Secret School Rules – Ang School Caretaker

Ang School Caretaker

ni Tristan Martin

PART 0 (List of Rules): https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/05/14/secret-school-rules/

PART 1 (Ako Lang Ba?): https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/07/01/ako-lang-ba/

Binuksan ni Kyle ang kanyang mga mata at tumitig sa kwadradong salamin na nakasabit sa isa sa mga poste sa loob ng CR ng caretaker’s room. Lumapit siya rito at idinilat nang mabuti ang mga mata, gamit ang dalawang kamay ay hinila niya pababa ang balat sa ilalim ng kanyang mga mata. Medyo namumula ang mga puti nito, ang mga ugat ay parang mga gumagapang na baging at sa pakiramdam niya, tumitibok-tibok ang mga ito na parang may sariling buhay.

Puyat na naman. Wala na namang tulog, nasabi niya sa sarili.

Tumungo siya at binuksan ang gripo sa maliit na puting lababo at sinahod ang tubig gamit ang mga palad. Pagkatapos ay yumuko siya at ihinilamos niya ang malamig na tubig sa kanyang mukha.

Tumayo siya at kinuha ang isang maliit na towel na nakasabit sa isang pako sa likuran ng pinto ng CR. Ipinunas niya ito sa kanyang mukha, idinampi-dampi na para bang nilalasap ang pakiramdam ng malambot na tela.

Matapos magbuntong-hininga ay lumabas na siya ng CR. Dumiretso siya sa “office” sa caretaker’s room. Isa lamang iyong maliit na silid, sa katunayan isang maliit na bahay kubo, na gawa sa mga tablang kahoy at yero. Ipinatayo ang kubong iyon two years ago upang may matirhan si Kyle. Dati, sa loob siya ng Main Building nag-o-opisina at umuuwi sa nirerentahang apartment ngunit dahil na rin sa insidenteng nangyari dalawang taon na ang nakararaan, kinailangan niyang manatili sa loob ng paaralan sa gabi. Dahil noong taon na iyon, nadagdag sa listahan ang rule number six.

Naupo si Kyle sa plastic na upuan sa likuran ng kanyang lamesa. Ang kanyang opisina, na itinuturing na rin niyang salas, ay binubuo ng isang kahoy na desk na nasa tapat ng pintuan, isang kulay pulang sofa sa gilid malapit sa bintana, at isang maliit na istante kung saan nakapatong ang isang lumang TV. Sa gabi, naglalatag na lamang siya ng kutson na ngayon ay nakarolyo sa loob ng kanyang aparador.

Tiningnan niya ang bilog na orasan na nakasabit sa pader sa kanyang kaliwa at nakita na alas siyete kuwarenta na. Siguradong nagdadatingan na ang mga estudyante. Kaagad niyang pinagsama-sama ang mga papel at folder na nasa ibabaw ng kanyang lamesa at inayos ito. Pagkatapos ay binuksan niya ang kanang drawer at inilagay ang mga papel sa loob. Isasara na niya sana ito nang biglang matigilan. Bahagya siyang yumuko at may sinilip sa loob.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Secret School Rules – Ako Lang Ba?

Ako Lang Ba?

ni Tristan Martin

PART 0 (List of Rules): https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/05/14/secret-school-rules/

Ako lang ba? Ako lang ba ang excited ngayong pasukan?! Ako lang ba ang naa-amaze sa C_________ Academy? Grabe, ang laki ng school na ito! Ang sosyal! Although, ang hirap ng entrance exam, ha! Buti nakapasa pa ako! Akala ko hindi na ako makakapag-transfer dito. Totoo ba na piling-pili lang ang nakakapasok dito? Teka, bakit wala nang bagong post sa page na’to? Hindi na ba active ito? Talagang hinanap ko kung merong Secret Page ang school natin, sayang naman kung hindi na ito active! Admin, buhay ka pa ba? Ahahahaha!

