PUBLISHED – Librong Itim Volume 9

Magandang balita, mga mahal kong readers. After mahigit 10 taon na pagsusulat at pagshe-share ng mga kuwento ko sa blog na ito, nagkaroon din ako ng pagkakataon na mapublish ang mga akda ko. Sa ilalim po ng Librong Itim brand by Precious Pages, malapit na pong mabasa as a book ang pito sa mga istorya ko dito, sa LIBRONG ITIM VOLUME 9.

book00

Heto ang pito sa mga stories ko na kasama sa librong ito:

Ang Babaeng Baliw

Bakit Tawa nang Tawa ang Bungisngis

Huwag Kalimutang Isakay

Ang Pagbubuntis ni Glendang Manananggal

Ang Habilin

Pakiabot ng Bayad

Paulit-ulit

Kasama po ng pitong ito, mayroon pang TATLONG BAGONG-BAGONG KWENTO na hindi ko pa naipo-post dito. Tanging sa libro lamang po ninyo ito mababasa!

Sleep Paralysis sa Bus

Ang Guwardiya sa Dream Life Village

Kyaah! Pembarya!

 

Ang tatlong stories na ito ang ilan sa mga pinakanakakatakot at pinakapaborito ko sa mga short horror stories ko. Sana po ay magustuhan din po ninyo!

Sa mga readers ko po na regular na nagche-check ng blog na ito, sa mga nagcocomments sa mga istorya ko. maraming-maraming salamat po. Sana po ay suportahan ninyo ang aking first published book kung paano po ninyo sinuportahan ang blog kong ito. Pinapangako ko na patuloy akong magsusulat ng mga katatakutan para sa inyo!

Muli, maraming-maraming salamat po. Sabay-sabay po nating abangan ang nalalapit na release ng LIBRONG ITIM VOLUME 9.

Hypebeasts: Generation Z

HYPEBEASTS: GENERATION Z
ni Tristan Martin

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Nandiyan na naman sila, gustong pumasok sa mall. Binarikadahan na namin ang lahat ng entrance ngunit patuloy lang sila sa pagkalampag, nagpupumilit na makapasok. Wala akong magawa kundi ang pagmasdan sila mula sa second floor ng mall. Bilog na naman kasi ang buwan kaya’t napakaagresibo nila.

Mga hypebeast zombies.

Napakarami nilang nagtipon sa harap ng mall. Makukulay ang mga suot nila, makikintab. Ang ilan ay sumasayaw-sayaw, parang mga tanga. Ang ilan naman ay nag-aaway, nagsusuntukan.

 

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Hindi ko na maalala kung paano nagsimula ang lahat ng ito. Mayroong mga senyales ngunit wala namang pumansin. Nagsimula sa kakaibang pananamit ng mga kabataan. Pagkatapos ay nagsalita sila nang pabaliktad. Hanggang sa nawalan na ng pag-asa at pangarap ang mga kabataan at mas pinili ang pumorma na lamang at tumambay. Lahat ng ito ay ipinagsawalang-bahala ng lahat, pinagtawanan pa nga.

Hanggang lumipas ang mga buwan at tuluyan na silang napraning, mistulang mababangis na hayop na nilamon na ng rabies ang utak. Hindi na sila makausap ng matino. Lagi silang nanggugulo at sa di maipaliwanag na kadahilanan ay gustong-gusto nilang magtipon-tipon sa mga malls at sa mga pampublikong parke. At ang malala pa ay kapag nakagat ka nila, magiging hypebeast zombie ka na rin.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Walang maisagot ang mga siyentipiko sa kababalaghang ito. Ang tanging natuklasan lamang nila ay lalong nagiging agresibo ang mga hypebeast zombies kapag bilog ang buwan. Isang teyorya ang nagsasabi na ang gravity ng buwan ang may kagagawan ng pagkabaliw ng mga hypebeasts. Ang gravity daw kasi ng buwan ay humihila sa mga tubig dito sa lupa, kung kaya’t nagkakaroon ng mga high tides at low tides. Paano pa kaya tayong mga tao na malaking bahagi ng komposisyon ng ating katawan ay tubig? Siguradong naaapektuhan din daw tayo ng gravity ng buwan. Kaya daw ang mga tayo ay nag-iiba ang ugali kapag bilog ang buwan.

Paano pa raw ang mga hypebeast, gayong ang kanilang mga utak ay sabaw lamang, puro tubig. Sa patuloy na impluwensya at paghila ng pwersa ng gravity ng buwan sa kanilang mga utak ay nag-iba na ito ng anyo. Kaya’t nagmistula silang mga mababangis na hayop. Tinawag silang mga Hypebeasts: Generation Z ng mga siyentipiko.

“Hoy, Alan! Tulungan mo nga kami. Barikadahan pa natin yung entrance!”

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Bert. Isa siya sa mga kasama kong na-trap dito sa loob ng mall.

“Oo, na. Saglit lang.” Dinampot ko ang isang baseball bat sa aking tabi at napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa kami dito. Hindi ko alam kung may tulong bang darating. Madalas tuloy ay parang gusto ko ng sumuko. Huwag na lang lumaban at sabihing…

“Hayaan mo sila…”

 

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

 

NOTE: Pasensya na sa mga hypebeasts! Joke lang po ang kwentong ito! Huwag po sana kayong magalit at mangagat! 😀