Anak Daw ng Mangkukulam – Kwentong Katatakutan True Horror Stories Animation Episode 2

Narito na po ang Episode 2 ng ating Animated True Horror Stories series na Kwentong Katatakutan.

“Anak Daw ng Mangkukulam”

Ano ang gagawin mo kung may narinig kang mga bulung-bulungan na anak daw ng isang mangkukulam ang iyong kaklase. Maniniwala ka ba? Matatakot? O ipagwawalang-bahala lamang ito? Narito ang karanasan ni Horror_Enthusiast_93 noong grade six pa lamang siya tungkol sa kanyang kaklase na nabansagang anak ng isang mangkukulam…

Sana po ay mapanood niyo!

Sabi Nila Animated Horror

Magandang araw po! Sa mga masugid na tagabasa ng mga kwento ko sa blog na ito, meron na po kayong bagong susubaybayan. Gumawa po ako ng animated horror series na pinamagatang “Sabi Nila – Pinoy Horror Stories”. Pwede niyo na pong mapanood sa Youtube ang episode 1. Sana po ay magustuhan ninyo kahit baguhan lang ako sa pagdrawing at animation (mouse lang pangdrawing ko). Saka hindi po kagandahan ang boses ko, ahahaha!

Narito po ang link sa episode 1. Sana po ay makasubscribe din po kayo bilang pagpapakita ng suporta. Maraming salamat po!

Sabi Nila – Pinoy Horror Animation

Magandang araw po sa inyong lahat. Hindi niyo po alam, matagal ko nang binabalak na gumawa ng isang horror animation channel sa Youtube. Isa iyon sa mga goals at pangarap ko. At ikinagagalak kong sabihin na malapit na po itong matupad. Sana po ay abangan ninyo ang mga kuwentong katatakutan na galing sa aking malikot na imahinasyon bilang animation. Pinaghirapan ko po ito dahil ako rin po ang nag-drawing, nag-animate, at nagboses sa mga karakter. Hindi naman po ako ganoon kagaling sa pagguhit at aaminin kong pangit ang boses ko kaya’t sana’y mapagpasensyahan ninyo!

Anyways, heto po ang magiging intro ng aking horror animation channel, ang Sabi Nila – Pinoy Horror Animation. Pwede na rin po kayong mag-subscribe para makita niyo kaagad kapag na-upload ko na ang Episode 1 (promise, malapit na!)

Manananggal Challenge

Manananggal Challenge

by Tristan Martin

(Note: This is my first finished English story. This was actually written last April 2019 for a planned anthology that unfortunately, didn’t push through. So I’ve decided to share this here. Feedback, anyone?”)

According to the news, Sheila was the 36th victim. To be brutally honest though, I don’t really care about the others. I only care about Sheila. She was my only daughter. She was only 14 years old.

The nurse found her around two in the morning during her rounds. I was outside at that time, in front of the hospital entrance, drinking terrible coffee that I got from the vending machine. The security guard was telling me something, some crazy government conspiracy theory, but I wasn’t listening. I was thinking about my Sheila. How this was just a dream – no, an awful nightmare. And that anytime now, I will wake up on my bed, probably late for work, with everything back to normal. Sheila will come in to my room in her school uniform, telling me to get up already, scolding me for being a lazy-ass father.

But I didn’t wake up. It wasn’t a dream.

When I first heard about it, I thought that the world had really gone crazy. They called it the Manananggal Challenge, which sounds ridiculous to say the least. I mean, who in their right mind would create an Internet challenge and call it after a decapitated flying monster with bat-like wings? Yes, I know that there were some insane and downright dangerous Internet challenges that became viral before but this one was on a whole different level. The challenge asks you to slice yourself on the waist, just like a manananggal. It claimed that once you have successfully cut yourself into two, you will then be reborn and grow these massive and beautiful wings that will enable you to fly into the skies. It will set you free, it said.

 I laughed out loud when I saw it on Facebook, dismissing it as a joke started by trolls, convinced that no one would actually do something like that for the sake of likes or views.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

Ang Pulang Doorbell

Ang Pulang Doorbell

ni Tristan Martin

 

“Hoy, Alvin! Ikaw na,” malakas na sabi ng batang si Homer.

“Ha? Bakit ako?” tanong ni Alvin.

Mabilis na binatukan ni Homer ang kaibigan.

“Nagtatanong ka pa?” sigaw ni Homer. “Basta’t sumunod ka na lang!”

Sabay-sabay na nagtawanan ang kanilang mga kalaro.

