3 Lines Horror Stories

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

“Ang weird talaga ng mga tao, ano?” sabi ko habang napapailing.

“Gumagawa sila ng mga bagay na kalokohan lang, walang sense, at minsan nga ay delikado pa para lamang mapansin, ma-like, at mapusuan ng ibang tao.”

“Ako rin, gusto ko lang namang mapansin, ma-like, at mapusuan mo,” bulong ko sa babaeng nakatali ngayon sa isang upuan sa aking harapan, umiiyak, ang bibig ay nakabusal.

 

______________________________

“Kapag lumingon ka, akin ka!”

Hindi siya nakinig, akala’y nagbibiro ako.

Kaya heto, naririto na siya ngayon sa aking tahanan, habang-buhay na matutulog sa loob ng aking aparador.

 

______________________________

“Nagbabagang balita, mga ka-puso!
Isang bulalakaw diumano ang tatama ngayong gabi sa ating plane—”
— Signal Lost —

 

_________________________________

“Hindi ako nagpagpag!

“Bakit hindi ako nakinig at hindi nagpagpag?!”

Ito ang nakasulat sa isang kapirasong papel sa bulsa ng isang babaeng natagpuang patay sa loob ng kanyang apartment.

 

_________________________________

Pinatay ko silang lahat, ang kanilang mga bangkay ay nakahilera sa paanan ng kama ng aking naghihingalong amain.

Nang makita niya ang aking ginawa, ngumiti siya, inabot sa akin ang isang kulay itim na bagay, at biglang nalagutan ng hininga.

Oo, ginawa ko ang lahat ng ito. Para sa librong itim.

 

______________________________________

“Kung may pagkakataon na mayakap ka at masabi ko na mahal kita, ama,” walang emosyong kanta ng isang batang namamalimos sa bus.

Habang ang ibang tao ay hindi pinapansin ang bata, ako naman ay parang hindi makahinga sapagkat kamukhang-kamukha niya ang aking anak na pumanaw dalawang taon na ang nakararaan.

“Awiting ‘to ay alay ko sa’yo. M-Ma-Maha… na… m-maha… na…” Hindi maituloy ng bata ang pagkanta, ang kanyang mga mata ay nanlilisik na nakatitig sa akin.

 

__________________________________

Naghahanap ako ng MATABA, MABILBIL, at OVERWEIGHT. Papatayin ko.

Este, papapayatin ko pala.

PM me NOW!

 

_____________________________________

“Hay, naku! Alam mo ba ‘yang si Joan, takot na takot sa aparador niya noong bata pa siya,” kwento ng nanay ko sa aking bagong boyfriend.

“Mayroon daw kasing lalaking nakatira sa aparador niya!” dugtong pa ni inay sabay tawa. “Teka, iho, saan ka nga ba ulit nauwi?”

Matamis na ngiti ang ibinigay ng aking mahal. “Sa aparador… este, sa apartment po.”

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

DALAWANG PANGUNGUSAP NA KATATAKUTAN PART II

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

“Patigilin mo nga ‘yang anak mo!” sigaw ni Edong sa asawa habang kumakain ng barbecue. Maya-maya lang ay hindi na niya naririnig ang palahaw dahil itinarak ng kanyang misis ang barbecue stick sa magkabilang tenga niya.

“Mamatay ka na!” palahaw ni Vilma sabay saksak sa nagwawalang sanggol sa kama. Tumawa lamang ang sanggol at sinakmal gamit ang matatalim nitong ngipin ang kanyang makasalanang ina na nagpalaglag sa kanya.


Simula noong bata pa ako hanggang ngayong may asawa’t anak na ako ay takot pa rin ako sa Lola ko lalo na kapag niyayakap at hinahalikan niya ako sa pisngi. Sanggol pa lang kasi ako ng namatay siya.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Natawa lang at hindi sinunod ni Kristine ang sinabi ng kanyang Lola na huwag matutulog ng basa ang buhok dahil mabubulag daw siya. Madaling araw ng maalimpungatan siya at nakita ang kanyang Lola na nakasampa sa kanya, hawak-hawak ang isang kutsilyo at akmang itatarak sa kanyang mata.

Nagising si Ella at nagulat ng makitang kumakatok ang kanyang boyfriend sa kanyang bintana. “Ella, itatanan na kita sa ayaw at gusto mo,” sigaw ng lalaking tatlong buwan ng patay.

