Manananggal Challenge

Manananggal Challenge

by Tristan Martin

(Note: This is my first finished English story. This was actually written last April 2019 for a planned anthology that unfortunately, didn’t push through. So I’ve decided to share this here. Feedback, anyone?”)

According to the news, Sheila was the 36th victim. To be brutally honest though, I don’t really care about the others. I only care about Sheila. She was my only daughter. She was only 14 years old.

The nurse found her around two in the morning during her rounds. I was outside at that time, in front of the hospital entrance, drinking terrible coffee that I got from the vending machine. The security guard was telling me something, some crazy government conspiracy theory, but I wasn’t listening. I was thinking about my Sheila. How this was just a dream – no, an awful nightmare. And that anytime now, I will wake up on my bed, probably late for work, with everything back to normal. Sheila will come in to my room in her school uniform, telling me to get up already, scolding me for being a lazy-ass father.

But I didn’t wake up. It wasn’t a dream.

When I first heard about it, I thought that the world had really gone crazy. They called it the Manananggal Challenge, which sounds ridiculous to say the least. I mean, who in their right mind would create an Internet challenge and call it after a decapitated flying monster with bat-like wings? Yes, I know that there were some insane and downright dangerous Internet challenges that became viral before but this one was on a whole different level. The challenge asks you to slice yourself on the waist, just like a manananggal. It claimed that once you have successfully cut yourself into two, you will then be reborn and grow these massive and beautiful wings that will enable you to fly into the skies. It will set you free, it said.

 I laughed out loud when I saw it on Facebook, dismissing it as a joke started by trolls, convinced that no one would actually do something like that for the sake of likes or views.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Pulang Doorbell

Ang Pulang Doorbell

ni Tristan Martin

 

“Hoy, Alvin! Ikaw na,” malakas na sabi ng batang si Homer.

“Ha? Bakit ako?” tanong ni Alvin.

Mabilis na binatukan ni Homer ang kaibigan.

“Nagtatanong ka pa?” sigaw ni Homer. “Basta’t sumunod ka na lang!”

Sabay-sabay na nagtawanan ang kanilang mga kalaro.

Walang nagawa ang labing-isang taong gulang na si Alvin kundi kamutin ang ulo kung saan siya binatukan. Magkasing-edad lamang sila ng kaibigan ngunit ‘di hamak na mas matangkad ito sa kanya. Wala tuloy siyang magawa tuwing uutusan siya ni Homer o kaya’y sasaktan.

“Oo na, sige na,” sagot ni Alvin sabay buntong-hininga. “Kaninong doorbell ba ang pipindutin ko?”

Ngumisi si Homer. Lumapit siya kay Alvin at inakbayan ito.

“‘Ayun,” sabi ng batang lalaki sabay turo. “‘Yung green na gate.”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Alvin. Pakiramdam niya, bumilis ang tibok ng kanyang puso.

“H-Ha? B-Bakit ‘yan?”

Muling itinaas ni Homer ang kanyang kanang kamay. “Bakit? May reklamo ka?”

Napangiwi si Alvin at humakbang paatras, ang mga mata’y nakatuon sa kamao ni Homer.

“P-Pero,” halos pabulong niyang sabi, “b-bahay ‘yan ng aswang, ‘di ba?”

 

Ipagpatuloy ang pagbabasa

PERPEKTO ANG GIRLFRIEND KO, BASTA SUSUNDIN MO LANG ANG KANYANG MGA “RULES”

PERPEKTO ANG GIRLFRIEND KO, BASTA SUSUNDIN MO LANG ANG KANYANG MGA “RULES”
ni Tristan Martin

Ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa buong mundo. Napaka-perpekto kasi ng girlfriend ko. Kung baga, wala na akong hahanapin pa. Napakaganda niya, sexy, sobrang bait, may sense of humor, matalino, at napakarami pang iba. Kung ililista ko lahat ng mga katangian niya, tiyak aabutin tayo ng year 2025! Madalas ko ngang kinukurot at sinasampal ang mukha ko para masiguradong hindi ako nananaginip.

Apat na taon na kami ng aking mahal na nobya. Noong niligawan ko siya, lahat ng mga kaibigan at kapitbahay ko sinabihan ako na huwag ko na raw ituloy dahil bad news daw siya at mapapariwara lamang ako kapag naging kami. Na may “something” daw ang pamilya nila sa probinsya. Bagong lipat lang ako sa lugar na iyon at mag-a-anim na buwan pa lamang doon nang makilala ko ang nobya ko. Hindi ako nakinig sa mga sinasabi nila, mga tsismoso at mga tsimosa, at itinuloy ang panliligaw. Hindi nagtagal, sinagot din niya ako at talagang sobrang ligaya ko simula noon. Lahat ng mga nagsabing mapapariwara raw ako, hindi ko na sila mga kaibigan ngayon.

Last year lang, nagsimula na kaming mag-live in. Kumuha kami ng condo sa Taguig at talagang sobrang saya namin. Halos wala kaming problema, wala kaming anumang away. At siyempre, dahil iyon sa sinusunod ko ang mga special rules.

Well, wala naman talaga siyang special rules para sa akin. Kung ano ang gusto at ayaw ng mga pangkaraniwang babae sa kanilang nobyo, ganoon din naman siya. Sa totoo lang, mas maluwag pa siya sa ibang mga naging girlfriend ko dati. Understanding siya, hindi demanding. Kaya mahal na mahal ko siya!

