Secret School Rules – Going Up

Going Up

ni Tristan Martin

            Halos alas-diyes na ng umaga nang dumating sa C______ Academy si Anthony. Mabagal ang kanyang lakad, pipikit-pikit pa ang mga mata at ilang beses naghikab. Hindi nakabutones ang suot niyang puting polo, na medyo gusot-gusot pa. Wala rin siyang suot na ID ngunit hindi na siya sinita ng guwardiya at umiling na lamang nang makita ang lalaki.

            Matangkad si Anthony, lagpas anim na talampakan. May kagandahang lalaki siya, kulay brown ang medyo kulot na buhok, at may dalawang hikaw na nakatusok sa kanyang kaliwang tainga. Dati siyang player sa basketball varsity team ng school ngunit napaalis dahil sa katakot-takot na reklamo at gulo na kinasangkutan niya. Kung hindi lang may kaya ang kanyang mga magulang ay tiyak na matagal na siyang na-kick-out. Kaya ngayong grade 12 na siya, marami ang natutuwa, mga estudyante at mga guro, na malapit na rin siyang umalis at mawala sa paaralan.

            “Pambihira, hindi na dapat ako pumasok”, bulong niya. Madaling-araw na kasi siya nakauwi dahil galing siya sa inuman kasama ng kanyang barkada. Plano niya sana na matulog na lang sa bahay nang buong araw, ngunit hindi niya inaasahan na walang pasok ang kanyang ina.

            Ang sarap-sarap ng tulog ko tapos bigla kang tatalakan. Kahit naman sino, masisira ang araw, sabi niya sa sarili. Kapag naka-graduate ako at nakahanap ng trabaho, lalayas na ko sa walang-kwentang bahay na ‘yon!

            Hinimas-himas niya ang kanyang kanang sentido na biglang kumikirot. May hangover pa ‘ata ako!

            Dumura siya sa damuhan sa kanyang kaliwa at pagkatapos ay pumanhik ng hagdanan papasok sa Main Building ng paaralan. Pagkapasok, lumiko siya sa kanang pasilyo at tinungo ang hagdanan. Walang ibang tao sa hallway, lahat ng mga estudyante ay nasa kani-kanila nang mga klase. Dinaanan niya ang Cashier at lumingon sa loob. Nakita niya na sinusundan siya ng tingin ng cashier na nakasilip sa salaming bintana.

            Alam ko lahat kayo gustong mawala na ako. Huwag kayong mag-alala, sukang-suka na rin ako sa inyo at sa school na ‘to!

Ipagpatuloy ang pagbabasa

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (FINAL UPDATE)

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (FINAL UPDATE)

ni Martin Tristan M. Carneo

 

Kamusta na mga kaibigan? Sana ay ayos lang kayo habang binabasa ito. Kung ako ang tatanungin, ang masasabi ko ay ayos na ayos ako ngayon. Nakausap ko na ang mga opisyal ng aming TODA at naliwanagan na ako. Balik trabaho na rin ako ngayon. Medyo nakokonsensya nga lang ako habang binabasa ang mga posts ko dati. Grabe, halos namumula ang mukha ko habang binabasa ang mga pinagsusulat ko roon. Sa mga pambihira at hindi kapani-paniwalang mga pangyayaring nakasulat doon.

Heto po ang mga previous posts ko:

Part 1:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2019/11/12/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-1/

Part 2:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/09/06/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-2/

Part 3:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/10/30/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-3/

Part 4:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/01/04/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-4/

Part 5:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/01/27/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-5/

Part 6:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/03/10/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-6/

Part 7:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/03/12/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-7/

 

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)

 

Sa totoo lang po, wala pong katotohanan ang lahat ng mga ito. Puro imbento ko lang iyon. Kaya nga huwag niyo na pong basahin dahil puro kalokohan ko lang po iyon. Malamang nagtataka kayo kung bakit ko iyon sinulat. Ako nga rin ‘yan ang tanong sa isipan ko. Dahil ba sa wala akong magawa? Gusto ko lang magpapansin? Gusto sumikat? Naku, ewan ko ba! Basta ang alam ko, maayos na ang buhay ko ngayon.

