PERPEKTO ANG GIRLFRIEND KO, BASTA SUSUNDIN MO LANG ANG KANYANG MGA “RULES”

PERPEKTO ANG GIRLFRIEND KO, BASTA SUSUNDIN MO LANG ANG KANYANG MGA “RULES”
ni Tristan Martin

Ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa buong mundo. Napaka-perpekto kasi ng girlfriend ko. Kung baga, wala na akong hahanapin pa. Napakaganda niya, sexy, sobrang bait, may sense of humor, matalino, at napakarami pang iba. Kung ililista ko lahat ng mga katangian niya, tiyak aabutin tayo ng year 2025! Madalas ko ngang kinukurot at sinasampal ang mukha ko para masiguradong hindi ako nananaginip.

Apat na taon na kami ng aking mahal na nobya. Noong niligawan ko siya, lahat ng mga kaibigan at kapitbahay ko sinabihan ako na huwag ko na raw ituloy dahil bad news daw siya at mapapariwara lamang ako kapag naging kami. Na may “something” daw ang pamilya nila sa probinsya. Bagong lipat lang ako sa lugar na iyon at mag-a-anim na buwan pa lamang doon nang makilala ko ang nobya ko. Hindi ako nakinig sa mga sinasabi nila, mga tsismoso at mga tsimosa, at itinuloy ang panliligaw. Hindi nagtagal, sinagot din niya ako at talagang sobrang ligaya ko simula noon. Lahat ng mga nagsabing mapapariwara raw ako, hindi ko na sila mga kaibigan ngayon.

Last year lang, nagsimula na kaming mag-live in. Kumuha kami ng condo sa Taguig at talagang sobrang saya namin. Halos wala kaming problema, wala kaming anumang away. At siyempre, dahil iyon sa sinusunod ko ang mga special rules.

Well, wala naman talaga siyang special rules para sa akin. Kung ano ang gusto at ayaw ng mga pangkaraniwang babae sa kanilang nobyo, ganoon din naman siya. Sa totoo lang, mas maluwag pa siya sa ibang mga naging girlfriend ko dati. Understanding siya, hindi demanding. Kaya mahal na mahal ko siya!

Ipagpatuloy ang pagbabasa

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 1)

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 1)
ni Martin Tristan M. Carneo
 
Mag-iisang taon na akong traysikel drayber dito sa ______, Cavite. Nagsimula ako last year nang mabili ko sa kapitbahay namin ang kanyang traysikel. Kasabay ng paglipat ng prangkisa sa aking pangalan, pa-simple rin niya akong inabutan ng kapirasong papel at pagkatapos ay nagmamadali siyang umalis. Uuwi na kasi siya ng probinsya dahil lalagay na siya sa tahimik. Nang mabasa ko ang nakasulat sa papel, hindi ko malaman kung matatawa o mapapakamot na lamang ako ng ulo.
 
“Ginu-good time ‘ata ako nito, ah?” sabi ko sa sarili. “Gusto pa akong takutin!”
 
Narito ang nakasulat sa papel na ibinigay niya sa akin.

Ipagpatuloy ang pagbabasa