NEW PROJECT: English Horror Stories

Matagal-tagal na rin akong nagsusulat at marami-rami na rin ang mga kuwentong naibahagi ko dito sa blog ko, sa Wattpad, at sa Facebook. Pero lahat ng mga akda ko ay puro Tagalog. Kaya’t naisipan ko na siguro ay panahon na upang magsulat naman ng mga horror stories sa wikang Ingles. Kung tutuusin, ang mga paborito kong horror novels ay mga English novels. And napakarami ko na ring mga nabasang English novels, hindi lang mga horror. May mystery, detective stories, fantasy, science fiction, romance, and non-fiction.

Hindi naman sa nagmamalaki ako ngunit marunong naman akong mag-English (lalo na kapag nagco-comment sa mga Facebook posts!!! :D). Hindi ko palang talaga nasusubukang magsulat ng isang kuwentong horror sa wikeng Ingles. Nakapagsulat na naman ako ng ilang mga essays ngunit wala pa talagang fiction. Medyo mahirap din talaga kasi magsulat lalo na’t ang setting, characters, at theme, ay Filipino pa rin. May mga nabasa na akong mga Pinoy horror stories in English, and aaminin ko, kaunti lamang ang nagustuhan ko. Maganda naman ang story, pero parang iba talaga ang tunog, pakiramdam, at flow kapag Pinoy ang nagsulat. Madalas kasi sa mga nababasa ko, parang malalalim na salita pa ang ginagamit nila. Para tuloy nakakabasag ng suspension of disbelief. Hindi katulad sa mga popular horror novels (hindi ‘yung mga literary novels, ah), talagang very simple language ang ginagamit. Hindi wordy, at hindi masyadong mabulaklak. Ewan ko kung ako lang ang ganito.

So, tingnan natin. Sana ay makapagsulat ako ng mga English horror stories (may publisher kasi na interested na mag-publish ng mga stories ko in English).

Oo nga pala! Baka meron kayong recommendations na magandang basahing horror novel or short story written by Pinoys. Kahit sa Wattpad or sa mga blog lang.

Thanks!

My Story in Librong Itim!

librongitim-lowres.jpg

(Picture from https://librongitim.wordpress.com/)

Good news! Ang isa sa mga short stories na sinubmit ko para sa anthology book na Librong Itim ay pasok! Sa wakas, may maisasalibro ding akda ko, kahit maikling kwento lamang. Hindi ko alam kung kelan mare-release ang next volume (Volume 6 ata?). Sana ay tuluy-tuloy na ito.

Mga two months ago ay nanalo naman ako sa manga story writing contest ng Black Ink. Hindi ko nga alam kung paano ako nanalo. Napahaba kasi yung story ko noong sinusulat ko, eh, meron silang max word count na 2,000 words. Mahigit 3.000 words yung entry ko kaya madami talaga akong tinanggal kaya parang sabi ko malabo na ang manalo. Kaya sobrang nasurprise talaga ako! Fantasy yung genre ng story na ‘yun, hindi horror. Siguro baka next year mapublish na ‘yun as manga!

manga.jpg

Sana din matuloy ‘yung book ng compilation ng mga short stories ko! At sana… sana… sana manalo ako sa 6/58 Lotto!

Mga mahal kong mambabasa, sana po ay tulungan at suportahan ninyo ako. Kahit medyo bumabagal ang pag-post ko ng mga stories (pasensya na po, busy po sa maraming bagay!), patuloy pa rin kayo sa pagbisita at pagbabasa ng mga kuwento dito. Maraming salamat din po sa mga comments na nag-e-encourage sa akin na magpatuloy magsulat. Ilang beses na din ako sumukong magsulat dahil pakiramdam ko ay wala namang nakaka-appreciate pero bumabalik pa rin ako dahil sa mga comments niyo! Kahit yung mga nagrereklamo na bitin daw ang mga kuwento ko o kaya ay hindi nila maintindihan, mas naeencourage po ako na pagbutihin pa ang pagsusulat dahil sa inyo para naman next time, maintindihan niyo na, ahahaha!

Sana po ay suportahan ninyo ang mga stories ko na mapu-publish. At siyempre, suportahan natin ang lahat ng mga akda at librong sinulat ng mga Pinoy!

(Huwag na mag-away ang mga fans ng mga authors!)

 

Huwag Kalimutang Isakay – Now Published in Librong Itim Volume 9

***

This story is now published by Precious Pages as LIBRONG ITIM VOLUME 9. Get it now to read the full story and read more of my other horror stories! 😀

***

 

“Pare, pasabay ha,” nakangiting sabi ni Alberto sabay mabilis na sumakay sa harapan ng jeep ni Kris.

“O, pare. Wala ka bang biyahe?”

“Coding ako ngayon. Heto pupunta lang ako sa talyer ni Manny. Kukunin ko yung pina-vulcanize ko.”

Mag-aalas tres na ngunit tirik pa rin ang araw sa kalangitan. Dahil dito ay kakaunti lamang ang mga taong nasa labas. Kakaunti rin lamang ang pasahero ni Kris. Limang tao lamang ang nakasakay sa kanyang jeep na labing-dalawahan.

“Kamusta naman si Misis? Okay lang ba kayo dun sa tinitirhan niyo?” tanong ni Kris.

“Ayos naman, pare. Salamat sa’yo at nakalipat kami dito. Salamat din at nakakuha ako ng prangkisa dito.”

Ilang minutong kuwentuhan ang lumipas ng mapansin ni Alberto ang isang lalaking tumatalon-talon sa di kalayuan. Mahaba ang gulu-gulong buhok nito at marungis ang kasuotan. Ang kanyang mukha, mga braso, at mga binti at paa ay nangingitim sa dumi.

Isang taong grasa.

Ipagpatuloy ang pagbabasa