Pagkatapos mag-type sa kanyang cellphone, nakangiting pinindot ni Jessica ang Post button sa kanyang screen. Agad namang lumitaw ang kanyang post sa ibabaw ng page na C_________ Academy Secret Page and Confessions. Muli niya itong binasa, nakangiti at nakapalumbaba, ang kanang siko ay nakapatong sa ibabaw ng puting lamesa sa kanyang harapan. Hindi katulad ng sa mga public schools na gumagamit ng mga armchair, may kanya-kanyang desk at upuan ang bawat estudyante sa school na ito. At siyempre, aircon pa ang bawat classroom kaya’t ayos lang kay Jessica kahit pa long-sleeves ang uniform nila.

Kling!

Tumunog ang hawak na cellphone ng dalaga at isang maliit na Facebook icon ang sumulpot sa itaas na bahagi ng kanyang screen. Wala pa ang kanilang teacher kaya’t malaya siyang nakakagamit ng cellphone.

Uy, baka may nag-comment na! nasabi niya sa sarili.

Agad niyang pinindot ang notification icon at nakitang mayroon ngang nag-comment sa post niya, at ang username nito ay SecretBlade6. Ang profile picture nito ay isang kulay itim na parisukat lamang.

Oo! Ikaw lang! Ikaw lang kaya humanda ka! Ako ang admin at tama ka, hindi na ako buhay! Hindi na ako buhay!

Napakunot ang ulo ni Jessica sa nabasa.

Ano ba ‘to? Troll ‘ata ito? naisip niya.

Gumalaw ang kanang hinlalaki ng dalaga at madiing pinindot ang angry react sa bagong comment. Pagkatapos, mabilis na sumayaw ang kanyang daliri sa screen at nag-type ng mensahe.

Ano bang problema mo? Huwag ka na lang mag-comment kung wala kang matinong sasab-

Hindi na niya natapos ang pag-reply dahil sa kanyang paligid ay nakarinig siya ng mga bulung-bulungan. Itinaas niya ang kanyang tingin mula sa hawak na cellphone at iginala ang mata sa buong classroom.

“A-Anong nangyayari?” mahina niyang sabi.

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 5)

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 5)

 ni Martin Tristan M. Carneo

Read Part 1 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2019/11/12/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-1/ Read

Part 2 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/09/06/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-2/ Read

Part 3 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/10/30/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-3/ Read

Part 4 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/01/04/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-4/

(WARNING: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng maseselang eksena at paksa tulad ng sexual abuse at violence.)

Nakapanood ako ng balita sa TV kagabi roon sa karinderiang kinainan ko ng hapunan. Halos hindi na kasi ako nakakapanood dahil wala namang TV sa tinutuluyan ko. Grabe ang mga krimen na nangyayari ngayon, ano? Parang lalong dumadami ang patayan at pang-aabuso. Nakakaawa ang mga biktima dahil madalas, hindi sila nakakakuha ng hustisya. Naalala ko tuloy ‘yung nangyari sa akin isang beses na pumasada ako. Ayoko sanang i-kuwento ito dahil isa ito sa pinakanakakatakot at pinakanakaka-trauma na nangyari sa akin.

Medyo matagal-tagal na ring may na-ingkwentro akong kakaiba sa daan habang bumibiyahe kaya siguro nakampante ako at nakalimutan ang rules ng aming TODA. Nakalimutan ko ang tungkol sa rule number four.

Mga alas singko pasado na yata nang lumiko ako sa __________ Street. May service ako noon at kakahatid ko lang ng mga estudyanteng sundo ko sa mga bahay nila at papauwi na sana ako. Hindi pa naman talaga ako pagod kaya’t nang may makita akong isang dalaga sa tabi ng daan na pumapara, agad akong tumabi para isakay siya. Tutal, maaga pa naman.

“Sa’n ka, ‘te?”

“Manong, sa may ilog lang po ako,” malamya niyang sabi.

Kaagad naman akong tumango at hinayaang pumasok ang babae sa loob ng traysikel. Pagkatapos ay pinaandar ko na ang aking motor at tinungo ang kaisa-isang ilog dito sa aming barangay. Malapit iyon sa bilyaran na pag-aari ng mga De Castro, ang isa sa pinakamayayamang pamilya dito sa amin. Sa katunayan, maraming mga taga-rito ang nagsasabi na pag-aari ng pamilya De Castro ang mga lupain doon, kasama na ang ilog na ilang metro lamang ang layo sa malaking bahay ng pamilyang iyon. Kilalang-kilala ang pamilyang iyon dito sa ________. Sa pagkakatanda ko, isa sa mga kamag-anak nila ang naging dating presidente ng aming TODA noon.