“Sabi nila kanina ang init ko daw, ibig sabihin ba noon hot na ako?” post ng kapitbahay naming teenager na babae. Mula sa aking closet ay kinuha ko ang aking shotgun at tinungo ang bahay ng dalagita.

“Hi baby, pauwi na ako!” type ko sa aking cellphone sabay send. Agad namang tumunog ang cellphone ko at ng mabasa ko ang mensaheng “Hi baby, pauwi na ako!” ay naalala ko na single nga pala ako.

 

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Dalawang Pangungusap na Katatakutan

NOTE: Mga ilang buwan na ang nalilipas ng mag-trending sa reddit ang 2 sentence horror stories. Kaya’t naisipan ko na subukang gawing din ito. Narito ang ilan sa mga naisulat kong dalawang pangungusap na katatakutan. Lahat po ng maiiksing istoryang ito ay orihinal na gawa ko. BAWAL po ang pangongopya at pagrerepost ng mga kuwentong ito ng walang pahintulog – Martin Tristan M. Carneo

Tinanong ako ng aking ina kung bakit ayokong-ayoko na bumibisita sa aming bahay ang aking tiyahin tuwing Pasko. “Nay, “ sagot ko sa kanya, “nakalimutan niyo na bang limang taon ng patay si tyang?”

***

“Hi, miss beautiful,” ang bati sa akin ng isang madungis na lalaki na may hawak na tabloid kung saan nakasulat ang headline na, “Killer na pumapatay gamit ang martilyo, hindi pa nahuhuli.” Kinabahan ako sa hitsura ng lalaki ngunit ngumiti na rin ako sa kanya sabay dukot ng martilyo sa aking hand bag.

***

“Para sa tabi!” Agad na itinabi ni Gardo ang kanyang jeep ngunit wala namang bumaba dahil wala naman siyang sakay.

***

“Panget, kunan mo nga kami ng picture ng syota ko,” sabi sa akin ni Romeo na kilalang bully sa eskuwelahan namin. Matapos silang kuhanan ay hindi ko sinabi sa kanya na lumabas siyang walang ulo sa litrato.

***

“Alam mo beh, gustong-gusto kong makakita ng multo,” ang palagi kong sinasabi sa aking boyfriend na si Matthew. Kagabi, binisita niya ako matapos niyang magbigti dalawang araw na ang nakararaan.

***

“Hindi kami lahi ng mga mangkukulam!” sigaw ko sa mga batang nang-aasar sa akin sa eskuwelahan. “Lahi kami ng mga aswang,” bulong ko sa aking saril matapos kong kainin ang kanilang mga atay.

***

Nagkadiperensya ang aking mga mata mula ng maaksidente ang sinasakyan kong bus. Magmula noon ay nanlabo na ang aking paningin at parati akong nakakakit ng batang gusgusin na sunud ng sunod sa akin.

***

“Annie, mag-diet tayo,” sabi ko sa aking kaibigan. “Hindi ko kaya yun lalo na’t masarap ang atay ng tao,” sagot niya habang naglalaway na nakatingin sa akin.

***

“Di ba hon, nangako tayo na walang iwanan hanggang kamatayan?” tanong ko sa aking asawa na nakayakap sa akin. “Please, iwanan mo na ako at matagal ,ka ng patay!”

***

“M-Mama,” ang dahan-dahang sabi ng anak na sanggol ni Maria, na nagulat at hindi makapaniwala. Still birth kasi ang kanyang anak at ngayon nga’y nakaratay sa loob ng maliit na kabaong at ibinuburol.

***

NOTE: Ayos ba? First time ko magsulat ng ganito kaya hindi pa maganda. Try ko ulit tapos post ko dito. Feedback naman para alam ko kung maganda ba o hindi.

ney, hindi ba’t nangako tayong walang iwanan habang buhay?” bulong ko sa tenga ng aking asawang nakayakap sa akin. ”Please naman, iwan mo na ako at matagal ka nang patay.”

Bati – Original Ending

Hi guys! Napakaraming mga nabitin sa seryeng Bati. Naiintindihan ko ang nararamdaman ninyo kaya’t napagdesisyonan kong ipost ang original ending. Pinalitan ko lamang ang ending nito at ginawang hanging para mga readers na ang bahalang mag-isip kung ano ang susunod na mangyayari (ala Inception ba, hehehe). Siguro ay hindi masyadong effective ang naging gusto ko kaya’t marami ang talagang nabitin (at ang iba ay nagsabi pa ng masasakit na salita. Pero okay lang, bilang awtor ay tanggap ko ang lahat ng uri ng kritisismo).

