PUREE BEAUTY CREAM AND SOAP

PUREE BEAUTY CREAM AND SOAP

ni Tristan Martin

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

LEGIT PUREE BEAUTY PRODUCTS!

Pampawala ng pimples!

Wrinkles!

Pampaputi!

Whiten underarms, siko, batok, all dark spots!

Puree is the only product that removes pimples, marks, wrinkles, even dark circles under the eyes and turn your skin white.

TRY IT AND SEE IMMEDIATE RESULTS!

P650 Only!

Agad na pinindot ni Julia ang Enter key ng keyboard para ma-post ang kanyang ad sa isang buy and sell page sa Facebook. Kasama nito ang ilang litrato ng mga customers na kuminis ang mga mukha, nawala ang mga pimples at skin discolorization, at kung anu-ano pang mga ‘di kaaya-ayang sakit sa balat. Lahat sila ay gumaling dahil sa produktong kanyang ibinebenta.

Mabilis na sumisikat ngayon ang kanyang mga beauty products dahil talagang effective ito. Sa ngayon nga ay napakarami niyang mga orders sa buong bansa. Malaki na rin ang kinita niya mula sa mga ito.

Noong isang taon lamang ay namomroblema din si Julia sa kanyang sandamakmak na taghiyawat. Pulang-pula ang kanyang mukha dahil sa dami ng mga pimples. Malalaki ang mga ito at ang iba ay masakit, namamaga. Halos sumuko na si Julia noon dahil nakailang derma clinics na ang kanyang binisita at maraming beauty products na ang kanyang sinubukan ngunit wala lahat epekto.

Isang gabing malakas ang ulan, mayroong kumatok sa kanyang pintuan. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya dahil nakita niya ang kanyang matandang kapitbahay, si Aling Mara. Ang alam niya ay matandang dalaga si Aling Mara at mag-isa lamang na nabubuhay sa maliit na bahay sa tapat ng apartment na inuupahan niya.

“A-Aling Mara,” sabi ni Julia. “May kailangan po ba kayo?”

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Pakiabot ng Bayad – Now Published in Librong Itim Volume 9

***

This story is now published by Precious Pages as LIBRONG ITIM VOLUME 9. Get it now to read the full story and read more of my other horror stories! 😀

***

 

Pakiabot ng Bayad

by Martin Tristan M. Carneo

 

“Para sa tabi!”

                Agad na tumabi ang jeepney at tumigil sa may kanto. Isang matabang ale na may dalang bayong na puno ng mga gulay ang dahan-dahang bumaba ng jeep. Sinundan ko lamang siya ng tingin, iniisip kung saan kaya siya pupunta. Pagkatapos ay agad na kumaripas ng takbo ang jeepney. Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga at muling ipikit ang aking mga mata.

                Mahaba pa ang biyahe ko. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong madilim na sa labas. Nasanay na rin ako. Matagal-tagal na rin akong bumabyahe ng ganito. Iginala ko ang aking mga mata at tiningnan ang mga kasakay ko. Halos lahat sila ay nakatungo at nakapikit. Siguradong pagod na rin sila tulad ko sa mahabang biyahe ngayong dis-oras ng gabing ito. May dalawang lalaking magkatabi ang parehas na nakalong-sleeves, ngunit nakatupi ang manggas hanggang siko. Sa tabi nila ay natutulog ang isang matandang lalake na may kalakihan ang pangangatawan. Sa tabi ko naman ay may isang babaeng hapit na hapit ang suot. Kitang-kita ko ang kanyang mapuputing hita. Ang mahabang buhok naman niya ay paminsan-minsang tumatama sa aking mukha. Mayroon ding dalawang kabataan, isang lalake at isang babae, na magkaakbay na parang walang pakialam sa mga tao sa paligid nila. Sa tapat ko naman ay isang lalaking nakasuot ng maong na jacket ang nakaupo. Ang kanyang mahabang buhok ay gulo-gulo at ang kanyang mga mata ay papikit-pikit. Yakap-yakap niya sa kanyang harapan ang isang itim na bag na kung susuriing mabuti ay parang wala namang laman.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Selfie

Selfie tayo!

Lumingon si Anabel sa kanyang kaliwa ngunit ang tanging nakita niya lamang ay ang kanyang mga kaklaseng abalang-abala sa pagkopya ng lecture na isinusulat ni Ms. Alejandro sa white board. Iginala niya ang kanyang mga matang namumugto at namumula.

“Please, tama na,” naibulong niya sa sarili.

Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa harapan ng silid-aralan. Sa kanyang kanang kamay ay mahigpit niyang hawak-hawak ang isang itim na ballpen ngunit wala naman siyang isinusulat. Sinubukan niyang basahin ang nakasulat sa white board ngunit hindi niya magawa. Para bang nanlalabo ang kanyang mga mata. Para bang nakalimutan niya kung paano ang magbasa.

Selfie tayo!

“Tama na!” Napatayo si Anabel. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakasabunot sa kanyang mahabang buhok ang kanyang dalawang kamay. Ang hawak niyang ballpen ay tumilamsik sa bandang likuran ng klase.

“Anabel? May problema ba?”

Ipagpatuloy ang pagbabasa