Mga limang minuto ang nakalipas bago ko napagtanto ang aking pagkakamali. Nanigas ang aking katawan at napamura ako.

Oo nga pala, ang rule number four! sigaw ko sa aking isipan.

Kapag dumadaan sa ______ Street tuwing hapon, maaaring may pumara sa iyong babaeng naka-asul na bestida kapag wala kang pasahero. Tumigil ka at huwag na huwag siyang lalagpasan. Tanungin kung saan siya papunta.
Kapag sinabi niyang “sa bukid,”” isakay mo siya. Habang nasa loob siya ng traysikel, huwag na huwag mo siyang sisilipin. Pag dating sa bakanteng lote sa tapat ng ________, itabi mo ang iyong traysikel, pumikit, at bumusina ng tatlong beses. Maghintay ng tatlumpung segundo bago muling dumilat at patakbuhin ang iyong traysikel. Huwag na huwag mong hahanapin kung saan nagpunta ang babae.
Kapag sinabi niyang “sa ilog,” humingi ng pasensya at sabihin hindi ka na aabot doon dahil pauwi ka na. Pagkatapos ay mabilis na umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa iyong bahay. Huwag na huwag ka nang magbiyahe sa araw na iyon.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Pakiabot ng Bayad – Now Published in Librong Itim Volume 9

***

This story is now published by Precious Pages as LIBRONG ITIM VOLUME 9. Get it now to read the full story and read more of my other horror stories! 😀

***

 

Pakiabot ng Bayad

by Martin Tristan M. Carneo

 

“Para sa tabi!”

                Agad na tumabi ang jeepney at tumigil sa may kanto. Isang matabang ale na may dalang bayong na puno ng mga gulay ang dahan-dahang bumaba ng jeep. Sinundan ko lamang siya ng tingin, iniisip kung saan kaya siya pupunta. Pagkatapos ay agad na kumaripas ng takbo ang jeepney. Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga at muling ipikit ang aking mga mata.

                Mahaba pa ang biyahe ko. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong madilim na sa labas. Nasanay na rin ako. Matagal-tagal na rin akong bumabyahe ng ganito. Iginala ko ang aking mga mata at tiningnan ang mga kasakay ko. Halos lahat sila ay nakatungo at nakapikit. Siguradong pagod na rin sila tulad ko sa mahabang biyahe ngayong dis-oras ng gabing ito. May dalawang lalaking magkatabi ang parehas na nakalong-sleeves, ngunit nakatupi ang manggas hanggang siko. Sa tabi nila ay natutulog ang isang matandang lalake na may kalakihan ang pangangatawan. Sa tabi ko naman ay may isang babaeng hapit na hapit ang suot. Kitang-kita ko ang kanyang mapuputing hita. Ang mahabang buhok naman niya ay paminsan-minsang tumatama sa aking mukha. Mayroon ding dalawang kabataan, isang lalake at isang babae, na magkaakbay na parang walang pakialam sa mga tao sa paligid nila. Sa tapat ko naman ay isang lalaking nakasuot ng maong na jacket ang nakaupo. Ang kanyang mahabang buhok ay gulo-gulo at ang kanyang mga mata ay papikit-pikit. Yakap-yakap niya sa kanyang harapan ang isang itim na bag na kung susuriing mabuti ay parang wala namang laman.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Babaeng Baliw – Now Published in Librong Itim Volume 9

***

This story is now published by Precious Pages as LIBRONG ITIM VOLUME 9. Get it now to read the full story and read more of my other horror stories! 😀

***

 

“Ang sakit na ng paa ko,” mahinang sabi ni Hannah. Kanina pa siya nakatayo sa ilalim ng waiting shed, tinatanaw ang kalsadang halos walang sasakyang dumadaan. Muli niyang ipinadyak-padyak ang kanyang mga paa na nakasuot ng high heels na may tatlong pulgada ang taas.

     “Nag-strike ba ang mga drayber?”

     “Hoy!”