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Kung gusto niyo pong basahin ang original ending ng istoryang “Bati”, punta lamang po kayo sa page na ito:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2012/01/25/bati-final/

Feedback naman po kung ano ang mas gusto ninyo. Yung original ending o yung hanging ending? Maraming salamat po.

Ang Manliligaw Part II

“Tao po. Tao po.”

Nakatayo si Anton sa harap ng isang bahay kubo na nasa gitna ng malawak na bukirin. Maraming naglalakihang mga puno sa paligid na nagsasaboy ng maiitim na anino kaya’t mukhang takipsilim na kahit tanghaling tapat pa lamang.

“Tao po,” muling kumatok si Anton.

“Sinong hinahanap niyo?”

Lumingon si Anton sa kanyang likuran at nakita ang isang lalaking nakasuot ng puting t-shirt. May edad na ito at napapanot na ang tuktok. May katabaan din ito at ang bilugang tiyan ay bumabanat sa suot niyang damit.

“M-Magandang araw po. Dito po ba nakatira si Mang Ben? Yung albularyo?” tanong ni Anton.

“Ah, ako si Mang Ben. Bakit mo naman ako hinahanap?”

“Hihingi po sana ako ng tulong. Tungkol po sa problema ng isang kaibigan.”

“Ganun ba,” sabi ni Mang Ben. “Halika, pasok tayo. Galing kasi ako sa kabilang baranggay at nagtawas ako.”

Kahit maliit lamang ay malamig at komportable sa loob ng kubo ng albularyo. Maraming mga halaman at dahon-dahon ang nakasalansan sa isang maliit na lamesa sa gitna ng kubo.

“Oh, ano ba ang problema ng kaibigan mo?” tanong ni Mang Ben ng makahanap ng mga bangkong mauupuan nila.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

“Eh, kasi ho…” hindi alam ng binata kung paano magsisimula. “”Meron po kasi akong kaibigang babae na nagugustuhan daw ng isang espiritu? Sabi ng iba, lamanglupa daw. Eh, lahat daw ng nanliligaw dun sa kaibigan ko ay nagkakasakit at namamatay.”

Napahawak sa kanyang baba ang albularyo at nag-isip.

“Matutulungan niyo po ba siya?” tanong ni Anton.

“Kung gayon,” sagot ni Mang Ben, “may gusto ka rin ba sa babaeng iyon at gusto siyang ligawan?’

“H-Ho?” ramdam ni Anton ang pamumula ng kanyang mga pisngi.

“Ok lang yan. Huwag kang mag-alala. Madali lamang ang problemang iyon.”

“T-Talaga ho? Matutulungan niyo kami?”

“Oo naman. Ako yata ang pinakamagaling na albularyo sa probinsyang ito,” sabi ni Mang Ben sabay tawa. “Mabuti pa isama mo rito bukas ang kaibigan mo.”

“Sige po! Pupunta po kami dito!” tugon ng binata na hanggang taenga ang ngiti.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay tinungo na ng dalawa ang kubo ng albularyo.

“Sigurado ka ba dito?” tanong ni Andrea.

“Oo. Si Mang Ben yata ang pinakamagaling na albularyo sa probinsyang ito!” sagot ng binata.

Sa kanilang harap ay naglalaga ng mga dahon si Mang Ben. Matapos itong amuyin ng ilang beses, sinala niya ito at pagkatapos ay dinikdik ito gamit ang isang malaking bato. Nang mapulbo ang mga dahon, binalot niya ito gamit ang isang pulang tela. Pagkatapos ay naupo siya sa harapan nina Andrea at Anton.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

“Kayong dalawa, sigurado ako na kaya kayo naparito ay dahil nag-iibigan kayo.”

Nagkatinginan sina Andrea at Anton at pagkatapos ay tumango.

“Mabuti yan,” sabi ni Mang Ben. “Alam niyo kasi, napakalakas talaga ng kapangyarihan ng emosyon. Pag-ibig, katuwaan, galit, kalungkutan. Lalo na sa mga di-nakikitang nilalang.

