Sabi Nila – Pinoy Horror Stories Animation Episode 2

Naka-up na po ang episode 2 ng ating bagong-bagong horror animation series! Tungkol po ang mga episode na ito sa mga nang-pa-prank ng mga delivery riders at sa mga taong mahilig mangutang pero ayaw namang magbayad!

Sana po ay mapanood at ma-enjoy niyo. Sana rin po ay masuportahan niyo ang aking channel by liking, subscribing, and sharing. Salamat po!

Sabi Nila Animated Horror

Magandang araw po! Sa mga masugid na tagabasa ng mga kwento ko sa blog na ito, meron na po kayong bagong susubaybayan. Gumawa po ako ng animated horror series na pinamagatang “Sabi Nila – Pinoy Horror Stories”. Pwede niyo na pong mapanood sa Youtube ang episode 1. Sana po ay magustuhan ninyo kahit baguhan lang ako sa pagdrawing at animation (mouse lang pangdrawing ko). Saka hindi po kagandahan ang boses ko, ahahaha!

Narito po ang link sa episode 1. Sana po ay makasubscribe din po kayo bilang pagpapakita ng suporta. Maraming salamat po!

Sabi Nila – Pinoy Horror Animation

Magandang araw po sa inyong lahat. Hindi niyo po alam, matagal ko nang binabalak na gumawa ng isang horror animation channel sa Youtube. Isa iyon sa mga goals at pangarap ko. At ikinagagalak kong sabihin na malapit na po itong matupad. Sana po ay abangan ninyo ang mga kuwentong katatakutan na galing sa aking malikot na imahinasyon bilang animation. Pinaghirapan ko po ito dahil ako rin po ang nag-drawing, nag-animate, at nagboses sa mga karakter. Hindi naman po ako ganoon kagaling sa pagguhit at aaminin kong pangit ang boses ko kaya’t sana’y mapagpasensyahan ninyo!

Anyways, heto po ang magiging intro ng aking horror animation channel, ang Sabi Nila – Pinoy Horror Animation. Pwede na rin po kayong mag-subscribe para makita niyo kaagad kapag na-upload ko na ang Episode 1 (promise, malapit na!)