     Napalingon si Hannah sa kanyang likuran. Sa kabilang kanto ay nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng puting duster. Gulu-gulo ang buhok nito na para bang bagong gising. May kapayataan din ang babae, parang nakakatusok ang mga buto sa mga braso kapag iyong hinawakan. Kumakaway ang babae sa kanya.

     “Ako ba ang tinatawag nun?” Hindi ito pinansin ni Hannah at muling itinuon ang tingin sa maluwang na kalsada. “Nasaan na ba ang mga jeep?”

     “Hoy,” muling sigaw ng babaeng nakaputi mula sa kanyang likuran. Bahagyang ipinihit ni Hannah ang kanyang mga mata at sinilip ang babae mula sa gilid ng kanyang mga mata.

     Nagulat siya at napatalikod sa nakita.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Selfie

Selfie tayo!

Lumingon si Anabel sa kanyang kaliwa ngunit ang tanging nakita niya lamang ay ang kanyang mga kaklaseng abalang-abala sa pagkopya ng lecture na isinusulat ni Ms. Alejandro sa white board. Iginala niya ang kanyang mga matang namumugto at namumula.

“Please, tama na,” naibulong niya sa sarili.

Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa harapan ng silid-aralan. Sa kanyang kanang kamay ay mahigpit niyang hawak-hawak ang isang itim na ballpen ngunit wala naman siyang isinusulat. Sinubukan niyang basahin ang nakasulat sa white board ngunit hindi niya magawa. Para bang nanlalabo ang kanyang mga mata. Para bang nakalimutan niya kung paano ang magbasa.

Selfie tayo!

“Tama na!” Napatayo si Anabel. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakasabunot sa kanyang mahabang buhok ang kanyang dalawang kamay. Ang hawak niyang ballpen ay tumilamsik sa bandang likuran ng klase.

“Anabel? May problema ba?”

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Aplikante

“Saan po kayo?” tanong ng magandang receptionist kay Andrew.

“Sa 16th floor po.  Sa Super Call Center po,” magalang na sagot niya.

“Mag-iwan na lang kayo ng ID saka paki-sign na lang po dito,” sabi ng babae sabay abot ng Visitor’s Log kay Andrew.

Maraming tao ang nakatayo sa harap ng reception desk sa building na iyon sa Makati.  Lunes kasi kaya busy ang lahat ng mga tao.  Marami at iba-iba ang nilalakad.  At tulad ni Andrew, marami rin ang nagbabakasakaling makahanap ng trabaho.

“Nasa dulo po ang elevator lobby,” sabi ng receptionist kay Andrew matapos mag-abot ng isang ID.

Dahan-dahang naglakad si Andrew papunta sa elevator lobby.  Kumakabog ang dibdib niya sa kaba.  Ito kasi ang unang pagkakataon niyang mag-apply ng trabaho.  Tatlong buwan pa lang kasi ang nakakalipas ng grumaduweyt siya sa kolehiyo.  Engineering ang tinapos niya ngunit dahil wala namang alam na mapapasukan ay sinubukan niyang mag-apply sa call center.  May ilan kasi siyang mga kaklase na nakapasok sa mga call center at malaki daw ang suweldo.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Locker

Excited na excited si Lanie sa kanyang bagong trabaho sa call center.  Fresh graduate kasi siya at ito ang kanyang unang trabaho.  Maganda ang office nila, malaki at moderno ang mga kagamitan.  Natutuwa din siya sa mga kapwa niya trainees.  May mga galing na sa ibang call centers, may mga may edad na, at mayroon din naman katulad niya na unang sabak pa lamang sa mundo ng call center.

“Okay, guys,” sabi ng trainer nilang si Candy.  “We will assign you your respective lockers so you can leave your stuff there.  I trust you brought your padlocks like I said yesterday.”

Isang malakas na “Yes” ang pumuno sa loob ng training room, lalo na sa grupo ni Lanie na pawang mga baguhan.

“I’ll call out your name one-by-one and I’ll give you a paper where your locker number is written.  Proceed to the guard and show that paper to him.  He will open your locker for you.  Understood?”

“Yes, Candy!” malakas na sagot nilang lahat.

Ipagpatuloy ang pagbabasa