NOTE to Narrators at sa mga Gusto Gamitin ang Stories ko Dito sa Blog

Kung kayo po ay narrator o nais gamitin ang aking story dito sa aking blog, narito po ang aking guidelines.

1. Magpaalam AT kumuha ng permiso. Magkaibang bagay po iyon. Mayroong mga nagpapaalam nga tapos gagawan na ng narration ang story ko na hindi pa ako nagbibigay ng permiso. Hintayin niyo po na ibigay ko ang permiso. At kung hindi ko ibibigay, huwag naman kayo magalit. Kaya nga kayo nagpapaalam, ‘di ba? Kasi, baka hindi pumayag. At kung hihingi kayo ng permiso, mas maganda sa FB page ko na lang kaysa dito dahil hindi ko ito masyadong nabibisita. I-like niyo na rin ang page ko at magsubscribe sa YouTube channel ko, hihingi kayo ng permiso hindi naman pala kayo nakasubscribe! XD

FB: Tristan Martin Writes (https://www.facebook.com/tristanmartinwrites)

YouTube: MTC Animation (https://www.youtube.com/MTCAnimation)

2. Kung gagamitin sa narration, pakilagay po ang inyong channel para makita ko rin naman ang pinaghirapan niyo. Ipo-promote pa natin ‘yan sa page ko.

3. Paki-specify po kung anong kwento ang nais niyong hingan ng permiso. Per story po ang pagbibigay ko ng permission.

4. Sa mga readers, huwag niyong kukunin ang anumang story ko dito at ipapadala niyo sa mga paborito niyong narrators. Hindi ko po ina-allow ang sinuman na i-send ang mga stories ko kung kanino man, kahit pa ilagay niyo ang pangalan ko o i-credit ako. Siyempre, napakalaking hindi pwede na ilagay niyo ang pangalan niyo na kayo ang manunulat o talagang tanggalin na nang tuluyan ang pangalan ko sa kwento.

5. Ang mga kwento rito ay ibinahahi ko nang libre, at libreng mababasa ng mga visitors (maliban sa mga published works ko, siyempre, bibilhin niyo ‘yung libro, para na rin suporta sa akin :D). Sa mga narrators, hindi po ako nangre-require na bayaran niyo ako para ma-narrate ang kwento ko, pero hindi ko po maibibigay sa inyo ang exclusiveness o tanging kayo lang ang makaka-narrate ng kuwento ko. Pwede ring ma-narrate iyon ng iba, basta’t nagpaalam sa akin at binigyan ko ng permiso. Kung gusto niyo na maging exclusive sa inyo ang kwento, i-message niyo po ako sa aking FB page para mapag-usapan natin. Usually po kasi, may fee para sa author o writer kapag ganoon ang setup.

5. Kung gagamitin sa school as project, pakibigay na lang po ng details kung paano gagamitin. Gagawin bang short film, dula, reaction paper, o anuman. Minsan kasi napapaisip ako bakit ang mga kwento ko ang gagamitin sa school. Noong nag-aaral naman ako, hindi naman ako gumamit ng mga horror stories (sorry na, matagal na akong nag-aral at wala pang internet noon, ahahahaha!).

6. Siyempre, give proper credits. Lagay niyo po na ang author o writer ay ako (Tristan Martin) at ilagay niyo rin kung saan niyo kinuha ang kwento (kuwentonghorror.wordpress.com).

Maraming salamat po sa pagbabasa.

STOP Plagiarism!

Medyo hindi na ako gaano nakakapagsulat at nakakapagpost ng mga stories dito pero hindi ibig sabihin noon ay patay na ang blog na ito at pwedeng-pwede niyo na kunin ang mga kwento ko nang walang paalam. Ang mas masaklap pa, may ibang inaakin pa talaga ang mga akda ko at inilalagay ang kanilang pangalan bilang writer.

Mali po iyan! Plagiarism po iyan! Itigil niyo na po iyan!

https://andragogytheory.com/2016/01/18/criminal-justice-scholar-plagiarism-avoidance-strategies/

NEW PROJECT: English Horror Stories

Matagal-tagal na rin akong nagsusulat at marami-rami na rin ang mga kuwentong naibahagi ko dito sa blog ko, sa Wattpad, at sa Facebook. Pero lahat ng mga akda ko ay puro Tagalog. Kaya’t naisipan ko na siguro ay panahon na upang magsulat naman ng mga horror stories sa wikang Ingles. Kung tutuusin, ang mga paborito kong horror novels ay mga English novels. And napakarami ko na ring mga nabasang English novels, hindi lang mga horror. May mystery, detective stories, fantasy, science fiction, romance, and non-fiction.

