animate, at nagboses sa mga karakter. Hindi naman po ako ganoon kagaling sa pagguhit at aaminin kong pangit ang boses ko kaya’t sana’y mapagpasensyahan ninyo!

Anyways, heto po ang magiging intro ng aking horror animation channel, ang Sabi Nila – Pinoy Horror Animation. Pwede na rin po kayong mag-subscribe para makita niyo kaagad kapag na-upload ko na ang Episode 1 (promise, malapit na!)