“At hindi natin maiiwasan na talagang may mga nilalang na nahuhumaling sa mga tao.  Madalas ay naaakit sila sa kagandahan ng isang tao, o kaya naman ay sa kabutihang loob nito. Sa kasamaang palad, ang mga nilalang na ito ay talagang seloso at mapang-angkin kaya’t ayaw nilang may ibang nagkakagusto sa taong kinahuhumalingan nila.

“Pero huwag kayong mag-alala. Kung totoong nagmamahalan kayo, iyan ang inyong magiging proteksyon. Gagamitin natin ang lakas ng inyong pag-ibig laban sa pag-ibig ng nilalang sa iyo, Andrea. Pag-ibig laban sa pag-ibig. Kaya’t siguraduhin ninyong mas malakas ang inyong pag-ibig kaysa sa nararamdaman ng nilalang.

“Handa na ba kayo?”

Naghawak kamay si Andrea at Anton. “Handa na kami.”

Nagsimulang magdasal si Mang Ben habang hawak-hawak ang pulang tela. Hindi maintindihan ni Anton ang sinasabi ng albularyo ngunit sa tingin niya ay ito ay wikang Latin. Bigla-bigla ay humangin ng malakas. Nilipad ang mga dahon na nakapatong sa lamesa. Ngunit ang ipinagtataka ni Anton ay hindi naman gumagalaw ang mga dahon ng puno sa labas. Mukhang tanging sa loob lamang ng kubo mayroong malakas na hangin.  Patuloy lamang sa pagdarasal si Mang Ben.

Biglang tumayo si Andrea at sumigaw.

“Andrea!” bulalas ni Anton.

Para bang mayroong humihila sa dalaga. Hinigpitan ni Anton ang pagkakahawak sa kamay ni Andrea at hinila ito papalapit sa kanya. Ngunit sadyang malakas ang kung anong humihila sa babae.

“Ipakita niyo ang lakas ng inyong pag-ibig,” malakas na sabi ni Mang Ben.

“Hindi kami magpapatalo!” Tumayo si Anton at mahigpit na niyakap si Andrea. Mahigpit din siyang hinagkan ng dalaga. Lalong lumakas ang hangin sa loob ng kubo, halos liparin na ang mga gamit. Naramdaman ni Anton ang muling paghila sa dalaga ngunit pakiwari niya ay para bang nabawasan ang lakas nito.

“Lubayan mo na kami. Mas malakas ang pag-ibig namin sa iyo!”

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Walang anu-ano ay biglang tumigil ang malakas na hangin. Nawala na rin ang puwersang humihila kay Andrea. Dahan-dahan ay kumalas ang dalawa sa pagkakayakap.

“A-Anong nangyari?” tanong ni Andrea.

“Tapos na,” sagot ni Mang Ben na dahan-dahang tumayo.

“T-Talaga ho?” tanong ni Anton.

“Oo.”

Muling nagyakapan ang dalawa sa tuwa.

“Nagtagumpay kayo. Napatunayan niyo na mas malakas ang inyong pag-ibig kaysa sa pag-ibig ng nilalang na iyon.”

“Maraming salamat po, Mang Ben!”

“Wala iyon. Heto, tanggapin niyo ito.” Inabot ni Mang Ben ang hawak niyang pulang telang may lamang mga dinikdik na dahon. “Proteksyon iyan upang wala nang mahumaling na nilalang sa iyo.”

Nag-aalangan ngunit inabot ni Andrea ang pulang tela.

“Isuot mo lang lagi sa iyo yan. Po-proteksyunan ka niyan.” Kinuha ni Mang Ben ang isang bangkong natumba at pabagsak na naupo. Hinihingal ito na para bang pagod na pagod.

“Maraming salamat pong muli, Mang Ben.”

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

###

Sa unang pagkakataon ay nakalabas ang dalawa at nakapamasyal ng magkasama. Marami ang nagulat ng makitang walang nangyaring masama kay Anton.

Papauwi mula sa panonood ng sine, nakatayo ang magkatipan at naghihintay ng masasakyang jeep.

“Nag-enjoy ka ba, Andrea?”

“Oo, Anton. Maraming salamat, ha.”

“Wala yun. Basta para sa’yo, gagawin ko kahit ano.”

Walang anu-ano ay mayroong sumakal kay Anton mula sa likuran.