Hindi naman sa nagmamalaki ako ngunit marunong naman akong mag-English (lalo na kapag nagco-comment sa mga Facebook posts!!! :D). Hindi ko palang talaga nasusubukang magsulat ng isang kuwentong horror sa wikeng Ingles. Nakapagsulat na naman ako ng ilang mga essays ngunit wala pa talagang fiction. Medyo mahirap din talaga kasi magsulat lalo na’t ang setting, characters, at theme, ay Filipino pa rin. May mga nabasa na akong mga Pinoy horror stories in English, and aaminin ko, kaunti lamang ang nagustuhan ko. Maganda naman ang story, pero parang iba talaga ang tunog, pakiramdam, at flow kapag Pinoy ang nagsulat. Madalas kasi sa mga nababasa ko, parang malalalim na salita pa ang ginagamit nila. Para tuloy nakakabasag ng suspension of disbelief. Hindi katulad sa mga popular horror novels (hindi ‘yung mga literary novels, ah), talagang very simple language ang ginagamit. Hindi wordy, at hindi masyadong mabulaklak. Ewan ko kung ako lang ang ganito.

So, tingnan natin. Sana ay makapagsulat ako ng mga English horror stories (may publisher kasi na interested na mag-publish ng mga stories ko in English).

Oo nga pala! Baka meron kayong recommendations na magandang basahing horror novel or short story written by Pinoys. Kahit sa Wattpad or sa mga blog lang.

Thanks!

Hindi na Nakakatakot ang mga Horror Movies

(Note: Isa na naman po ito sa mga naisulat ko na hindi naman talaga horror story although may temang horror. Share ko lang sana)

Hindi na Nakakatakot ang mga Horror Movies
ni Tristan Martin
10/29/2018 7:30PM

Ako? Mahilig akong manood ng mga horror movies!

Pero bakit ganoon? Bakit hindi na nakakatakot ang mga horror movies? Kung dati-rati’y hindi ko kayang manood ng horror nang mag-isa, palagi akong pumipikit at nagtatakip ng mga mata, at nagtatago pa nga sa likuran mo kapag mayroong mga eksenang katatakutan, bakit ngayon ay parang wala na lang? Parang hindi na bumibilis ang tibok ng aking puso kapag ang bida ay nasa isang madilim na lugar, hindi na ako nagugulat sa mga malalakas na tunog at biglaang panggulat, hindi na ako kinikilabutan kapag nakakita ng nakakatakot na multo, halimaw, o duguang mga katawan. Hindi na rin ako nahihirapang matulog sa gabi pagkatapos manood ng isang nakakatakot na pelikula.

Oo, naalala ko pa nga. Madalas tayong manood ng mga pelikulang nakakatakot kapag dis-oras na nang gabi. Tahimik na ang buong paligid, wala ng ingay sa kalsada. Pinapatay pa natin ang ilaw para mas lalo nating maramdaman ang kaba, habang nginangata natin ang mga sitsiryang binili natin sa tindahan. Lagi tayong magkatabi sa sofang malambot at mahaba, para madali tayong sumiksik at yumakap sa isa’t isa kapag nandiyan na ang mga nakakatakot na tagpo. Madalas ay sabay pa tayong nagugulat, napapaigtad tayo sa ating kinauupuan at napapatadyak sa malamig na hangin. Sabay tayong tatawa, mag-aasaran kung sino sa atin ang mas natakot, ang mas nagulat. Pagkatapos ay muling magdidikit ang ating katawan, kampante na kahit nakakatakot ang palabas ay nasa tabi natin ang isa’t isa.

Hindi ko na nga alam kung ilang pelikulang nakakatakot ang napanood natin. Mapa-Hollywood, Japanese, Korean, Thailand, Chinese, Tagalog, at kung anu-ano pa. Marami tayong nagustuhan, marami tayong pinagtawanan. Maraming mga istoryang magulo, hindi natin naintindihan, pinag-usapan at pinagdebatihan. May mga pelikula tayong inulit-ulit, may mga pelikulang nalimot na. Marami tayong naging paborito. Marami ang nagdulot sa atin ng takot at kaba.