Sa katunayan, ako na ang bagong sekretarya ng aming TODA. Nag-retire na kasi ang dating sekretarya dahil ang sabi niya, tumatanda na siya at na-injury pa raw siya dahil nahulog siya habang bumababa ng hagdanan. Kaya ayun, laging na raw sumasakit ang likod niya. Ako ang inirekomenda niyang kapalit at wala namang ibang tumutol kaya bukod sa pagiging drayber, ako na rin ang sekretarya ng _____TODA.

Sa inyong mga mambabasa, humihingi ako ng pasensya sa mga kasinungalingang isinulat ko. Muli, wala pong katotohanan ang mga nakasulat sa mga dating posts ko. Isa lamang po akong isang simpleng traysikel drayber. Wala pong kababalaghan na nangyayari dito sa ________, Cavite. At lalo pong walang listahan ng mga kakaibang rules dito sa aming TODA.

Hindi ko na papatagalin pa ito. Alam kong abala kayo at ako rin naman ay abala sa pagbiyahe. Bukod sa kailangang kumita, kaming mga drayber ay napakaimportante sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Kung hindi kami babiyahe, sino na ang maghahatid sa mga pasahero upang makapunta sa trabaho, sa pamilihan, sa paaralan, at kung saan saan pa? Kaya’t kailangan naming pumasada.

Hindi pwedeng matigil ang biyahe ng mga traysikel sa aming TODA. Dahil malapit na!

Oh, paano? Maiwan ko na kayo. Siguradong ito na ang huling post ko. Gusto ko lang namang sabihin ang totoo dahil siyempre, masama ang magsinungaling. Siguradong magagalit ang ating diyos na si Ku… si K… si Kristo.

Paalam na sa inyo at purihin nawa ang ating diyos.

(This is an original work by MartinTristan M. Carneo. For more stories from this author, please visit kuwentonghorror.wordpress.com)           

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 7)

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 7)

ni Martin Tristan M. Carneo

Read Part 1 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2019/11/12/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-1/

Read Part 2 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/09/06/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-2/

Read Part 3 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/10/30/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-3/

Read Part 4 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/01/04/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-4/

Read Part 5 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/01/27/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-5/

Read Part 6 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/03/10/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-6/

 

“Anong ginagawa mo rito?”

Napahakbang ako paatras, nakalimutan na isang bangin pala ang nasa aking likuran. Natigilan lamang ako nang maramdaman ng aking paa ang bunganga ng bangin.

“Bakit ka naririto? Bakit hindi mo sinunod ang mga rules?” tanong ng sekretarya ng aming TODA.

Tiningnan ko lamang siya. Tulad ng mga tao sa baba kanina, nakasuot siya ng isang itim at mahabang damit. Nakababa ang talukbong niya sa ulo kaya’t kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang kulubot na mukha.

Napalunok ako ng ilang beses bago nakapagsalita.

“A-Ano ang lugar na ito? A-Ano ang halimaw na iyon?” halos pasigaw kong tanong. “Bakit nila k-kinakain…”

“Halimaw?” Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng matandang lalaki. Halos magsalubong ang kanyang kilay at nanlisik ang kanyang mga mata. “Hindi. Hindi halimaw! Hindi mo ba alam na nasa presensya ka ng ating diyos?”

“A-Anong diyos?” naguguluhan kong tanong.

Tumingala ang matanda at tumingin sa dambuhalang galamay sa aking likuran. Naging kalmado ang kanyang mukha. Napangiti siya at parang naluluha-luha pa ang mga mata. Para siyang nakakakita ng isang hindi kapani-paniwalang himala.

 

Ipagpatuloy ang pagbabasa

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 6)

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 6)

ni Martin Tristan M. Carneo

Read Part 1 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2019/11/12/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-1/

Read Part 2 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/09/06/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-2/

Read Part 3 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/10/30/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-3/

Read Part 4 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/01/04/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-4/

Read Part 5 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/01/27/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-5/

 

Siguro ay iniisip niyo na napakapambihira ng mga pangyayaring ikinuwento ko. Na parang hindi ito kapani-paniwala at baka guni-guni ko lamang o isang imbensyon. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay ganoon din ang iniisip ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ako makapaniwala sa aking mga natuklasan, sa aking mga nalaman. At ngayon nga, sobra akong nababahala sa mga susunod na mangyayari. Dahil kung hindi sila mapipigilan, siguradong mapapahamak tayong lahat.