Ipagpatuloy ang pagbabasa

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 1)

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 1)
ni Martin Tristan M. Carneo
 
Mag-iisang taon na akong traysikel drayber dito sa ______, Cavite. Nagsimula ako last year nang mabili ko sa kapitbahay namin ang kanyang traysikel. Kasabay ng paglipat ng prangkisa sa aking pangalan, pa-simple rin niya akong inabutan ng kapirasong papel at pagkatapos ay nagmamadali siyang umalis. Uuwi na kasi siya ng probinsya dahil lalagay na siya sa tahimik. Nang mabasa ko ang nakasulat sa papel, hindi ko malaman kung matatawa o mapapakamot na lamang ako ng ulo.
 
“Ginu-good time ‘ata ako nito, ah?” sabi ko sa sarili. “Gusto pa akong takutin!”
 
Narito ang nakasulat sa papel na ibinigay niya sa akin.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Hypebeasts: Generation Z

HYPEBEASTS: GENERATION Z
ni Tristan Martin

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Nandiyan na naman sila, gustong pumasok sa mall. Binarikadahan na namin ang lahat ng entrance ngunit patuloy lang sila sa pagkalampag, nagpupumilit na makapasok. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan sila mula sa second floor ng mall. Bilog na naman kasi ang buwan kaya’t napakaagresibo nila.

Mga hypebeast zombies.

Napakarami nilang nagtipon sa harap ng mall. Makukulay ang mga suot nila, makikintab. Ang ilan ay sumasayaw-sayaw, parang mga tanga. Ang ilan naman ay nag-aaway, nagsusuntukan.

 

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Hindi ko na maalala kung paano nagsimula ang lahat ng ito. Mayroong mga senyales ngunit wala namang pumansin. Nagsimula sa kakaibang pananamit ng mga kabataan. Pagkatapos ay nagsalita sila nang pabaliktad. Hanggang sa nawalan na ng pag-asa at pangarap ang mga kabataan at mas pinili ang pumorma na lamang at tumambay. Lahat ng ito ay ipinagsawalang-bahala ng lahat, pinagtawanan pa nga.

Hanggang lumipas ang mga buwan at tuluyan na silang napraning, mistulang mababangis na hayop na nilamon na ng rabies ang utak. Hindi na sila makausap ng matino. Lagi silang nanggugulo at sa di maipaliwanag na kadahilanan ay gustong-gusto nilang magtipon-tipon sa mga malls at sa mga pampublikong parke. At ang malala pa ay kapag nakagat ka nila, magiging hypebeast zombie ka na rin.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Walang maisagot ang mga siyentipiko sa kababalaghang ito. Ang tanging natuklasan lamang nila ay lalong nagiging agresibo ang mga hypebeast zombies kapag bilog ang buwan. Isang teyorya ang nagsasabi na ang gravity ng buwan ang may kagagawan ng pagkabaliw ng mga hypebeasts. Ang gravity daw kasi ng buwan ay humihila sa mga tubig dito sa lupa, kung kaya’t nagkakaroon ng mga high tides at low tides. Paano pa kaya tayong mga tao na malaking bahagi ng komposisyon ng ating katawan ay tubig? Siguradong naaapektuhan din daw tayo ng gravity ng buwan. Kaya daw ang mga tayo ay nag-iiba ang ugali kapag bilog ang buwan.

Paano pa raw ang mga hypebeast, gayong ang kanilang mga utak ay sabaw lamang, puro tubig. Sa patuloy na impluwensya at paghila ng pwersa ng gravity ng buwan sa kanilang mga utak ay nag-iba na ito ng anyo. Kaya’t nagmistula silang mga mababangis na hayop. Tinawag silang mga Hypebeasts: Generation Z ng mga siyentipiko.

“Hoy, Alan! Tulungan mo nga kami. Barikadahan pa natin yung entrance!”

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Bert. Isa siya sa mga kasama kong na-trap dito sa loob ng mall.

“Oo, na. Saglit lang.” Dinampot ko ang isang baseball bat sa aking tabi at napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa kami dito. Hindi ko alam kung may tulong bang darating. Madalas tuloy ay parang gusto ko ng sumuko. Huwag na lang lumaban at sabihing…

“Hayaan mo sila…”

 

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

 

NOTE: Pasensya na sa mga hypebeasts! Joke lang po ang kwentong ito! Huwag po sana kayong magalit at mangagat! 😀

Patay-Gutom

“May patay-gutom sa labas,” sabi ni Anton.

Biglang napalingon si Jerry, halos mabitiwan ang hawak na hotdog sandwich. “P.G. na naman? Mga putragis na P.G. yan, ah!”

Hindi sumagot si Anton, tahimik na nakatingin lamang sa bintana. Ang kanyang buhok na halos puti ng lahat ay marahang ginugulo ng malamig na hanging nanggagaling sa labas.

Napailing si Jerry, binitawan ang hawak na tinapay at tumayo. Naglakad siya patungo sa bintana at tumayo sa tabi ni Anton. Sa tapat ng gate ng kanilag bahay ay nakatayo ang isang patay-gutom. Isang lalaki. Gusgusin at sira-sira ang suot nitong damit.

“Hindi na ba tayo patatahimikin ng mga patay-gutom na iyan?” tanong ni Jerry.

“Naku, huwag mo nang pansinin ‘yan.  Aalis din iyan.”

Tiningnan ni Anton ang buwan sa kalangitan. Para itong isang prutas na biniyak sa gitna. Pagkatapos ay tumalikod na siya at umupo sa malaking sofa sa gitna ng silid. Dinampot niya ang isang librong nasa lapag at sinimulang basahin ito.

Nilingon ni Jerry ang kaibigan. “Yan na naman? Ilang beses mo na bang nabasa yang Prisoner of Azkaban?

Ipagpatuloy ang pagbabasa