Hindi ko alam na pati pala ang takot na dala ng mga horror movies ay may hangganan din.

Nanood ako noong isang araw ng isang sikat na horror. Ngunit ibang-iba na. Hindi na ako natakot. Hindi na ako kinabahan. Hindi na ako pumikit o nagtakip ng aking mga mata. Hindi na rin ako nagtago sa likuran mo.

Mag-isa na lang kasi akong nanood. Wala ka na sa aking tabi.

Hindi naman pala nakakatakot manood ng horror nang mag-isa. Hindi naman pala nakakakaba ang mga eksena kung saan hinahabol ang bida ng isang malupit na multo o mamatay tao. Hindi naman pala nakakagulat kapag may biglang sumulpot na kamay o mukha sa harapan ng camera.

Hindi na nakakatakot ang mga horror movies dahil naranasan ko na ang pinakakinatatakutan ko.

Ang mawala ka.

Ako? Hindi ako mahilig manood ng horror movies…

Private Psychopomp Agency Available Now!

psychopomp

Please check out this comic book that I’ve written, which was the winner in Black Ink’s Beyond Words 2018 Manga Short Story Writing Contest. You can buy it at your nearest Precious Pages Bookstore. You can also order online at

https://preciousshop.com.ph/products/black-ink/bic00158-private-psychopomp-agency/

Many, many thanks!

**Medyo delayed daw ang delivery sa mga bookstore so hintay-hintay lang konti 😀

 

 

Private Psychopomp Agency – Available Soon!

Ooooh!  Malapit na palang marelease itong manga na ito from Black Ink!

Private Psychopomp Agency

Eto po ang entry ko sa kanilang Beyond Words Manga Writing Contest. At pinalad naman na nanalo ako. Akala ko mga next year pa ito matatapos pero pwede na natin siyang mabili, malapit na!

Sana po ay suportahan niyo ang manga na ito, at siyempre lahat ng manga ng Black Ink. Sana ay magustuhan ninyo ang simpleng istorya na ibabahagi ko dito.

Maraming, maraming salamat po!

psychopomp

My Story in Librong Itim!

librongitim-lowres.jpg

(Picture from https://librongitim.wordpress.com/)

Good news! Ang isa sa mga short stories na sinubmit ko para sa anthology book na Librong Itim ay pasok! Sa wakas, may maisasalibro ding akda ko, kahit maikling kwento lamang. Hindi ko alam kung kelan mare-release ang next volume (Volume 6 ata?). Sana ay tuluy-tuloy na ito.

Mga two months ago ay nanalo naman ako sa manga story writing contest ng Black Ink. Hindi ko nga alam kung paano ako nanalo. Napahaba kasi yung story ko noong sinusulat ko, eh, meron silang max word count na 2,000 words. Mahigit 3.000 words yung entry ko kaya madami talaga akong tinanggal kaya parang sabi ko malabo na ang manalo. Kaya sobrang nasurprise talaga ako! Fantasy yung genre ng story na ‘yun, hindi horror. Siguro baka next year mapublish na ‘yun as manga!

manga.jpg

Sana din matuloy ‘yung book ng compilation ng mga short stories ko! At sana… sana… sana manalo ako sa 6/58 Lotto!

Mga mahal kong mambabasa, sana po ay tulungan at suportahan ninyo ako. Kahit medyo bumabagal ang pag-post ko ng mga stories (pasensya na po, busy po sa maraming bagay!), patuloy pa rin kayo sa pagbisita at pagbabasa ng mga kuwento dito. Maraming salamat din po sa mga comments na nag-e-encourage sa akin na magpatuloy magsulat. Ilang beses na din ako sumukong magsulat dahil pakiramdam ko ay wala namang nakaka-appreciate pero bumabalik pa rin ako dahil sa mga comments niyo! Kahit yung mga nagrereklamo na bitin daw ang mga kuwento ko o kaya ay hindi nila maintindihan, mas naeencourage po ako na pagbutihin pa ang pagsusulat dahil sa inyo para naman next time, maintindihan niyo na, ahahaha!

Sana po ay suportahan ninyo ang mga stories ko na mapu-publish. At siyempre, suportahan natin ang lahat ng mga akda at librong sinulat ng mga Pinoy!

(Huwag na mag-away ang mga fans ng mga authors!)