Lumipas ang mga araw at buwan matapos kong maranasang isakay ang dalagang nakasuot ng asul na bestida. Pinilit kong ibalik sa dati ang takbo ng aking buhay at maging “normal” ang lahat. Bumalik ang aking mga ngiti at tawa kapag naghihintay ako sa aming terminal at nakikipagkuwentuhan at asaran sa mga kaibigan kong drayber. Kapag mayroong nangyaring kakaiba o hindi maipaliwanag, nagkikibit-balikat na lamang ako at hindi na nagtatanong sa mga kasamahan ko o sa sekretarya ng aming TODA. At siyempre, sinusunod ko ang lahat ng rules ng TODA.

Ngunit pagdating ng gabi, nahihirapan pa rin akong makatulog. Kahit madaling-araw na ay dilat na dilat pa rin ang aking mga mata, nakatingin sa bintana na naliliwanagan ng street lights sa labas. Nakikinig sa bawat kaluskos at kalansing na naririnig ko sa loob at labas ng aking apartment. Minsan ay napapabangon ako dahil sa kung anong ingay na aking maririnig, ngunit matutuklasan kong gawa lamang pala iyon ng asong kalye o kaya ng isang pusang gala. Kapag dinatnan naman ako ng antok at makatulog, parati akong binibisita at ginagambala ng mga nakakatakot na imahe. Sa aking mga panaginip, kitang-kita ko na napapalibutan ako ng limang lalake. Tumatawa sila na parang nababaliw, tumutulo pa ang mga laway. Sa tabi ay nakatayo ang isang matanda na may hawak-hawak na tinapay. Kapag tumingala naman ako ay makikita ko sa aking ulunan ang isang kabaong na napapalibutan ng mga bulaklak. Susubukan kong tumayo ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan. Hanggang sa maramdaman kong binubuhat ako ng mga lalaking nakapalibot sa akin. I-aangat nila ang aking katawan at pagkatapos ay ilalagay ako sa loob ng ataol. Isasara nila ang takip nito at maiiwan ako sa kadiliman. Ngunit doon, hindi ako nag-iisa. Kung sino o anuman ang kasama ko sa loob ng kabaong, ay mahinang bubulong sa aking tainga.

Ku’laam Tal’mak!

Ipagpatuloy ang pagbabasa

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 5)

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 5)

 ni Martin Tristan M. Carneo

Read Part 1 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2019/11/12/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-1/ Read

Part 2 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/09/06/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-2/ Read

Part 3 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/10/30/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-3/ Read

Part 4 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2021/01/04/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-4/

(WARNING: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng maseselang eksena at paksa tulad ng sexual abuse at violence.)

Nakapanood ako ng balita sa TV kagabi roon sa karinderiang kinainan ko ng hapunan. Halos hindi na kasi ako nakakapanood dahil wala namang TV sa tinutuluyan ko. Grabe ang mga krimen na nangyayari ngayon, ano? Parang lalong dumadami ang patayan at pang-aabuso. Nakakaawa ang mga biktima dahil madalas, hindi sila nakakakuha ng hustisya. Naalala ko tuloy ‘yung nangyari sa akin isang beses na pumasada ako. Ayoko sanang i-kuwento ito dahil isa ito sa pinakanakakatakot at pinakanakaka-trauma na nangyari sa akin.

Medyo matagal-tagal na ring may na-ingkwentro akong kakaiba sa daan habang bumibiyahe kaya siguro nakampante ako at nakalimutan ang rules ng aming TODA. Nakalimutan ko ang tungkol sa rule number four.

Mga alas singko pasado na yata nang lumiko ako sa __________ Street. May service ako noon at kakahatid ko lang ng mga estudyanteng sundo ko sa mga bahay nila at papauwi na sana ako. Hindi pa naman talaga ako pagod kaya’t nang may makita akong isang dalaga sa tabi ng daan na pumapara, agad akong tumabi para isakay siya. Tutal, maaga pa naman.

