Stalker

“Hay, salamat! Uwian na rin!” bulalas ni Aimee. Itinaas niya ang dalawang kamay at nag-inat ng likod. Pagkatapos ay dinampot niya ang kanyang bag at mabilis na tumayo mula sa kanyang cubicle. Dire-diretso siya sa elevator at nakipagsiksikan sa mga kasamahan niyang nagmamadali ring umuwi.

Pag dating sa baba ay nakita niya si Bessie.

“Oy, Bessie! Tuloy tayo bukas, ha,” bati ni Aimee.

“No problem. Kailangan ko bang magdala ng kahit ano?”

“Naku, hindi na. Basta’t ang mahalaga, matapos natin yung proposal. Kundi, lagot na naman tayo kay Bossing.”

“Oo nga, ” sagot ni Bessie sabay tawa. “Sige, bukas na lang. Bye.”

“Ingat!”

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Huwag Kalimutang Isakay

“Pare, pasabay ha,” nakangiting sabi ni Alberto sabay mabilis na sumakay sa harapan ng jeep ni Kris.

“O, pare. Wala ka bang biyahe?”

“Coding ako ngayon. Heto pupunta lang ako sa talyer ni Manny. Kukunin ko yung pina-vulcanize ko.”

Mag-aalas tres na ngunit tirik pa rin ang araw sa kalangitan. Dahil dito ay kakaunti lamang ang mga taong nasa labas. Kakaunti rin lamang ang pasahero ni Kris. Limang tao lamang ang nakasakay sa kanyang jeep na labing-dalawahan.

“Kamusta naman si Misis? Okay lang ba kayo dun sa tinitirhan niyo?” tanong ni Kris.

“Ayos naman, pare. Salamat sa’yo at nakalipat kami dito. Salamat din at nakakuha ako ng prangkisa dito.”

Ilang minutong kuwentuhan ang lumipas ng mapansin ni Alberto ang isang lalaking tumatalon-talon sa di kalayuan. Mahaba ang gulu-gulong buhok nito at marungis ang kasuotan. Ang kanyang mukha, mga braso, at mga binti at paa ay nangingitim sa dumi.

Isang taong grasa.

Ipagpatuloy ang pagbabasa