“Nikki, samahan mo naman akong mag-CR.”
Lumingon si Nikki mula sa pagkakatitig sa kanyang blankong monitor patungo sa direksyon na pinagmulan ng boses. Nakita niyang nakatayo sa likod niya sa Abigail.
“Samahan mo naman ako mag-CR,” pag-uulit ni Abigail.
“Sus!” nakangiting sabi ni Nikki, “Bakit naman kasi kailangan pang may kasama sa pag-C-CR?”
“Ganon talaga,” sagot ni Abigail. “Saka, wala ka namang call eh. Samahan mo na muna ako.”
“Oh sige, sige,” natatatawa lang si Nikki habang ni-lo-log-out ang kanyang PC. Pagtayo niya ay iginala niya ang kanyang paningin sa call center floor. Team na lang nila ang natitirang nag-ca-calls at bakante na ang karamihan ng mga stations. Sila kasi ang kahuli-hulihang team na umuuwi. Closer, kung baga. Buti na lang at kaunti na rin lang ang calls na pumapasok kaya halos nagre-relax lang silang lahat.
Sa loob ay abala ang magkaibigan sa pagre-retouch sa harap ng salamin. Silang dalawa lang ang tao sa CR.
“Alam mo, napapansin ko na tuwing may mag-C-CR sa atin, palaging naghahanap ng kasama,” biglang sabi ni Nikki habang nagpupulbo ng mukha. “Kahit si boss laging nagyayaya ng kasama pag mag-C-CR.”
(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)
Ipagpatuloy ang pagbabasa