“Sa’n ka, ‘te?”

“Manong, sa may ilog lang po ako,” malamya niyang sabi.

Kaagad naman akong tumango at hinayaang pumasok ang babae sa loob ng traysikel. Pagkatapos ay pinaandar ko na ang aking motor at tinungo ang kaisa-isang ilog dito sa aming barangay. Malapit iyon sa bilyaran na pag-aari ng mga De Castro, ang isa sa pinakamayayamang pamilya dito sa amin. Sa katunayan, maraming mga taga-rito ang nagsasabi na pag-aari ng pamilya De Castro ang mga lupain doon, kasama na ang ilog na ilang metro lamang ang layo sa malaking bahay ng pamilyang iyon. Kilalang-kilala ang pamilyang iyon dito sa ________. Sa pagkakatanda ko, isa sa mga kamag-anak nila ang naging dating presidente ng aming TODA noon.

Mga limang minuto ang nakalipas bago ko napagtanto ang aking pagkakamali. Nanigas ang aking katawan at napamura ako.

Oo nga pala, ang rule number four! sigaw ko sa aking isipan.

Kapag dumadaan sa ______ Street tuwing hapon, maaaring may pumara sa iyong babaeng naka-asul na bestida kapag wala kang pasahero. Tumigil ka at huwag na huwag siyang lalagpasan. Tanungin kung saan siya papunta.
Kapag sinabi niyang “sa bukid,”” isakay mo siya. Habang nasa loob siya ng traysikel, huwag na huwag mo siyang sisilipin. Pag dating sa bakanteng lote sa tapat ng ________, itabi mo ang iyong traysikel, pumikit, at bumusina ng tatlong beses. Maghintay ng tatlumpung segundo bago muling dumilat at patakbuhin ang iyong traysikel. Huwag na huwag mong hahanapin kung saan nagpunta ang babae.
Kapag sinabi niyang “sa ilog,” humingi ng pasensya at sabihin hindi ka na aabot doon dahil pauwi ka na. Pagkatapos ay mabilis na umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa iyong bahay. Huwag na huwag ka nang magbiyahe sa araw na iyon.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 4)

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 4)

ni Martin Tristan M. Carneo

 

Read Part 1 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2019/11/12/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-1/

Read Part 2 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/09/06/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-2/

Read Part 3 Here:

https://kuwentonghorror.wordpress.com/2020/10/30/mga-kakaibang-batas-sa-aming-toda-part-3/

 

                Kamusta na kayo? Ayos lang ba kayo? Kung ako ang tatanungin niyo, siyempre, ang sasabihin ko hindi. Pero kahit paano, maayos-ayos naman ako ngayon sa kinalalagyan ko. Kahit nagtatago pa rin ako, sa tingin ko, ligtas ang lugar na ito sa kanila. Palagay ko, hindi nila ako basta-basta makikita rito.  Sana lang.. sana…

                Maiba naman ako. Puro mga nakakatakot at nakakapangilabot na pangyayari ang mga naikuwento ko sa inyo. Baka isipin niyo na puro ganoon na lang ang naranasan ko habang nagtatrabaho bilang tricycle drayber sa _____TODA. Sa totoo lang, bihira kaming makaranas ng mga kababalaghan o mga katatakutan. Kalimitan, isang normal na terminal lang ang _____TODA, mga normal na drayber, mga normal na tao. Kung ano ang nakikita niyo sa mga terminal na malapit sa inyo, ganoon din kami. Madalas maingay, may asaran, may tawanan. Minsan may nagkakapikunan pero nagiging maayos din lang naman ang lahat. Pare-pareho lang naman kami, mga drayber na nagsisikap magtrabaho para kumita.

                Hindi rin naman lahat ng mga “rules” ng aming TODA ay nakakatakot. Mayroon din na, oo nga’t kakaiba at hindi maipaliwanag, hindi naman talaga ganoon ka-delikado na maaaring ikapahamak namin. Minsan pa nga, parang nakakatawa sila kapag inaalala mo.