Walang nagawa ang labing-isang taong gulang na si Alvin kundi kamutin ang ulo kung saan siya binatukan. Magkasing-edad lamang sila ng kaibigan ngunit ‘di hamak na mas matangkad ito sa kanya. Wala tuloy siyang magawa tuwing uutusan siya ni Homer o kaya’y sasaktan.

“Oo na, sige na,” sagot ni Alvin sabay buntong-hininga. “Kaninong doorbell ba ang pipindutin ko?”

Ngumisi si Homer. Lumapit siya kay Alvin at inakbayan ito.

“‘Ayun,” sabi ng batang lalaki sabay turo. “‘Yung green na gate.”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Alvin. Pakiramdam niya, bumilis ang tibok ng kanyang puso.

“H-Ha? B-Bakit ‘yan?”

Muling itinaas ni Homer ang kanyang kanang kamay. “Bakit? May reklamo ka?”

Napangiwi si Alvin at humakbang paatras, ang mga mata’y nakatuon sa kamao ni Homer.

“P-Pero,” halos pabulong niyang sabi, “b-bahay ‘yan ng aswang, ‘di ba?”

 

Ipagpatuloy ang pagbabasa

PERPEKTO ANG GIRLFRIEND KO, BASTA SUSUNDIN MO LANG ANG KANYANG MGA “RULES”

PERPEKTO ANG GIRLFRIEND KO, BASTA SUSUNDIN MO LANG ANG KANYANG MGA “RULES”
ni Tristan Martin

Ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa buong mundo. Napaka-perpekto kasi ng girlfriend ko. Kung baga, wala na akong hahanapin pa. Napakaganda niya, sexy, sobrang bait, may sense of humor, matalino, at napakarami pang iba. Kung ililista ko lahat ng mga katangian niya, tiyak aabutin tayo ng year 2025! Madalas ko ngang kinukurot at sinasampal ang mukha ko para masiguradong hindi ako nananaginip.

Apat na taon na kami ng aking mahal na nobya. Noong niligawan ko siya, lahat ng mga kaibigan at kapitbahay ko sinabihan ako na huwag ko na raw ituloy dahil bad news daw siya at mapapariwara lamang ako kapag naging kami. Na may “something” daw ang pamilya nila sa probinsya. Bagong lipat lang ako sa lugar na iyon at mag-a-anim na buwan pa lamang doon nang makilala ko ang nobya ko. Hindi ako nakinig sa mga sinasabi nila, mga tsismoso at mga tsimosa, at itinuloy ang panliligaw. Hindi nagtagal, sinagot din niya ako at talagang sobrang ligaya ko simula noon. Lahat ng mga nagsabing mapapariwara raw ako, hindi ko na sila mga kaibigan ngayon.

Last year lang, nagsimula na kaming mag-live in. Kumuha kami ng condo sa Taguig at talagang sobrang saya namin. Halos wala kaming problema, wala kaming anumang away. At siyempre, dahil iyon sa sinusunod ko ang mga special rules.

Well, wala naman talaga siyang special rules para sa akin. Kung ano ang gusto at ayaw ng mga pangkaraniwang babae sa kanilang nobyo, ganoon din naman siya. Sa totoo lang, mas maluwag pa siya sa ibang mga naging girlfriend ko dati. Understanding siya, hindi demanding. Kaya mahal na mahal ko siya!

Ipagpatuloy ang pagbabasa

PUBLISHED – Librong Itim Volume 9

Magandang balita, mga mahal kong readers. After mahigit 10 taon na pagsusulat at pagshe-share ng mga kuwento ko sa blog na ito, nagkaroon din ako ng pagkakataon na mapublish ang mga akda ko. Sa ilalim po ng Librong Itim brand by Precious Pages, malapit na pong mabasa as a book ang pito sa mga istorya ko dito, sa LIBRONG ITIM VOLUME 9.

book00

Heto ang pito sa mga stories ko na kasama sa librong ito:

Ang Babaeng Baliw

Bakit Tawa nang Tawa ang Bungisngis

Huwag Kalimutang Isakay

Ang Pagbubuntis ni Glendang Manananggal

Ang Habilin

Pakiabot ng Bayad

Paulit-ulit

Kasama po ng pitong ito, mayroon pang TATLONG BAGONG-BAGONG KWENTO na hindi ko pa naipo-post dito. Tanging sa libro lamang po ninyo ito mababasa!

Sleep Paralysis sa Bus

Ang Guwardiya sa Dream Life Village

Kyaah! Pembarya!

 

Ang tatlong stories na ito ang ilan sa mga pinakanakakatakot at pinakapaborito ko sa mga short horror stories ko. Sana po ay magustuhan din po ninyo!