“Ano-“

Isang malamig na palad ang tumakip sa kanyang bibig. Naramdaman niya na tumusok sa kanyang pisngi ang matatalas na kuko nito, dahilan upang tumulo ang dugo sa kanyang leeg.

“H-Hinde!” mahinang sabi ni Andrea.

Anong nangyayari? may takot na tanong ni Anton sa sarili.

“Akala niyo ba mapapaalis niyo ako ng ganun-ganun lang?” Isang nakakatakot na boses ang nagmula sa kanyang likuran.

Sino ito?

“H-Hindi!” bulalas ng dalaga. “Hindi mo na dapat kami gagambalain. Natalo ka ng aming pag-ibig.”

Tumawa ng malakas ang lalaking nasa likuran ni Anton. Nakakakilabot ang tunog ng kanyang halakhak, parang galing sa ilalim ng lupa.

“Tinalo ng inyong pag-ibig ang aking pag-ibig?”

“O-Oo,” sagot ni Andrea.

Muling humalakhak ang nilalang. “Sino bang may sabing nahuhumaling ako sa’iyo?”

“A-Ano?” ang tanging nasabi ni Andrea.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

“Totoo. Kung pag-ibig laban sa pag-ibig, siguradong matatalo ako dahil mas malakas ang pag-iibigan ninyong dalawa. Ngunit hindi naman kita iniibig.”

Hindi maintindihan ni Anton ang mga nangyayari. Pumalpak ba ang orasyon ni Mang Ben?

“Galit ako sa’yo,” sabi ng nilalang kay Andrea. “Hindi kita iniibig, bagkus ay galit na galit ako sa’iyo. Kaya ko pinapatay lahat ng manliligaw mo ay dahil ayokong maging masaya ko. Gusto kong maramdaman mo ang walang katumbas na kalungkutan.”

“H-Hindi…”

“Kaya walang bisa ang seremonya ng magaling ninyong albularyo. Ang seremonyang iyon ay para lamang sa mga nilalang na nahuhumaling sa mga tao.

“Hindi ito tumalab sa akin dahil galit ang nararamdaman ko para sa’iyo.”

Gustong tumakbo ni Andrea ngunit hindi siya makagalaw. Hindi rin siya makasigaw upang humingi ng tulong.

“At ngayon, magpaalam ka na sa minamahal mo!” Itinulak ng malakas ng nilalang si Anton sa kalsada. Saktong mayroong dumaang 18-wheeler truck at sinalpok ang katawan ng binata. Tumilapon ang lalaki ng ilang metro. Wala na siyang buhay bago pa man siya bumagsak sa malamig na semento.

Dito nawalan ng malay si Andrea. Ngunit kahit wala ng ulirat ay naririnig pa rin niya ang nakakatakot at malakas na halakhak ng kanyang inaakalang “manliligaw.”

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Ang Manliligaw

Wow! Ang ganda niya!

Ito ang unang naisip ni Anton ng makita niya si Andrea. Fourth year high school na siya ngunit kinailangan niyang magtransfer sa isang public school dahil hindi na kaya ng kanyang mga magulang ang tuition fee sa pinapasukang private school. Sa una ay nanibago siya sa kapaligiran, palibhasa’y damuhan pa ang school field at marami sa mga estudyante ang hindi naka-uniporme at pawang nakatsinelas lamang. Buti na lamang at nakita niya si Jeric, na dati niyang kaklase noong elementary pa lamang siya. Si Jeric ang nagpakita sa kanya ng kalakaran sa isang public school.

“Jeric, sino yun?”

“Ha?” Sinundan ng tingin ni Jeric ang itinuturo ni Anton. “Sino ba?”

“Ayun. Yung babaeng nakaupo sa ilalim ng puno.”

Ilang segundo bago natagpuan ni Jeric ang itinuturo ng kaibigan. “Ahhh. Ayun ba? Si Andrea yun.”

“Andrea?” nakangiting sabi ni Anton.

“Oo. Bakit mo naman naitanong?”

“Eh, a-ang ganda niya noh!”

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Black Towers – Under Temporary Hiatus

Paunawa: Ang Black Towers series ay pansamantalang under hiatus. Itutuloy ko rin ang istoryang ito sa lalong madaling panahon. Pansamantala ay magpo-post muna ako ng mga short stories na aking naisulat.

Patuloy na bisitahin ang blog na ito para sa mga kahindik-hindik na kuwentong katatakutan!