                Naalala ko nga isang beses ‘yung nangyari sa kasamahan ko, kay Daniel. Umaga noon kaya wala pa masyado pasahero. Karamihan kasi ng mga tao ay papasok ng trabaho kaya’t papalabas ng biyahe. Kakaunti lamang ang mga pauwi. Kalimitan sa mga pasaherong dumarating ay ‘yung mga namili sa paleng o kaya’y gabi ang trabaho at pauwi na.

                Nakaupo ako noon sa aking motor, nagbabasa ng tabloid na binili ng dispatcher namin. Si Daniel naman ay nakapila sa harapan ko, nakasampa rin sa kanyang motor. Medyo malayo pa kami sa harapan ng pila kaya nag-re-relax lang kami. Kinukuwento niya sa akin ang kapitbahay niyang ipinakilala niya sa nagpapautang ng five-six na biglang umuwi ng probinsya. Ngayon, siya tuloy ang hinahabol at sinisingil. Tumatango lang ako at napapangiti.

Ipagpatuloy ang pagbabasa

PERPEKTO ANG GIRLFRIEND KO, BASTA SUSUNDIN MO LANG ANG KANYANG MGA “RULES”

PERPEKTO ANG GIRLFRIEND KO, BASTA SUSUNDIN MO LANG ANG KANYANG MGA “RULES”
ni Tristan Martin

Ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki sa buong mundo. Napaka-perpekto kasi ng girlfriend ko. Kung baga, wala na akong hahanapin pa. Napakaganda niya, sexy, sobrang bait, may sense of humor, matalino, at napakarami pang iba. Kung ililista ko lahat ng mga katangian niya, tiyak aabutin tayo ng year 2025! Madalas ko ngang kinukurot at sinasampal ang mukha ko para masiguradong hindi ako nananaginip.

Apat na taon na kami ng aking mahal na nobya. Noong niligawan ko siya, lahat ng mga kaibigan at kapitbahay ko sinabihan ako na huwag ko na raw ituloy dahil bad news daw siya at mapapariwara lamang ako kapag naging kami. Na may “something” daw ang pamilya nila sa probinsya. Bagong lipat lang ako sa lugar na iyon at mag-a-anim na buwan pa lamang doon nang makilala ko ang nobya ko. Hindi ako nakinig sa mga sinasabi nila, mga tsismoso at mga tsimosa, at itinuloy ang panliligaw. Hindi nagtagal, sinagot din niya ako at talagang sobrang ligaya ko simula noon. Lahat ng mga nagsabing mapapariwara raw ako, hindi ko na sila mga kaibigan ngayon.

Last year lang, nagsimula na kaming mag-live in. Kumuha kami ng condo sa Taguig at talagang sobrang saya namin. Halos wala kaming problema, wala kaming anumang away. At siyempre, dahil iyon sa sinusunod ko ang mga special rules.

Well, wala naman talaga siyang special rules para sa akin. Kung ano ang gusto at ayaw ng mga pangkaraniwang babae sa kanilang nobyo, ganoon din naman siya. Sa totoo lang, mas maluwag pa siya sa ibang mga naging girlfriend ko dati. Understanding siya, hindi demanding. Kaya mahal na mahal ko siya!

Ipagpatuloy ang pagbabasa

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 1)

MGA KAKAIBANG “BATAS” SA AMING TODA (PART 1)
ni Martin Tristan M. Carneo
 
Mag-iisang taon na akong traysikel drayber dito sa ______, Cavite. Nagsimula ako last year nang mabili ko sa kapitbahay namin ang kanyang traysikel. Kasabay ng paglipat ng prangkisa sa aking pangalan, pa-simple rin niya akong inabutan ng kapirasong papel at pagkatapos ay nagmamadali siyang umalis. Uuwi na kasi siya ng probinsya dahil lalagay na siya sa tahimik. Nang mabasa ko ang nakasulat sa papel, hindi ko malaman kung matatawa o mapapakamot na lamang ako ng ulo.
 
“Ginu-good time ‘ata ako nito, ah?” sabi ko sa sarili. “Gusto pa akong takutin!”
 
Narito ang nakasulat sa papel na ibinigay niya sa akin.

Ipagpatuloy ang pagbabasa