Sa mga readers ko po na regular na nagche-check ng blog na ito, sa mga nagcocomments sa mga istorya ko. maraming-maraming salamat po. Sana po ay suportahan ninyo ang aking first published book kung paano po ninyo sinuportahan ang blog kong ito. Pinapangako ko na patuloy akong magsusulat ng mga katatakutan para sa inyo!

Muli, maraming-maraming salamat po. Sabay-sabay po nating abangan ang nalalapit na release ng LIBRONG ITIM VOLUME 9.

Bawal Gumamit ng Calculator

Bawal Gumamit ng Calculator

ni Martin Tristan M. Carneo

Exam na naman sa Math. Siguradong sasakit na naman ang mga ulo namin. Pero wala naman kaming magagawa. Sanay na rin kaming lahat. Pag dating sa pag-mamaniobra ng mga numero sa isipan at sa papel, numero uno ang eskwelahan namin. Kahit gaano kalaking numero pa ‘yan, mapa-multiplication o division man, kayang-kaya naming lahat.

Kaya’t laking gulat ko nang makita si Alex na may kung anong bagay na dinudukot mula sa kanyang bag. Kahit hindi ko pa nakikita ay alam ko na kung ano iyon. Agad akong tumayo para pigilan siya.

“Alex, huwag kang guma-“

Natigilan si Alex at lumingon sa akin, ang isang kilay ay nakataas. Ngunit huli na ang babala ko. Sa kanyang kanang kamay ay hawak-hawak niya ang isang parihabang bagay na gawa sa kulay-abong plastik.

Isang calculator.

“Hindi!” bulalas ko sabay sabunot sa sarili kong buhok habang nakapikit.

Oo, bagong transfer lang si Alex at mag-iisang linggo pa lamang na pumapasok. Ngunit bakit hindi niya alam? Wala bang nagsabi sa kanya?

Sunud sunod kong narining ang boses ng aking mga kaklase. Malamang ay nakita na rin nila ang ginawa ni Alex. Muli akong dumilat at hinanap si Jessica, ang class president namin. Tungkulin niya na ipaliwanag sa mga transferees ang tungkol sa mga alituntunin ng eskwelahang ito. Mga alituntunin na hindi mababasa sa ‘student handbook’.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

Ipagpatuloy ang pagbabasa

My Story in Librong Itim!

librongitim-lowres.jpg

(Picture from https://librongitim.wordpress.com/)

Good news! Ang isa sa mga short stories na sinubmit ko para sa anthology book na Librong Itim ay pasok! Sa wakas, may maisasalibro ding akda ko, kahit maikling kwento lamang. Hindi ko alam kung kelan mare-release ang next volume (Volume 6 ata?). Sana ay tuluy-tuloy na ito.

Mga two months ago ay nanalo naman ako sa manga story writing contest ng Black Ink. Hindi ko nga alam kung paano ako nanalo. Napahaba kasi yung story ko noong sinusulat ko, eh, meron silang max word count na 2,000 words. Mahigit 3.000 words yung entry ko kaya madami talaga akong tinanggal kaya parang sabi ko malabo na ang manalo. Kaya sobrang nasurprise talaga ako! Fantasy yung genre ng story na ‘yun, hindi horror. Siguro baka next year mapublish na ‘yun as manga!

manga.jpg

Sana din matuloy ‘yung book ng compilation ng mga short stories ko! At sana… sana… sana manalo ako sa 6/58 Lotto!

Mga mahal kong mambabasa, sana po ay tulungan at suportahan ninyo ako. Kahit medyo bumabagal ang pag-post ko ng mga stories (pasensya na po, busy po sa maraming bagay!), patuloy pa rin kayo sa pagbisita at pagbabasa ng mga kuwento dito. Maraming salamat din po sa mga comments na nag-e-encourage sa akin na magpatuloy magsulat. Ilang beses na din ako sumukong magsulat dahil pakiramdam ko ay wala namang nakaka-appreciate pero bumabalik pa rin ako dahil sa mga comments niyo! Kahit yung mga nagrereklamo na bitin daw ang mga kuwento ko o kaya ay hindi nila maintindihan, mas naeencourage po ako na pagbutihin pa ang pagsusulat dahil sa inyo para naman next time, maintindihan niyo na, ahahaha!

Sana po ay suportahan ninyo ang mga stories ko na mapu-publish. At siyempre, suportahan natin ang lahat ng mga akda at librong sinulat ng mga Pinoy!

(Huwag na mag-away ang mga fans ng mga authors!)